Chapter 50: I'm Okay

14 2 0
                                    

>Kirk's POV<

"Jane!" Sigaw ko nang makita ko siyang nakahiga sa sahig sa gilid ng kama. Napatakbo naman ang iba kong kasama sa kwarto kung saan  si Jane at nagulat din sila.

"Anong nangyari sa'yo? Jane! Jane, gumising ka!" Tarantang sabi ko at binuhat ko siya pabalik sa kama. Bakit ang init niya? Nilagay ko ang kamay ko sa noo niya.

"May thermometer ka ba dito Miley?" Tanong ko. Tumango naman siya at nag-umpisang maghanap.

"Tubig." Sabi ko at kumuha naman ng tubig si Wayne. Nakita ko naman si LJ na lumabas ng kwarto. Pumunta naman si Jaz sa CR para kumuha ng basang tuwalya.

"Saan ka pupunta?" Rinig kong tanong ni Wayne kaya napatayo ako.

"Jaz, dito ka lang muna." Paalam ko kay Jaz nang makita ko siya pabalik na sa kay Jane. Si Miley naman ay bumalik na rin nang makita niya ang thermometer at binigay ito kay Jaz. Lumabas naman ako para makita kung anong nangyayari.

"Anong problema?" Tanong ko kina LJ at Wayne.

"Pupuntahan ko si Jester." Matigas na sabi ni LJ. Pinipigilan naman siya ni Wayne na umalis.

"Anong gagawin mo? Sisigawan siya? Sesermonan?" Galit kong sabi kay LJ.

"Oo! Sasabihan ko siyang tapusin niya ang problemang ito!" Pasigaw na sagot ni LJ kaya napakunot ang noo ko.

"LJ, hayaan mo na muna. Importante ngayon ang kalagayan ni Jane. Hindi mo ba nakikita? Nagmakaawa ako kay kuya Jester na hayaan kayong dalawa ni Wayne na makipagclose kay Jane dahil alam ko kung ano ang sitwasyon niyo pero LJ, pakiusap naman oh. Unahin natin ngayon si Jane." Mahinahon kong sabi kay LJ. Kinalma naman siya ni Wayne.

"Ibigay mo na ang tubig sa loob." Tumingin ako kay Wayne at tumango naman siya.

"LJ, pag-uusapan natin 'to kapag okay na si Jane." Sabi ko sa kanya.

"Kirk! Kirk! Si Jane!" Rinig kong sigaw ni Jaz.





>Jaz's POV<

"Huwag kang lalabas, Miley. Hayaan mo na lang sila." Sabi ko kay Miley. Nakikita kong natataranta siya sa mga nangyayari.

"A-alam mo kung anong nangyayari ngayon?" Nahihiyang tanong niya. Tumango naman ako nang dahan-dahan.

"Huwag kang mag-aalala. Malalaman mo rin sa takdang panahon." Sabi ko at binalik ko ang atensyon ko kay Jane. Pumasok naman si Wayne na may dalang tubig.

"Ja-jaz..." Mahinang bulong ni Jane.

"Kirk! Kirk! Si Jane!" Tarantang sigaw ko.

"Anong nangyari?!" Tarantang tanong niya. Tiningnan naman niya si Jane na gising na.

"Jane! Anong nararamdaman mo?" Tanong ni Kirk habang hinahawi niya ang buhok ni Jane.

"Wayne, puntahan mo muna si LJ sa labas. Kami na bahala kay Jane." Bulong ko kay Wayne at umalis naman siya.

"Ki-kirk. Pasensya na at inabala ko pa kayo." Matamlay na sabi ni Jane. Umiling naman kami ni Kirk.

"I'm so sorry, Jane. Huli na nang malaman ko kung ano ang nangyari. Sana nalaman ko man lang. Kasalanan ko 'to. " Naiiyak na sabi ni Kirk. Sinenyasan ko naman si Miley na lalabas kami kaya lumabas kami. Kailangan nilang mag-usap.

Nakita kong sinasabihan ni Wayne si LJ. Galit na galit si Wayne base sa itsura niya. Yumuyuko lang si LJ.

"Miley, bumili muna kayo ni Wayne nang makakain ni Jane sa labas." Tumango naman silang dalawa.

"LJ, pagpasensyahan mo na si Kirk." Sabi ko kay LJ.

"Hindi. Tama naman siya. Inuna ko pa ang ang galit ko kesa sa kalagayan ni Jane." Sabi naman niya.

"Ginawa mo rin naman 'yon para kay Jane pero mas kailangan natin siyang alagaan ngayon." Sabi ko.

"Kami na ang kakausap kay kuya Jester para sabihin niya na kay Jane ang lahat. Alam naman namin na kapakanan ni Jane ang iniisip mo." Dagdag ko.

"Pero sana intindihin mo rin na kapag nasabi na kay Jane ang lahat, baka magbago ang tingin niya sa atin kasi tinago natin sa kanya ang katotohanan. Maghanda na lang tayo kung ano ang magiging reaksyon ni Jane." Paliwanag ko kay LJ kaya bigla siyang humikbi nang mahina.

"Jaz!" Tawag ni Kirk sa akin kaya bumalik ako sa kwarto. Nataranta rin si LJ at pumasok rin sa kwarto.

"Dalhin natin si Jane sa ospital." Bungad na sabi niya nang makarating kami sa pinto. Tumango naman ako.

"Hindi na kailangan. Magpapahinga na lang ako." Sabi ni Jane. Pupuntahan sana siya ni LJ kaso tumalikod na lang ito.

"Hindi. Pupunta tayong ospital." Matigas na sabi ni Kirk. Hinawakan naman ni Jane ang kamay niya.

"Okay lang ako tsaka alam mo naman kung gaano ko kaayaw na pumunta sa ospital 'di ba?" Sabi ni Jane kaya wala nang nagawa si Kirk kundi sundin si Jane.

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now