Chapter 11: Pagbabangga

355 6 0
                                    

Jane's POV

Nakakabagot pala kapag walang guro. Nakakaantok naman kung naglelecture. Haay buhay. Kung alam ko lang na may meeting ang mga teachers edi sana, hindi nalang ako pumasok.

"Oy! Jane! Tara sa canteen." Aya ni Miley. Nagnod nalang ako at sumabay sa kanya papunta sa canteen.

"Anong gusto mo? Ako nalang bibili." Tanong niya.

"Kahit ano nalang." Sabi ko at kinuha yung phone ko pero hindi pa siya umalis para mag-order.

"Bakit?" Takang sabi ko sa kaniya.

"Pera mo pambili. Aba! Naging friends lang tayo tapos kung ako oorder, ako na magbabayad? Dream on!" Sabi niya kaya natawa nalang ako. Binigyan ko siya ng pera at umorder na siya.


Habang naghihintay ako ay nagfacebook ako.

*scroll* *scroll* *scroll*

Waaahhh! Omy! Nakita ko lng naman yung idol ko na si Song Joong Ki. Ang gwapo-gwapo nya kaya. KTB (kilig to the bones).

"Oh?! Anyare sayo te?" Tanong ni Miley.

"Secret." Sabi ko. Nilapitan niya naman ako at tiningnan kung ano ang ginagawa ko sa selpon ko pero tinatago ko pa rin sa kanya. Pinilit niya namang tingnan kaya wala na akong nagawa. Pinakita ko nalang sa kaniya.

"Kyaaaaahhh!" Sigaw niya. Nakita niya kasing nakatopless si Joong Ki.

"Oh my! Hindi mo sinabi na idol mo pala si Joong Ki. Idol ko rin kaya siya." Sabi niya.

"Eh malay ko ba?" Sabi ko at kinuha ko sa kanya yung phone ko. Binigay niya naman sa akin yung inorder niya para sa akin.

"Ano to?" Tanong ko.

"Casava cake." Sabi niya at kumain.

"A-ah. Sayo nalang. Gusto mo? Baka gutom kapa?" Tanong ko.

"Di mo ba gusto? Kala ko pa naman gutom ka?" Tanong niya.

"Bu-busog ka-kaya ako at wa-wala akong si-sinabi na gutom ako." Sabi ko na nauutal.

"Ay? Anyare girl? Busog ka ba o ayaw mo lang?" Nakakapagtaka niyang tanong habang nakatayo.

"Ah-eh... Busog nga ako eh. Sa'yo na lang. Libre ko na lang 'yan." Sabi ko sa kanya at umiwas nang tingin.

"Oy girls! Nakita ko rin kayo!" Sabi ni LJ na kararating lang. Umupo na si Miley sa harap ko at umupo naman si LJ sa tabi ko.

"A-ah. Nandito ka pala." Sabi ko.

"Dito rin kaya ako nag-aaral." Sabi niya at tumango lang ako tsaka yumuko.

"Teka! Any problem?" Tanong niya.

"Eh hindi kasi siya kakain eh." Sabi ni Miley na nakasimangot.

"Hala! Bakit naman?" Tanong ni LJ.

"Busog daw eh." Sabi ni Miley.

"Busog naman pala eh. Bakit pinipilit?" Tanong ni LJ habang tumatawa.

"Eh kung busog yan, Hindi niya sana ako binigyan ng pera para bumuli ng pagkain niya." Sabi naman ni Miley kay LJ.

"Eh baka gutom nga o ayaw lang sa pagkain?" Sabi ni LJ.

Nakita ko naman si Leo na papalapit sa table namin. Nagulat ako nung kinuha niya ang casava cake na binili ni Miley at pinalitan niya ng chocolate cake. Nagulat rin sina Miley at LJ sa ginawa ni Leo.

"Ba-bakit mo pinalitan? Ayaw ba niya ng casava cake?" Tanong ni Miley pero tiningnan lang siya ni Leo at umalis. Tinapon naman ni Leo ang casava at nakita yun nina Miley at LJ.

"Wa-wait lng! Bakit mo tinapon?" Tanong ni Miley nang pasigaw. Bumalik naman si Leo at tiningnan ako. Yumuko nalang ako. Sana kinain ko nalang o kaya sinabi ko nalang kay Miley kung ano nga ba para hindi na si Leo pumunta dito.

"Hindi mo pala alam? Hindi ka ba niya sinabihan kung bakit hindi niya kinain yun?" Tanong ni Leo na nagtataka.

"Na a-ano? Ano ang hindi mo sinabi sa akin Jane? Bakit hindi mo kasi kinain?" Tarantang tanong ni Miley na medyo naiirita. Pinakalma naman siya ni LJ.

"Alle-" Pinutol ni Jaimee ang sasabihin ko dahil pumunta rin siya sa table namin.

"Allergic siya sa casava. Hindi mo ba alam?" Mataray niyang sabi.

"Oh my gosh! Sorry talaga Jane. Sorry talaga! Bakit hindi mo kasi sinabi sa akin?" Tarantang sabi niya.

"Okay lang." Sabi ko at yumuko.

"Hala! Sorry talaga Jane!" Sabi ni Miley

"Ow! Hindi mo nga alam? Hahaha Akala ko bestfriends kayo?" Sabi ni Jaimee na inaasar si Miley.

"Eh ano ngayon kung hindi niya sinabi?" Tanong ni Miley.

"Syempre, ibigsabihin no'n ay wala siyang tiwala sa'yo. Tama hindi ba Jane?" Tanong ni Jaimee kaya napatingala ako at tiningnan siya na nakangiti.

"Oh eh ano ngayon kung hindi nga ako sinabihan ni Jane? Hindi ibig sabihin nun ay wala na siyang tiwala sa akin. Nakakatawa nga eh. Ako na yung bestfriend niya ngayon kase yung bestfriend niya NOON ay trinaydor siya. Nung pumunta siya sa States naging queen bee ka dahil ginamit mo ang pakakaibigan niyo. Oh! Hindi ba ang sweet ng bestfriend niya noon. Kaya wag na wag mong ikumpara ang sarili ko sayo dahil ikaw ang talo. Malayong-malayo ang ugali ko sayo. Hinding-hindi ko gagamitin ang bestfriend ko para makaangat ako." sabi ni Miley nang nakatayo at tumawa nang malakas para ipamukha sa kanya pero parang iiyak din si Miley. Totoo ba ang narinig ko kay Miley?

Nangingilid naman yung luha niya na nakafake smile.

"Ginamit mo pala ang pangalan ko para maging queen bee? Tapos bully ka pa sa mga estudyante rito. Okay lang sana kung naging queenbee ka at tinutulungan mo ang mga estudyante dito per--" Putol na sabi ko.

"Tama na!" Sabi niya at tumakbo paalis. Sinundan naman siya ni Leo. Mapait naman akong ngumiti.

Tiningnan ko naman si Miley na umiiyak habang nakayuko habang pinapatahan siya ni LJ.

"A-ah Miley. Sorry kasi hindi ko sinabi sayo." Sabi ko at pumunta sa kanya.

"O-okay lang Jane." Sabi niya sabay punas ng luha.

"To-totoo ba yung sinabi mo kanina?" Tanong ko.

"A-ahh. O-oo. So-sorry. Hindi ko napigilan. Nairita na kasi ako." Sabi ni Miley. Gusto ko sana malaman ang lahat. Si Jaimee lang ang makakapagkwento sa akin pero sa sitwasyon na ito ay parang imposible na makapag-usap kami.

"O-okay lang. Ta-tama naman yung ginawa mo. Dapat nga ako ang magsorry dahil hindi ko sinabi sa'yo na allergic ako sa casava." Sabi ko. Nilapitan ko naman siya at niyakap.

"Sali naman ako." Sabi ni LJ habang nakaspread ang kaniyang dalawang kamay na handa na sa pagyakap. Agad naman kaming naghiwalay ni Miley at tumawa. Sumimangot naman si LJ.

Good Girl's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon