Chapter 58: Continuation

15 3 0
                                    

>Leo's POV<

*Flashback*

"Leo, ano na ang gagawin natin?" Narantang tanong ni Jaimee.

"Sandali lang. Tinatawagan ako ni Jane." Sabi ko pero pinigilan ako ni Jaimee sa pagsagot. Ilang ulit kong subukang sagutin ang tawag ni Jane pero pinipigilan lang ako ni Jaimee.

"Ano bang problema, Jaimee?" Irita kong tanong.

"Hindi mo ba nakukuha ang punto ko dito, Leo?!" Pasigaw na tanong ni Jaime.

"Masasaktan si Jane kapag nalaman niya ang tungkol dito. Nasasaktan na siya ngayon. Ayaw ko nang dumagdag pa." Paliwanag ni Jaimee.

"Jaimee, maiintindihan tayo ni Jane. Hindi naman natin kasalanan na magkaroon ng ganito." Sabi ko sa kaniya pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak at umiling.

"Leo, kapag nalaman niya ito, mas lalo siyang masasaktan. Hindi niya kakayanin ang sakit na dadalhin niya." Paliwanag ni Jaimee.

"Anong gagawin natin ngayon?" Takang tanong ko.

"Saktan na lang natin siya hanggang sa maaga pa. Lalayo tayo sa kaniya." Sagot ni Jaimee habang pinupunasan ang nga luha niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. Bigla niya naman akong hinalikan at tinulak ko siya.

"Ano bang ginagawa mo Jaimee? Nasisiraan ka na ba ng bait?!" Galit kong tanong kay Jaimee.

"Leo, sa ganitong paraan ko na lang alam na masasaktan si Jane. Mas maayos nang masaktan natin siya ng maaga kesa patagalin pa." Sabi niya at hinalikan ulit ako pero tinulak ko ulit siya pero huli na.






"Jane! Magpapaliwanag ako." Sabi ko at tumakbo ako papalapit sa kaniya.

"Paliwanag?! Hindi na kailangan Leo. Nakita ng dalawa kong mata kung ano ang nangyari." Sabi ni Jane.

"Hindi Jane! Hindi! Magpapaliwanag ako." Pinipilit ko si Jane na pakinggan ako. Nakita kong tumingin siya kay Jaimee at tumingin rin ako. Ngumingiti si Jaimee. Nakikitang kong pinipilit niyang ngumiti.

"Huwag na Leo. Pagod na pagod na ako." Umiiyak na sabi ni Jane.

"Magpapaliwanag nga ako. Please Jane." Pagmamakaawa ko.

"Tapos na tayo Leo. Hanggang dito nalang tayo." Sabi ni Jane kaya mapaluhod ako.

"Jane huwag. Huwag! Nagmamakaawa ako." Umiiyak na sabi ko habang nakaluhod.

"Tama na nga yan Leo! Nakita na niya eh! Sabihin mo nalang ang totoo na wala na kayo, na ako ang ma--" putol na sabi ni Jaimee.

*Paaaaaaak*
Sampal ni Jane kay Jaimee.

"Oo nakita ko. Eh ano ngayon? Masaya kana? Sayong-sayo na si Leo." Sabi ni Jane at lumakad paalis.

Hinawakan ko ang kamay ni Jane para pigilan pero nabitawan ko ito dahil sa paghila ni Jane ng kanyang kamay.

"Tama na Leo. Wala na tayo." sabi ni Jane at tumakbo habang umiiyak. Sinundan ko siya pero huli na ulit ako. Nasagasaan siya ng isang sasakyan na mabilis ang takbo. Tumakbo naman ako palapit kay Jane at dinala siya sa ospital. Agad kong tinawagan ang mga magulang ni Jane. Tinanong nila ako kung ano ang nangyari pero hindi ako makasagot. Nagpaiwan naman si kuya Jester dahil tinawag ang mga magulang ni Jane. Pinilit ako ni kuya Jester na sabihin sa kaniya kung ano ang nangyari kaya sinabi ko. Sinumbatan niya ako ng iba't-ibang masasamang salita at sinuntok.

"Umalis ka na dito. Baka kung ano pa ang gawin ko sa'yo." Mga salitang huling narinig ko galing kay kuya Jester bago ako umalis.

Palakad-lakad lamang ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa mga oras na ito. Hanggang sa may sasakyang huminto sa gilid ko.

"Leo!" Rinig kong sabi ni Jaimee kaya napatingin ako sa sasakyan. Bumaba naman siya.

"A-anong nangyari? Bakit puno ka ng dugo?" Takang tanong niya. Umiyak lang ako nang umiyak.

"Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko 'to." Paulit-ulit kong sabi.

Pagkatapos ng nangyari ay hindi ko na ulit kinausap si Jaimee nang masinsinan. Nabalitaan niya ang nangyari sa aming doktor dahil ang doktor namin ay nasa ospital kung saan ko dinala si Jane.

*End of Flashback*


"Walang araw na sinusubukam akong kausapin ni Jaimee pagkatapos ng nangyari. Kinokontak ko rin si kuya Jester pero nalaman ko na lang na nag-ibang bansa na pala sila. Alam kong kailangan naming mag-usap ni Jaimee pero hindi ko kaya." Paliwanag ko sa kanila.

"Akala ng mga studyante sa skwelahan na boypren ko si Leo dahil biglang nawala si Jane. Pero hindi ako ang nagpakalat ng balitang 'yon. Naging bully rin ako sa school dahil doon ko pinapalabas lahat ng galit ko sa sarili ko at para magalit sa akin ang mga tao." Paliwanag naman ni Jaimee.  Tumayo naman si Jane at niyakap si Jaimee.

"Kaya tama lang na magalit kayo sa mga ginawa ko. Na tinago ko kay Jane ang katotohanan. Galit na galit ako sa sarili ko dahil wala ako sa panahong kailangan niya ako. Sa panahon na kailangan niya ng karamay. Jane, I'm so sorry. I'm really sorry." Sabi ni Jaimee habang umiiyak. Pinapatahan naman siya ni Jane pero biglang hinawakan ni Jane ang ulo niya at sumigaw nang malakas.

"ARAAAAAY!" at bigla siyang nahimatay.



Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now