Chapter 49: It's my fault

17 2 0
                                    

>Miley's POV<

"LJ, can we talk?" Tanong ni Leo kay LJ nang makarating kami sa classroom. Pero nilampasan lang siya ni LJ. Anong nangyayari?

"LJ, please." Pagmamakaawa ni Leo. Tiningnan lang siya ni LJ.

"Hindi mo ba naintindihan ang usapan kahapon?" Tanong ni LJ. Napakunot naman ang noo ko. Usapan? 'yon bang umalis si LJ para habulin si Leo?

"Tara na, Miley." Pag-aya sa akin ni Wayne. Wala naman akong magagawa kasi wala rin naman akong karapatan na makinig sa pinag-uusapan nila pero nacucurious ako.

"Hayaan mo na lang sila, Miley. Alam kong naguguluhan ka pero hintayin mo na lang na ang panahon ang mismong gagawa ng solusyon." Saad ni Wayne at umupo sa upuan niya.

Ano daw? Hindi ko naintindihan ni isang salita na sinabi niya.

"Good morning class! Please get 1 whole sheet of pad paper. We're going to have a surprise quiz." Sabi ni Ma'am nang makarating siya sa loob ng classroom. Agad ko namang itinaas ang kamay ko.

"Yes, Ms. Salazar?" Sabi ni Ma'am kaya napatayo ako.

"Wala po ngayon si Ms. Sidario Ma'am dahil hindi maganda ang pakiramdam niya." Sabi ko kay Ma'am.

"It's okay. Sinabihan na ako ni LJ kanina." Sambit ni Ma'am kaya nagulat ako. Kailan sinabihan ni LJ si Ma'am?

"Let's start! Okay, number one..."


>LJ's POV<

"Hindi mo ba naintindihan ang usapan kahapon?" Iritang tanong ko kay Leo. Ang kulit eh.

"May ilang katanungan lang naman ako." Sabi ni Leo pero umiling ako.

"No means no." Maikling sabi ko. Nakita ko naman ang prof namin na parating at sinabihang wala ngayon si Jane.

"Good morning class! Please get 1 whole sheet of pad paper. We're going to have a surprise quiz." Sabi ni Ma'am nang makarating siya sa loob ng classroom.

"Yes, Ms. Salazar?" Sabi ni Ma'am kaya napatayo si Miley.

"Wala po ngayon si Ms. Sidario Ma'am dahil hindi maganda ang pakiramdam niya." Sabi niya kay Ma'am. Napailing naman ako.

"It's okay. Sinabihan na ako ni LJ kanina." Sambit ni Ma'am.

"Let's start! Okay, number one..."



>Kirk's POV<

Bakit hindi ko macontact si Jane?
Nalaman ko kasi kay Vick yung nangyari. Bakit kasi hindi ko alam na pupunta pala dito si ate Bright? Hindi niya manlang ako sinabihan. Okay lang ba si Jane? Kasalanan ko 'to. Bakit kasi sinabihan ko pa si Ate Bright sa mga nangyayari dito?

"Kirk, calm down." Pagpapakalma ni Jaz sa akin.

"How can I calm down? Baka napano na si Jane." Inis kong sabi.

"Paano mo siya makikita kung hindi ka kakalma? Ano ba tingin mo may Jane? Suicidal?" Tanong niya sa akin kaya napailing ako.

"Tanungin natin si Miley. Baka alam niya." Sabi ni Jaz kaya kinuha niya ang selpon niya.

"May number ka ba niya?" Takang tanong ko.

"Nice question pero wala eh." Sabi naman niya at tinago ang selpon niya.

"Puntahan na lang natin sila sa school." Sabi niya pero napakunot ang noo ko.

"Natatandaan mo ba na aalis na tayo do'n kasi babalik na tayo bukas sa States?" Paliwanag ko sa kanya.

"Makakaalis ka ba ngayon na ganito ang condition ni Jane?" Napaupo na lang ako at hinimas ang noo ko.

"Pupunta tayo sa school maglunch time. Tapusin mo na ang pagkain mo." Dagdag ni Jaz.

"Kuya, nakita niyo ba si Miley?" Tanong ni Jaz sa guard. Sinagot naman siya na baka sa canteen daw kasi 'di niya nakitang umalis sa school.

"Ayon siya. Bilis! Miley!" Sigaw ni Jaz. Lumingon naman si Miley kasama sina LJ at Wayne.

" Have you seen Jane?" Diretsahang tanong ni Jaz kay Miley.

"Nasa condo ko siya ngayon." Sagot ni Miley.

"Pwede ba kaming pumunta doon? Kakausapin sana siya namin eh." Paliwanag ni Jaz. Napatango naman si Miley.

"Samahan ko na kayo." Sabi niya at akmang aalis na kami kaso pinigilan kami ni LJ.

"Sandali. Sama kami." Maikling sabi niya.

"Kayo bahala." Sabi ko at umalis na kami.

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now