Chapter 23: What's Happening?

240 8 0
                                    

Narinig kong tinatawag ako ni kuya pero di ko siya nilingon. Ayaw kong makita niya akong umiiyak dahil sa kanya.

Napapaisip din ako minsan eh. Kung bakit 'Marie' yung tawag sa akin. Eh 'Mary' yung pangalan ko. 'Marie' din minsan tawag nina mama at dad sa akin kaya ginawa nilang 'sweety' or 'baby' ang pagtawag. Naguguluhan ako.

"Sorry!" Sabi ko nang may nabunggo akong tao dahil nakayuko ako habang naglalakad.

"It's okay." Sabi niya. Tiningala ko siya nang konti para makita siya.

"Ja-jane? W-why are you crying?" Tanong niya. Ganito niya ba ako kakilala o talagang magaling lang siya sa pagkilala ng mga tao?

"Wa-wala to. Alis na ako." Sabi ko at tumakbo. Pero hinila niya ako at naunang tumakbo.

Napansin ko na lang na dinala niya pala ako sa rooftop.

"Dito ako pumupunta kapag may problema ako." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Ang gwapo niya pala. Parang familiar siya. Parang magkakilala na kami, matagal na. Di ko matandaan kung san ko siya nakita.

"Magkakilala ba tayo? I-i mean, kilala mo ba ako, noon pa?" Tanong ko

"A-ahhh. O-oo." Utal niyang sagot.

"Ta-talaga? Bakit hindi kita matandaan?" Takang tanong ko.

"Dahil anak ka ng may-ari Jane. Lumayo ka sa lalakeng yan." Sabi ni kuya at hinila ako palayo kay Leo.

"Bakit ba?" Irita kong tanong.

"Dahil masama siya." Giit na sabi ni kuya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko na parang mababali ang buto ko. Naluluha ako sa sakit.

"A-aray!" Pabulong na sigaw ko. Namimilipit ako sa sakit.

"Jane!"

"Shinee!"

"Bes!"

Narinig kong may sumigaw sa likod ko kaya napalingon ako. Nakita ko sina Miley, LJ, Wayne, Jaz, at Kirk. Nag-aalala sila. Nagmouth ako ng 'Help' kaya napakunot ang noo nila. Si LJ lang siguro ang nakagets.

"Bitiwan mo nga si Shinee! Nasasaktan siya sa paghawak mo!" Sigaw ni LJ kay kuya at pinilit niyang paghiwalayin ang kamay ni kuya. Binitawan naman ni kuya ang kamay ko. Hinimas ko naman ito. Di pa rin mawala ang sakit. Pulang-pula pa.

"Ano ba ang nangyayari dito?" Seryosong tanong ni Kirk. Nagulat naman siya nang makita niya si Leo. Parang nagulat din si Jaz.

"Umalis na tayo Jane. Mauna na kami." Sabi ni Jaz. Tumango lang si Kirk.

"LJ, lika na. Ikaw rin Wayne." Sabi ni Miley. Tiningnan ko sila. Parang hindi sila aalis. Nakita kong bumulong si LJ kay Wayne kaya sumunod sila sa amin.

"Dalhin natin siya sa clinic." Seryosong sabi ni Wayne.

"Hindi ba kuya mo yon?" Tanong ni Miley.

"A-ahh. Oo. Si kuya yon." Sagot ko.

"Grabe. Nakakatakot siya ah." Komento ni Miley.

"Yeah." Tipid kong sabi and everything went black.


^Miley's POV^

"Hindi ba kuya mo yon?" Tanong ko kay Jane.

"A-ahh. Oo. Si kuya yon." Sagot niya.

"Grabe. Nakakatakot siya ah." Komento ko. Talagang nakakatakot eh. Yung mata niya ay parang dumidilim. Tapos yung pagkahawak niya kay Jane kanina ay mahigpit.

"Yeah." Tipid na sabi ni Jane.

"Di ka ba natata- Jane!" Sabi ko. Itatanong ko pa sana kung hindi siya natatakot, nahimatay na. Nahimatay siguro dahil sa takot. Hihihi. Jokens lang.

"Tulungan niyo ako! Ang bigat kaya ni Jane!" Sigaw ni Jaz kaya nataranta kami. Agad naman binuhat ni LJ si Jane. Kumirot naman ang dibdib ko sa nakita ko. May pagtingin ako kay LJ pero walang nakakaalam ngunit sarili ko lamang. Kung tingnan mo ang mukha ni LJ ngayon, matinding pag-aalala ang makikita mo.

"Miley! Halika na!" Sigaw ni Wayne.

"A-ah. A-andyan na!" Balik na sigaw ko at tumakbo papunta sa kanila.



"Okay lang po ba siya?" Sincere na tanong ni LJ sa clinic nurse.

"She's okay. Nahimatay siya dahil sa pagod." Paliwanag ng nurse.

"Salamat naman! Oh! Miley, ba't parang iiyak ka dyan? Ok na daw si Jane!" Kantyaw ni Wayne. Lintik naman oh!

"Hehehe." Pilit na tawa ko.

"Hehehe ka dyan. Halika nga! Bili tayo ng pagkain at tubig. Nauhaw ako sa pagtakbo." Sabi niya

"K." Sabi ko.

"K? Ano to? Text? Ewan ko sayo!" Sabi niya at umalis.

"Luh? PMS? Hahaha. Hintay!" Sabi ko at hinabol siya.

"Oh!" Sabi ni Wayne habang inaabot niya sa akin ang tubig.

"Salamat!" Sabi ko at inubos ko ang tubig.

"Woi! Ba't mo inubos? Hindi pa ako nakakainom!" Dabog niyang sabi.

"Wooh! Ganun ba? Bili ka ulit tsaka balik na tayo!" Sabi ko at ngumiti.

"Aiiish!" Reklamo niya at bumili ulit. Natawa naman ako sa ginawa niya. Hihihi. Ang cute niya.

"Anong nginingiti mo dyan?" Tanong niya habang nakakunot ang noo.

"W-wala ahm! Tara!" Utal na sabi ko

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now