Chapter 20: Medicine

256 5 0
                                    

"Bye guys! See you tomorrow!" Sabi ko sa kanila at sumakay sa kotse ko tsaka dumiretso sa condo.

*riiiinggg! riiiinggg!*

Me: Hello?
Dad: Tapos na ba ang klase mo?
Me: Ye-yes dad. Why?
Dad: Dito ka dumiretso. Take care.

*end call*

Nakakatakot naman yung boses ni dad. Gusto ko nga sana sila makita dahil miss na miss ko na sila pero natatakot talaga ako.


^bahay^

"Good afternoon po ma'am!" Masiglang bati ng kasambahay namin. Ngitian ko lang siya.

"Sweety!" Si mama talaga yun. Sa boses pa lang alam na alam ko na.

"Kamusta ang school?" Tanong niya. Niyakap ko siya at umupo kami sa sofa. Alangan naman sa mesa dba? Jokens lang.

"Ok lang po ma." Sagot ko at ngumiti.

"Balita ko may mga friends ka na." Sabi naman ni dad kaya  napalunok ako. I have a bad feeling about this.

"O-opo. Ma-mababait naman p-po sila." Sabi ko nang nauutal at niyakap si dad.

"1 girl and 2 boys?" Tanong ni dad kaya nagdahan-dahan akong tumango. Eto na ang climax.

"Sweety, nabalitaan kasi namin na may tumatawag sayong 'Future.' Hihihi. Ang sweet nun. Boyfriend mo ba?" Tanong ni mama na parang nakikilig. Natampal ko na lang ang noo ko. Di mama talaga.

"Hon!" Sabi ni dad. Nagpeace sign naman si  mama.

"Tell me." Matigas na sabi ni dad. Hohoho. Lagot talaga bukas si Wayne sa akin neto. Lagot talaga!

"Ahh. Ka-kasi dad ga-ganito y-yun." Pag-uumpisa ko.

"Wag kang mautal." Simpleng sabi ni dad. Lumunok naman ako.

"Hon, wag mong takutin si Jane. Let her explain first." Sabi ni mama kaya kumalma si dad. Nagwink naman si mama sa akin.

"Okay po. Friends lang po kami. Hanggang dun lang po yun tsaka siya naman po ang nagtatawag sa akin hindi ako. Sinasabihan ko siya na itigil niya ang pagtawag sa akin ng 'future' pero binalewala niya lang po at dad, wala akong planong makipagrelasyon. Hello? 4th year high school pa lang ako." Paliwanag ko.

"Good." Sabi ni dad habang tumango-tango.

"And dad, sana kung makikibalita ka tungkol sa akin, alamin mo ang buong storya ha? Hihihi. Yabayabayu!" Sabi ko at tumawa tsaka dumiretso sa kusina. Nagutom ako eh. Nakita ko naman si dad na umiiling.

"Ate! May cake ba dito?" Tanong ko sa kasambahay namin. Ayaw ko kasi na tinatawag silang yaya. Tao rin kaya sila.

"Yes ma'am. Nasa ref po." Sabi niya kaya dali-dali kong binuksan ang ref at kinuha ang cake tsaka lumamon.

"Sweety." Tawag ni mama kaya nilingon ko siya.

"Pasensyahan mo na ang dad mo ha? Strikto talaga pagdating sa lovelife." Sabi ni mama. Tumango lang ako. Di rin naman ako makasagot dahil may laman ang baba ko.

"Nagutom talaga ang anak ko." Sabi ni mama habang nakatingin sa akin na nakangiti.

"Sweety, iniinom mo pa ba ang gamot mo?" Tanong ni mama kaya napatigil ako sa pagkain at napaisip. Nilunok ko ang cake tsaka sumagot.

"Hala mama! Nakalimutan kong dalhin. Naiwan ko sa states." Sabi ko kaya natampal ni mama ang noo niya.

"Mama wag mong sabihin kay dad mama. Papagalitan ako nun. Hindi ba hindi mo gustong pagalitan ako ni dad?" Pabebe kong sabi kay mama. Napailing na lang siya.

"Pasalamat ka mahal kita. Dinalhan kita ng gamot mo. Sa susunod sweety ha? Wag mong kalimutan. Ibibigay ko sayo mamaya." Sabi ni mama kaya napangiti ako at inubos yung cake.

"Grabe ka talaga kumain sweety. Pero hindi ka tumataba. Hihihi." Hagikgik ni mama.

"Maliit nga ang cake mama eh. Bitin. Hihihi." Sabi ko naman at tumawa kami.

"Dito ka na lang matulog sweety ha? May uniform ka naman dito para bukas. Aalis din kasi ni dad mo after your class tomorrow." Sabi ni mama kaya napasimangot ako.

"Agad-agad mama? Kanina lang kayo dito tapos aalis kayo bukas?" Malungkot kong tanong.

"I'm sorry sweety. May emergency kasi sa states. Tumawag ang secretary ko kanina." Paliwanag ni mama.

"Wala naman po akong magagawa para di kayo umuwi dun eh." Sabi ko at nagpout.

"Babawi kami next time sayo sweety. Okay? So, cheer up!" Sabi ni mama kaya ngumiti ako.

"Movie marathon tayo! Tawagin ko lang ang dad mo." Sabi ni mama nang nakangiti.

"Kukuha lang po ako ng popcorn at soft drinks." Sabi ko. Tumango naman si mama at umalis.

Pagkatapos kong kumuha ng pagkain namin ay dumiretso ako sa sala. Nakita ko si dad at mama na naglalampungan.

"Baka istorbo po ako?" Sabi ko at umupo sa gitna nila. Binigyan ko sila ng pagkain.

"Hindi ka istorbo. Panira ka lang sweety." Sabi ni mama kaya tumawa kami. Tumayo si dad para iready ang panunuorin namin. Horror na naman. As usual. Ganito kami magbonding kapag nasa bahay kami. Masaya na kami kapag magkasama kami pero feeling ko talaga may kulang eh. Di ko maexplain kung ano. Di ko na lang inisip yun. Nagfocus na lang ako sa movie.

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now