Chapter 30: Just Keep Quiet

163 5 0
                                    

Jane's POV

"Mi-Miley..." Tawag ko kay Miley. Tumingin naman siya sa akin tapos nagpatuloy sa ginagawa niya.

"U-uy! So-sorry kahapon." Sabi ko sa kanya sabay tap sa balikat niya.

"Nataranta lang talaga ako kahapon kaya nagkagan'on ako." Dagdag ko. Tumingin naman siya sa akin na naluluha.

"La-lagot! Ba't ka umiiyak? Ano--" Hindi ko na natuloy yung sinabi ko dahil bigla niya akong niyakap.

"Okay ka na ba? Sorry rin kasi hindi namin masabi sa'yo." Sabi niya habang umiiyak na. Oo. Umiiyak na siya.

"Huwag ka ngang umiyak. Naiiyak na rin ako!" Sabi ko.

"Oh? Ba't umiiyak ka Wayne?" Narinig ko ang boses ni LJ kaya napahiwalay ako sa yakap ni Miley at nakita kong umiiyak si Wayne.

"Eh kasi.. Umiiyak sila." Paliwanag ni Wayne. Bigla naman siyang sinapak ni LJ kaya natawa kami.

"Gala tayo mamaya after class ah?" Yaya ni LJ. Sumang-ayon naman kami sa kanya at umupo na sa aming silya.



----- Lunch Break -----




~~LJ's POV

"LJ, alam na ba nina--"

"Shhh! Wayne! Huwag dito. Nasa school tayo. Napag-usapan na 'to natin di ba?" Putol ko kay Wayne.

"Eh kasi naman kuya!" Maktol ni Wayne.

"Ku-kuya?" Takang tanong ni Miley na bigla na lang sumulpot.

Nagkatinginan naman kami ni Wayne.

"Kasi parang kuya niya daw ako. Kaya kuya ang tawag niya sa akin." Paliwanag ko. Napakunot naman ang noo ni Miley na ang ibigsabihin ay hindi siya naniniwala sa paliwanag ko.

"Okay. We'll tell you." Sabi ko. Hinawakan naman ako sa braso ni Wayne. Tumango lang ako para isenyas sa kanya na okay lang.


------ After class ------


~~ Miley's POV ~~

"Okay guys! Saan tayo?" Excited na tanong ni Jane.

"Guys? What's the matter?" Takang tanong ni Miley. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Sa carnival kaya tayo? Maraming rides doon 'di ba?" Sabi ko habang chinicheer-up yung mood.

"Sige ba!" Sabi ni LJ.

"Game!" Sabi naman ni Wayne.

"So tara na? To carnival?" Masayang tanong ni Jane.

"To carnival!" Sabay naming sabi nina Wayne at LJ.



~~ Jane's POV ~~

Ako lang ba o kayo rin? Yung nakakaramdam na may something? Yung parang ang awkward ng atmosphere? Haay. Hayaan ko na lang. Sa ngayon, mag-eenjoy na lang ako. Kami.

"Sa ferris wheel muna tayo!" Excited na sabi ko. Nakita ko naman na namumutla si Wayne.

"Oy! Anyare sa'yo?" Tanong ni Miley kay Wayne. Sabay-sabay naman kaming tumawa dahil kita sa itsura niya na natatakot siya.

"Ka-kayo na lang muna. Nagugutom ako eh. Kakain lang ako d'on." Pinipilit niyang sabihin ang mga katagang ito sa normal niyang boses at dahil dito, lumakas ang tawa namin.

"Okay. Sige. Kain muna tayo, tapos sasakay na tayo sa ferris wheel." Sabi ni LJ habang natatawa.

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now