Chapter 40: Laughter

48 3 0
                                    

"Jane!" Bungad ni Miley nang makapasok ako sa classroom.

"Good morning!" Sabi ko at ngumiti

"Good morning din!" Bati niya pabalik.

"Hindi mo naman siguro nakalimutang na pupunta tayong cafe mamaya noh?" Excited na sabi niya. Napatango naman ako.

"Oy! LJ at Wayne! Kayo rin. Pupunta tayong cafe mamaya!" Sigaw niya sa dalawa kaya napalapit sina LJ at Wayne.

"Huwag ka ngang sumigaw. Alam mo ba kung gaano ka tinis ang boses mo pagsumisigaw?" Sabi ni LJ habang tinatakpan ang dalawa niyang tenga.

"Nahiya naman ako sa mukha mo araw-araw na parang namatayan. Namatayan ng kambing!" Sabi ni Miley at tumawa nang malakas. Napailing naman kaming dalawa ni Wayne.

"At ikaw yung kambing!" Sabat ni LJ. Nagtinginan naman kami ni Wayne at nagsimulang tumawa.

"Jane naman eh! Ba't mo tinawanan?Nakakatawa ba?" Kunwaring padabog na tanong ni Miley. Napailing naman ako habang tumatawa.

"Eh ba't ka tumatawa?" Takang tanong niya.

"Ah.. Eh.. Kiniliti ako ni Wayne. Oo! Ganon! Kiniliti. Di ba Wayne?" Sabi ko habang tumatawa. Siniko ko naman si Wayne.

"Huh? O-oo. Kiniliti ko siya!" Pagsang-ayon niya sa sinabi ko na halatang pilit naman pero tumatawa pa rin siya.

"Ewan ko sa inyo!" Padabog na sabi ni Miley. Pinilit naman naming huminto sa kakatawa.

"O-oy! Miley!" Tawag ko sa kanya. Siniko ko naman si Wayne para tulungan ako pero tumawatawa pa rin. Tiningnan ko naman si LJ at nagsensyas na tulungan ako.

"Oy! Kambing este Miley!" Pagtawag ni LJ. Tatawa na sana ako kaso pagtingin ni Miley ay parang iiyak siya.

"Hala! Miley! O-okay ka lang ba?" Tarantang tanong ko.

"Bakit kasi sa dinamirami na hayop kambing pa?" Sabi niya na parang iiyak na talaga.

"Ba-bakit?" Sabay naming tatlong tanong.

"Namatayan kaya ako ng alagang kambing noon!" Paliwanag niya at yumuko.

"Lagot!" Pabulong na sigaw ko.

"Miley, sorry talaga. 'di namin sinasadya." Sabi ko at hinimas ang likod niya.

"Oo nga Miley. Sorry. 'di namin sinasadya pero sinadya ni LJ." Sabi ni Wayne kaya napatingin ako sa kanya at mahinang hinampas ang balikat niya.

"Ba'at ako na naman?" Tanong ni LJ.

"Pero sorry Miley. 'di kasi namin alam." Sabi ni LJ. Agad namang tumawa nang malakas si Miley habang hinahawakan ang tiyan niya. Napakunot naman ng noo naming tatlo.

"HAHAHAHA! Joke lang! Kayo naman hindi mabiro!" Sabi niya habang tumatawa kaya napailing ako. Ganon din si Wayne.

"Joke lang?" Tanong ni LJ kaya napatango si Mikey habang tumatawa. Niyugyog naman ni LJ ang dalawang balikat ni Miley.

"Joke pala ha?" Sabi niya habang niyuyogyog pa rin si Miley.

"Hindi ka namin sasamahan mamaya!" Sabi ni LJ at umupo sa upuan niya. Napatigil naman sa pagtawa si Miley at nilapitan niya ako.

"Sasama ka naman sa akin 'di ba? Jane?" Tanong niya. Napatingin ako kay LJ at umiling siya.

"Ah.. Eh.. Ano kasi.." Utal kong sabi. Nagmakaawa namn si Miley sa akin. Tinuro ko naman si LJ para puntahan niya.

"LJ! Oy! Sorry na kasi. Eto naman di mabiro." Sabi ni Miley at tinapik ang balikat ni LJ.

"Eh ako? 'di mo tatanungin?" Tanong ni Wayne at lumapit kina LJ. Pinalayo naman ni Miley ang mukha ni Wayne.

"Biro mo kasi 'di nakakatawa." Paliwanag ni LJ.

"Oy! Pansinin niyo naman ako!" Dabog na sabi ni Wayne. Hinila ko naman siya at sinenyasan na tumahimik muna pero pilit pa rin siyang dumadabog kaya tinakpan ko ang baba niya. Naramdaman ko na lang na dinilaan niya ang kamay ko na nakatakip sa baba niya.

"YUCK!" Malakas na sigaw ko kaya napatingin sina Miley at LJ sa akin.

"Ano ba yan Wayne! Nakakadiri ka!" Saway ko sa kanya at pilit na pinahid ang kamay ko na dinilaan niya. Pinakita ko sa kanila ang kamay ko at napakunot naman ang noo nilang dalawa.

Alam kong bobo kung aamuyin ko ang kamay ko pero inamoy ko talaga.

"Ang baho!" Sigaw ko at umaktong na parang nasusuka pero wala talaga akong maamoy.

"Grabe ka naman Jane! Nakalimutan ko lang naman na magtoothbrush kanina!" Sabi ni Wayne kaya napatawa sina Miley at LJ. Akmang lalapit naman ako sa kanilang dalawa at nagsenyas na ipapahid ko sa kanilang dalawa ang kamay ko.

"Huwag ka nga Jane! May alcohol ako sa bag. Kunin mo na lang." Sabi ni Miley pero di ako tumigil na lumapit sa kanila.

"Mas masaya kaya pag-ipapahid sa inyo!" Sabi ko pero hinawakan ni LJ ang kamay ko at pinahid kay Wayne kaya napatawa ako.

"Tama na." Pabulong na sabi ni LJ.

"Marami na tayong nadisturbo." Sabi niya kaya napatingin ako sa bawat sulok ng classroom at narealize na halos lahat ng atensyon ay nakatuon sa amin.

"Hehehe. Kaya pala parang tahimik at tayo lang ang maingay." Sabi ko at nagpeace sign.

"Miley, hingi na lang ako ng alcohol." Sabi ko at binigay niya sa akin. Tiningnan ko naman nang masama si Wayne pero ngumiti lang nang nakakaloka.

Good Girl's LovelifeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ