Chapter 37: Chitchat

58 3 0
                                    

Hinanap ko kaagad si Jaimee nang makarating ako sa rooftop.

"Hmmm. Jaimee?" Sabi ko. Nakapikit kasi ang mga mata niya.

"Just ask the questions." Sabi niya habang nakapikit pa rin.

"Marami akong mga tanong na hindi alam ang sagot." Sabi ko at umupo.

"That's why you're here right? Magtanong ka na lang. Daming satsat." Sabi niya kaya napapikit ako at huminga nang malalim.

"Kilala mo ba ako? I mean, Magkakilala ba tayo? Noon pa? Close ba tayo o hindi? Ano ba kita?Ano---" Tanong ko habang nanginginig ang mga kamay ko.

"Oo." Simpleng sagot niya.

"A-anong ibigsabihin ng oo mo?" Takang tanong ko.

"We're friends before you went to States. Close friends actually. Since we were young. So, I can say that we're childhood friends? Or not." Sabi niya habang nakatingin nang diretso sa akin.

"Hindi tayo mapaghiwalay sa isa't-isa. Kung saan pupunta ang isa, sasama rin ang isa. Actually, tatlo tayong magkakaibigan noon." Nagulat naman ako sa huling sinabi niya.

"Ta-tatlo?" Takang tanong ko.

"Ako, ikaw, tsaka si Leo." Diretsahang sagot niya.

"Le-leo? Sigurado ka ba?" Takang tanong ko ulit.

"Do you think I'm joking right now?" Malditang sagot niya.

"Hi-hindi. Hindi lang ako makapaniwala. Bo-boyfriend mo kasi siya." Sabi ko habang nakayuko.

"Boyfriend?" Sabi niya habang tumatawa. Kaya napakunot ang noo ko.

"Hindi ko siya boyfriend." Dagdag niyang sabi.

"Huh? Eh ba-bakit.. Noong..." Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Just ask him. I know Kirk told you to find someone that could tell you the whole story about your life before you went to States and sad to say, I'm not that someone. It's Leo. Just go find him and don't disturb me." Mahabang sabi niya at umalis. Napatunganga naman ako. Si Leo? 

"Jaimee sandali lang." Sabi ko pero patuloy pa rin siya sa paglalakad kaya napaupo ako at napayuko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

May narinig naman ako na ingay kaya napatingala ako. Nagulat naman ako sa nakita ko.

"Leo? Ba-bakit ka nandito?" Napatayo ako sa gulat kaya parang tutumba ako pero tumakbo papalapit si Leo sa akin at inalalayan ako. Agad ko namang inalis ang kamay ko sa pagkahawak niya.

"Sa-salamat" Nauutal kong sabi.

"A-are you okay?" Mahinahong tanong niya. Tumango naman ako nang dahan-dahan.

Mga ilang minuto rin sa nkakabinging katahimikan naman na bumalot sa amin.

"Hmmm. Ja-jane." Tawag niya kaya napatingin ako sa kanya pero umiwas naman ako kaagad.

Kumabog nang mabilis ang puso ko at hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko.

"Narinig ko ang usapan niyo ni Jaimee nang hindi sinasadya." Sabi niya kaya dahan-dahan naman akong tumingin sa kanya.

"Ga-ganun ba?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya yan ang sinabi ko.

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero----" Napahinto si Leo dahil biglang bumukas ang pintuan at nakita ko sina LJ at Wayne.

"Ja-jane!" Sabay na sigaw nilang dalawa kaya nagulat ako.

"Ba-bakit?" Agad ko namang tanong.

"Eto kasing si LJ hinahanap ka kanina pa. May importanteng sasabihin daw." Diretsahang sabi ni Wayne. Nakita ko naman si LJ na biglang lumaki ang mga mata at siniko-siko niya si Wayne.

"A-ano kasi. Hmmmm." Kinakabahang sabi niya. Napansin ko naman natumingin siya nang mabilis kay Leo. Hindi ko alam kung may ibigsabihin ba iyon ko ano. May binulong naman si Wayne kay LJ.

"Aalis na lang muna ako Jane. Sa susunod na lang." Sabi ni Leo. Pipigilan ko siya sana kaso mabilis siyang umalis kaya wala na akong nagawa. Lumapit naman sina LJ at Wayne.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni LJ.

"Oo." Maikling sagot ko.

"Ano nga pala ang importante mong sasabihin?" Tanong ko kaya umiwas nang tingin si LJ.

"Ahhh... Ano kasi. Si Miley. Hindi namin makita." Sabi ni LJ. Nataranta naman ako sa sinabi niya.

"Wala ba siya sa classroom? Sa park? Sa canteen?" Sunod-sunod kong tanong.

"Tinanong namin ang guard kanina kung nakita niya si Miley. Ang sabi niya, lumabas daw ng school. 'di ko naman siya macontact eh." Sabi ni Wayne.

"May alam ba kayong lugar kung saan siya pumupunta?" Tanong ko. Umiling naman silang dalawa.

"May nangyari ba?" Seryosong tanong ni LJ.

"Me-meron. Hindi ko lang alam kung galit siya sa akin o hindi." Sagot ko.

"Hanapin na lang natin siya. Tara na." Sabi naman ni Wayne kaya umalis na kami sa rooftop.

"Jane, tawagan mo nang tawagan si Miley. Baka sasagutin niya ang tawag mo." Sabi ni LJ. Napatango naman ako. Kinuha ko ang selpon ko at agad siyang tinawagan pero hindi sinasagot.

"Anong gagawin natin? Hindi sumasagot eh." Sabi ko sa kanila kaya napaupo kami sa upuan malapit sa parking lot.

"Icontact kaya natin parents niya?" Tanong ni Wayne pero hindi ko alam kung magagawa namin 'yon kasi wala naman kaming number ng mga parent ni Miley.

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now