Chapter 33: Complicated

154 3 0
                                    

Kirk's POV

"Siya ba ang nangloko kay Jane?" Tanong ni Vick sa amin ni Jaz. Tumango naman kami.

"Akala ko naman kung sinong gwapo. Panget naman pala." Dagdag niya kaya natawa kami.

"Vick, wag kang mag-umpisa ng gulo. Take note, kilala ka namin." Banta ni Jaz.

"Kilala niyo naman pala ako eh. You know me. I love fights." Sabi ni Vick at pinuntahan niya si Leo. Di na namin siya napigilan dahil alam naman namin na di siya mapipigilan.


Leo's POV

"Hey!" May kumalubit sa akin kaya napalingon ako. Nakita ko naman yung lalakeng kausap nina Jane kanina sa classroom.

"What do you want?" Tanong ko.

"Alam mo bang kilala kita? Lalo na yung mga ginawa mo kay Jane? Yung pagloko mo sa kanya?" Sabi niya kaya naging kamao yung dalawa kong mga kamay.

"Gusto ko lang sabihin na, mag-ingat ka." Sabi niya at umalis. Kung di ako nakapagpigil sa sarili ko ay nasuntok ko na sana siya.

"Mag-ingat ka rin tol." Sabi ko at inunahan ko siyang umalis.



Jane's POV

"Saan ka galing?" Tanong ko kay Vick.

"Toilet." Maikling sabi niya. Maikli. Isang word lang eh. Nilapitan ko naman siya.

"Mukhang badtrip si baby boy ah." Sabi ko at tumawa. Ayaw niya kasing tinatawag ko siyang baby boy. Tinapunan niya naman ako nang masamang tingin kaya lalo la akong tumawa

"Jane, go to your seat." Seryosong sabi niya.

"Ano ako? Aso?" Sabi ko at hinampas-hampas siya.

"Ouch! Stop it! Stop!" Sabi niya kaya tumigil ako at umupo sa upuan ko.

Wala kaming kibuan hangang matapos yung klase. Aalis na sana ako sa classroom nang nagsalita si Vick.

"Jane, come here." Sabi niya. Umiling naman ako habang nakatalikod sa kanya.

"Jane. Come." Sabi niya at napatingin ako sa kanya.

"Okay. Go. Call me baby boy." Sabi niya.

"Baby boy!" Masigla kong sabi at tumakbo papunta sa kanya.

"Tara! Uwi na tayo baby boy." Aya ko sa kanya kaya tumango siya.

"Sama kami!" Narinig kong sigaw ni Miley. Kasama niya sina LJ at Wayne.

"Wait. Nasaan sina Jaz at Kirk?" Takang sabi ko.

"They went home." Sabi ni Kirk kaya napatango ako.

"Sa Sidario ka rin ba magsa-stay?" Tanong ni Miley.

"No. Actually, sa bahay ako nina Jane." Sagot niya kaya kumunot ang mga noo nila.

"W-what?" Tanong ni LJ.

"What's the matter?" Tanong ni Vick.

"Nothing. Ano mo ba si Jane? Friends lang ba talaga kayo?" Takang tanong ni Wayne.

"I told you, I'm her boyfriend." Mahinang sabi niya pero narOKnig ko pa rin kaya piningot ko siya.

"Huwag ka yong maniwala. Friends lang talaga." Paliwanag ko.

"Okay. Sabi mo eh." Sabi ni Miley.

"Pero, ano yung 'baby boy'?" Tanong ni Miley habang tumataas-baba yung kilay niya.

"Wala yun noh! Tawag ko lang yun sa kanya kasi ang kulit niya nung nasa states kami. Pero ngayon, mature na." Sabi ko at tumawa kami ni Vick. Hindi naman sila naniwala sa paliwanag ko.

Good Girl's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon