Chapter 6: Knowing You

423 12 0
                                    

Haaay. Salamat. Sabado ngayon at makapagpahinga rin ako.

*Dingdongdingdong*

"Oh! Miley. Bakit ka nandito? Ang aga-aga ha?" Sabi ko kay Miley.

"Magshopping naman tayo oh. Bored kasi ako sa condo ko." Sabi niya sabay pout.

"Oh. Sige2. Anong oras ba?" Tanong ko.

"Ngayon na po." Sabi niya with matching wide smile.

"Ngayon? Eh hindi pa ako nakapaligo eh." Sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Edi maligo ka. Hihintayin nalang kita jan sa sofa mo. Hihihi. May pagkain ka naman siguro hindi ba? Kakain nalang ako habang hinihintay kita" sabi niya at ngumiti.

"Sige na nga. Pasok ka. Huwag ka magulo ha at huwag mong uubusin yung pagkain." Sabi ko atsaka pumasok sa kwarto at naligo and nagbihis. Mga kalahating oras din ako nag-ayos ng sarili ko.

"Wow! Ganda mo naman teh!" Sabi ni Miley.

Ang damit ko pala ay naka longsleeve na blouse tsaka naka skirt at naka sneakers. Eh ganto ako magdamit eh.

"Tara na nga!" Sabi ko at hinila ko siya.

Nang palabas kami ng condo ay may nakalean na lalaki sa labas ng condo unit ko.

"Ay. Nakalimutan ko pala Jane na sasama si LJ sa atin. Siya yung magdadala ng mga pinamili natin" sabi ni Miley.

"Okay?" Yan lang yung nasabi ko. Sumakay kami sa sasakyan ni LJ.

Nang makarating kami sa Mall ay tumakbo si Miley papunta sa isang store na maraming dress kaya naiwan kami ni LJ.

"Hindi mo ba ako papansinin Shinee?" Tanong niya. Nakatago pa yung dalawang kamay niya sa bulsa ng pants niya.

"Ano naman pag-uusapan natin eh hindi naman tayo close." Sagot ko.

"Friends na kaya tayo Shinee." Sabi niya at nagpacute pa.

"Oo nga. Friends na tayo pero hindi tayo close." Sabi ko sabay tawa.

"Grabe ka naman. By the way, alam mo bang adik sa pamimilo si Miley? Baka magabihan tayo nito. Kaya mo ba?" Tanong niya habang tumatawa.

"Yaan mo na. Ganyan din naman ako. Ikaw kawawa sa ating tatlo." Sabi ko sa kanya habang tumatawa at iniwan siya.

"Hintay naman!" Sabi niya at sinundan ako.

*Riiing

"Sandali lng LJ. Sasagutin ko lang to." Sabi ko at nag nod naman siya

Ako: Hello ma?
Mama: Oh anak. Kamusta ka na diyan? Kumakain ka ba ng maayos? Magpahinga ka ha? Matulog ka rin nang maaga. Okay ka lang ba diyan?
Ako: Ma, isa-isahin mo naman yung tanong atsaka hindi na kaya ako bata.
Mama: I know anak. Pasensya na. Hindi lang kasi ako sanay na magkalayo tayo.
Ako: Haha. Okay lang ma. Kamusta na po ba kayo?
Mama: Okay lng naman ako anak. Ikaw jan?
Ako: Okay rin naman po.
Mama: May mga kaibigan ka na ba diyan?
Ako: Oo ma. Sina Miley at LJ. Nagshoshopping nga po kami ngayon eh.
Mama: Hala. Eh wrong timing naman yung pagtawag ko. Oh sya sige. Tatawag nalang ako uli. Mag-ingat ka anak. Love ka ni mama.
Ako: Love u too ma
*End call*

"Wow! Ang sweet naman ng mama mo." Sabi ni LJ.

"Ha-ha!" Sabi ko at nagpili na ng damit.

"Guys kain muna tayo. Gutom na ako eh." Sabi ni LJ.

"Sige. Saan tayo kakain?" Tanong ni Miley at tumingin sa akin.

"Kahit saan." Sabi ko.

"Sa Mcdo tayo. Tara na!" sabi ni LJ at pumunta na kami sa Mcdo. Si LJ na ang pumila kami naman ni Miley ang naghanap ng table. Nang makahanap kami ay agad kaming umupo.

"Alam mo Jane, parang gusto ka ni LJ" sabi niya nang mahina.

"Ha? Parang hindi naman eh. Assuming kalang." Sabi ko at tumawa.

"Hindi kaya! Ngayon lang yan nag-order eh. Kung kami lang eh ako yung nag-order." Sabi niya.

"Eh? Anong konek?" Sabi ko.

"Haay. Bahala ka nga." Sabi niya. Tumawa nalang ako. Ako? Magugustuhan ni LJ? Ewan ko na lang.

Nang dumating si LJ dala yung pagkain namin ay kumain na kami. Nag-usap rin kami nang kung anong bagay. Nakakatuwa pala silang kasama. Pagkatapos namin kumain ay naglibot-libot kami ulit sa mall. Bumili ng damit at ng kung anu-ano. Mga ilang oras ang nakalipas ay napagdesisyunan namin na umuwi na. Habang naglalakad kami ay may nabunggo akong isang tao.

"Sorry po." Sabi ko.

"Jane?" Sabi niya.

"Ahh?" Sabi ko naman. Saan ko nga nakita ang lalakeng to?

"Sino kasama mo?" Tanong niya. Nagtaka naman ako sa tanong niya. Napansin niya siguro na naguluhan ako sa sinabi niya.

"Ahh. Ma-mauna na ako." Sabi niya at umalis. Napahawak naman ako bigla sa ulo ko.


"Nasayahan ka ba Jane?"

"Oo. Salamat pala ah."

"Wala yun. Sa susunod ulit ha?"

"Sige. Ingat sa pag-uwi."

~~~~~

"Shinee? Okay ka lang?" Tanong ni LJ.

"Ahh. O-oo." sagot ko. Medyo masakit parin yung ulo ko. Hindi ko nga alam kung bakit.

"Jane, nandito ka lang pala. Akala namin sumusunod ka." Sabi ni Miley na nag-aalala.

"May nabangga kasi ako kanina kaya hindi ko kayo nakita. " Sagot ko kay Miley.

"Ahh. Tara? Uwi na tayo?" Sabi ni Miley at pumunta na kami sa parking lot atsaka umuwi na.

Nang makarating ako sa condo ko ay agad akong humiga sa kama. Hindi ko talaga alam kung bakit sumasakit ang ulo ko at kung bakit sumasakit ang ulo ko ay may nagpapakitang pangyayari sa utak ko. Habang malalim ang iniisip ko ay nakatulog ako.

~~~~

Happy New Year po. Mamaya nalang po yung isa or sa bukas na. Sorry po talaga. Busy kami kasi sa New Year.
Godbless :)

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now