Chapter 55: I will not tell her

22 2 0
                                    


>Jester's POV<

"Jaaaannee!" Sigaw ko nang makita ko si Jane na nahimatay. Tumakbo naman ako at binuhat siya pabalik sa bahay.

"Jane!" Sigaw ni Jaz habang umiiyak.

"Tingnan mo ngayon ang nangyari!" Sigaw ni Jaz at umupo sa gilid ni Jane kung saan ko siya pinahiga.

"Dalhin mo na lang muna si Jane sa kwarto niya kuya para makahiga nang maayos at makapagpahinga." Tumango naman ako sa sinabi ni Kirk at dinala si Jane sa kwarto niya.




Nang makababa ako ay nakita ko sina LJ at Wayne sa sofa. Nag-uusap kasama sina Kirk at Jaz. Tumakbo naman ako pababa.

"Kayo ba? Kayo ba ang nagsabi sa kaniya?" Galit kong sabi. Pinakalma naman ako ni Kirk.

"Hindi kuya. Nakita nila si Jane na kasama sina Jaimee at Leo sa isang coffee shop. Nahuli sila nang dating." Paliwanag ni Kirk.

"Si Leo? Hindi ba pinagsabihan niyo na siya?" Matigas kong tanong.

"Oo, kinausap siya ni Vick. Pero si Jaimee ang nagplano na kausapin si Jane." Sabi naman ni Wayne. Hinampas ko naman ang mesa.

"Kuya, kumalma ka." Sabi ni Kirk kaya huminga ako nang malalim.

"Ano na ngayon?" Tanong ni Jaz.

"Wala na tayong magagawa kundi sabihin kay Jane ang lahat." Sabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ni LJ.

"Walang planong sabihin ni kuya Jester kay Jane ang lahat." Sagot ni Jaz at tumingin nang masama kay Jester.

"Ano? Wala kang planong ikwento kay Jane ang lahat?" Galit na tanong ni LJ at sinuntok ako. Hinawakan ko naman ang panga ko.

"Bakit? Ano ba ang pakealam mo dito ha?" Tanong ko kay LJ. Kinwelyuhan niya naman ako.

"Alam mo kung ano ang pakealam ko dito. Hinihintay kitang sabihin sa kaniya ang lahat para masabi ko na rin sa kaniya kung ano ako sa buhay niya." Galit niyang sabi at binitawan niya ang kwelyo ko nang malakas.

"Stop. Okay? Kailangan nating sabihin sa kaniya. Pero hihintayin natin na maayos ang pakiramdam niya." Sabi ni Jaz.

"Aalis na kami ni Jaz. Babalik na lang kami bukas." Tumayo si Kirk pero hinawakan siya ni Jaz.

"Kuya, pwede bang dito na muna kami?" Sabi ni Jaz. Nakita ko naman na bumulong si Kirk sa kaniya pero umiling si Jaz.

"Sige." Maikli kong sabi at pumunta na ako sa kwarto ko.




>LJ's POV<

"Pagpasensyahan niyo na si kuya Jester." Sabi ni Kirk.

"Wala 'yon. Alam ko naman ang ugali no'n kaya okay lang. Naintindihan ko naman siya." Sabi ko naman. Alam ko talaga dahil naging kaibigan ko si Jester.

"Sige. Uuwi na kami. Balitaan niyo na lang kami kapag may mangyari." Sabi ko at umalis na kami.


"Kuya, anong gagawin natin kung hindi sasabihin ni Jester kay Jane?" Tanong ni Wayne.

"Ako mismo ang magsasabi kay Jane." Sagot ko habang nagmamaneho. Nakita ko naman na yumuko si Wayne.

"Oh? Anong problema?" Takang tanong ko.

"Kuya, natatakot akong malaman ni Jane." Sabi niya kaya hininto ko ang sasakyan sa tabi.

"Kuya, baka magbago ang tingin ni Jane sa atin. Ba-baka--" Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya.

"Wayne, tumingin ka sa akin." Tumingin naman siya. Parang iiyak na siya.

"Huwag kang mag-alala. Matagal naman nating nakasama si Jane. Alam naman natin na maiintindihan niya ang lahat. " Sagot ko. Ginulo ko naman ang buhok niya at pinaandar ulit ang sasakyan.

Good Girl's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon