Chapter 16: His side

313 6 0
                                    

^Leo's POV^

"Grabe tol. Brokenhearted naman yung ex mo. Hahah!" Sabi ng kateam ko sa basketball.

"Ba-bakit?" Tanong ko.

"Ikaw kasi. Umuwi ka kaagad kahapon kaya hindi mo nakita yung nangyari." Sabi ng isa.

"Diretsuhin niyo na nga ako." Sabi ko sa kanila.

"May kayakap na ibang babae yung boypren ni Jane tpos niyakap rin siya ng babae. Yung parang wala lang sa kanya." Sabi ng kateam ko.

"Oo nga bro. Kasama ko nga kahapon si Keiry. Tapos narinig namin na tinawag ng babae na 'Babe' yung bf ni Jane." Sabi ni Dale nakabarkada ko.

"Ta-talaga? Ano p-pa?" Tanong ko.

"Sinabay pa sa sasakyan yung babae. Katabi ng bf niya ang babae sa driver seat tpos si Jane ay nasa back seat." Sabi naman ni Penny na kasabay sina Keiry at Jaimee.

"Tssk. Poor girl." Sabi ni Jaimee at tumawa sila.

"Jaimee! Jaimee!" Tawag ng schoolmate namin kay Jaimee.

"Oh?" Simpleng sagot niya.

"Yu-yung bf at ang karibal ni Jane nasa canteen ang sweet. Wala nga don si Jane eh." Sabi niya kaya nagulat ako. Dali-dali naman ako pumunta sa canteen ay sumunod sila. Nang makarating doon ay nakita kong nandun na si Jane kasama si Miley at LJ. Tapos nakita kong may binulong si Miley sa babae ng bf ni Jane. Ngumiti naman ito. Tapos may binulong din si Miley kay Jane na parang may 'flow'. Hindi ko naman nakita ang reaksyon ng mukha niya dahil nakatalikod siya pero nakita ko ang pagtango niya.  Pupuntahan ko sana ang table nila kaso pinigilan ako ni Jaimee at siya ang pumunta doon kasama ang mga kaibigan niya.

Nagkasagutan nila. Nung una ay ngumungiti pa si Jaimee ngunit ngayon ay galit na galit. Napakunot naman ang noo ko dahil sa mga narinig ko. Hindi ako makapaniwala na pinsan niya ang sinasabing bf niya. Natuwa naman ako ngunit may parte sa kalooban ko ang hindi mapakali dahil sa daming tanong. Bakit kailangan niyang magsinungaling? Bakit parang pinaglaruan niya kami? Pinaniwala niya kaming lahat na boyfriend niya ang pinsan niya. Umalis na lang ako dahil sa nagring yung bell.

"Grabe ka girl! You didn't say naman to them na boyfriend mo si Kirk! Funny!" Sabi ng totoong gf ng cousin ni Jane. Kirk? Tssk.

"Oo naman. Hindi ko nga rin alam kung saan nila yun kinuha. To kasing dalawang to. 'Byy' daw. Hahaha!" Sabi ni Miley.

"Ewan ko nga eh. Byy naman kasi yung cs namin. Kung hindi alam ng ibang tao na magpinsan kami." Sabi ni Jane. Tumango naman si Kirk. Tinadyakan ko ang upuan na nasa unahan ko. Wala namang tao. Natahimik naman sila.

"Problema nun?" Tanong ni Miley. Hinila lang siya ni LJ at umupo sa kanilang upuan.

"Dito ka umupo Jaz. Don nalang ako kina Miley at LJ." Napayehey naman si Jaz. Di naman makapaniwala yung Kirk. Huli ko na narealize na sa gilid ko nga pala nakaupo si LJ. May dalawang upuan ang pagitan. Umupo si Miley sa isa katabi ni LJ. Tapos umupo si Jane sa tabi ni Miley. So it means na katabi ko siya. Ngumiti naman ako.

"Leo?" Sabi ni Jane.

"Yeah." Sabi ko at tumango-tango.

"Ikaw pala." Sabi niya. Inilahad niya ang kamay niya kaya nakipagkamayan kami at ngumiti sa isa't-isa.

"Nandiyan na si ma'am." Sabi ng kaklase namin kay umupo kami ng maayos.

Habang naglelesson si ma'am, hindi ako makapagconcentrate dahil kay Jane. Kahit nakatingin ako sa teacher, ang attensyon ko ay kay Jane. What's happening to me? Tumaas naman ako ng kamay na nagsesenyas na lumabas. Tumango naman ang teacher. Dumiretso ako sa CR at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Parang namumutla na hindi, na ewan! Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Ngunit nang matandaan ko ang mga nangyari sa amin ni Jane nung kami pa ay naintindihan ko na. Nakalimutan ko yun dahil sa galit. Galit dahil akala ko may iba siya ngunit hindi naman totoo. Kaya may chance ako. Gagawa ako ng paraan para makakilos. Baka maunahan pa ako ng iba. Lumabas na ako ng CR. Pero paglabas ko ay may nabunggo ako.

"Hey!" Sabay naming sabi na parang galit. Nahulog naman ang laman ng folder niya. Tinulungan ko siya.

"Watch where you going." Sabi niya. Aba! Kasalanan ko pa?

"Wow tol! Ikaw pa ang nagalit." Sabi ko. Napakunot siya ng noo.

"What? I don't understand you." Sabi niya. Englishero. Tumalikod na lang ako.

"Hey! Where is the office here?" Tanong niya. Tinuro ko naman kung saan yung office. Umalis lang siya. Hindi man lang nagpasalamat. Pumunta muna ako sa canteen. Bibili ng inumin. I stayed there for 8-10 mins. English yon! After nun ay bumalik na ako sa room.

"What took you so long?" Tanong ng teacher.

"Bumili ako ng tubig ma'am." Sabi ko at bumalik sa upuan.

*knock-knock*

May pumasok na lalaki. Siya yung lalaking nabangga ko kanina ah?

"A transferee?" Tanong ni mam. Nagnod naman siya.

"You may come in." Sabi ni teacher.

"Ang gwapo bess. "

"Yummy!"

"Akin lang siya"

"No! Akin siya!"

Mga bulung-bulungan.

"Hello everyone! I'm--" di natapos ang sasabihin niya dahil sumigaw si Jane.

"Why the hell are you here?!" Sigaw niya. Nagulat naman ang teacher at mga kaklase ko. Pati naman ako dahil kilala niya si Englishero.

"Hi Future!" Sabi niya at kumaway pa with flying kiss. At mas nagulat kami sa ginawa ni Englishero.

"Ugh!" Sabi ni Jane sabay sabunot ng kanyang buhok.

"Co-continue." Sabi ng teacher.

"Okay ma'am! Hi everyone! May name is Wayne Cordilla. And don't you dare stole my Future!" Sabi niya kaya natampal ni Jane ang noo niya.

"You may sit." Sabi ng teacher.

"Can I sit beside my future?" Tanong niya.

"Leo, just find another chair." Sabi ni teacher. Magsasalita na sana ako ngunit tumakbo papunta sa gawi ko si Wayne kaya wala na akong nagawa. Umupo na lang ako sa likod ni Jane. Nakita ko naman ang pangungulit ni Wayne kay Jane. Ngunit naiinis si Jane at may sinabing 'later'.

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now