Chapter 51: Jaimee

14 2 0
                                    


>Jaimee's POV<

"Ito na po ang pinapahanap niyo ma'am." Binigay niya ang brown na envelope.

"Kompleto ba 'to?" Tanong ko at tumango naman siya.

Sa loob nito ang mga impormasyon kung ano ang pinag-uusapan nina Leo noon sa QQ's Resto. Pinahanap ko ito sa isang guard namin. Binuksan ko naman ito at tiningnan ang loob. Pictures? Sulat? Bakit may mga ganito?

Dear Jaimee,

Nagpapasalamat ako sa'yo dahil ginawa mo akong kaibigan mo. Nagpapasalamat din ako dahil laging kang nandiyan para sa akin. Salamat sa mga supporta at pagmamahal mo. Sana magiging masaya pa ang ating pagkakaibigan. Wala na akong hinihingi pang ibang kaibigan kundi ikaw lang at si Leo. Kayong dalawa lang ay sapat na ako. Mahal na mahal ko kayo. Dito ko lang ito masasabi dahil nahihiya akong ibigay sa'yo ito.

Dear Papel,

Nandito kami ngayon sa bagong tirahan namin. Pumunta akong playground dahil nag-aayos sila sa bahay. Hindi rin naman ako makatulong dahil wala pa akong kayang gawin. Tama nga ang desisyon kong pumunta sa playground dahil may nag-aya sa akin na isang batang babae na makipaglaro kaso agad akong tumakbo pabalik sa bahay dahil nahihiya ko.

Dear Papel,

Susulat na naman ako sa nangyari ngayong araw. Alam mo ba na inaya ulit ako ng batang babae na makipaglaro. Pinakita niya sa akin ang barbie niya at ang mga damit nito. Kinutya naman siya ng isang lalaki na tomboy daw siya at para lang daw sa babae ang barbie. Hindi ko alam ang gagawin ko para tigilan silang dalawa kaya aayain ko sana sila sa bahay para ipakita ang barbie ko kaso hindi ko nasabi dahil tinawag ako ni kuya.

Dear Papel,

Alam mo ba na nagpakilala ang batang babae at lalaki sa akin? Jaimee at Leo ang pangalan nila. Masaya akong makilala sila. Sana maging magkaibigan kaming tatlo. Ang saya kasi nilang tingnan kapag naglalaro. Nahihiya akong sumali sa kanila kahit inaaya nila akong makipaglaro sa kanila.

"Saan nanggaling ang mga sulat na 'to?" Tanong ko. Makikita sa itsura ng mga sulat na matagal na ito. Punit-punit na ang ibang bahagi nito at hindi masyadong mabasa ang ibang parte ng sulat.

"Sa isang box po na naiwan sa lumang bahay nina ma'am Jane. Kinuha po ng mama niyo ang mga gamit na naiwan doon para itago."

"Sige. Maraming salamat. Pwede ka nang umalis."

Tiningnan ko ulit ang brown envelope at nakita ko na may isa pang papel. Medical certificate? Bakit may ganito dito? A-amnesia? Ito ba ang pinag-uusapan nila sa QQ's Resto? Na may amnesia si Jane? Kaya ba hindi niya ako matandaan? Malala ba ang amnesia para kalimutan niya ang mga alaala niya noon?

"Anak, lumabas ka na. Handa na ang hapunan." Sabi ni mama habang kumakatok kaya agad kong tinago ang medical certificate na hawak ko.

"Bakit ka umiiyak, anak?" Takang tanong ni mama nang pumasok siya sa kwarto ko. Umiling naman ako.

"Nakita mo na pala ang mga sulat ni Jane. Naiwan 'yan kasama ang mga ilang gamit nilang naiwan bago sila pumunta sa States." Paliwanag ni mama. Natatandaan ko na close sila ni tita. Kasing close sila namin ni Jane noon.

"Na-nag-uusap pa po ba kayo ni tita?" Takang tanong ko kay mama.

"Hindi na. Hindi ko nga alam kung bakit. Hindi ko rin alam kung bakit sila umalis sa bahay nila. Hindi kami nag-uusap kahit may mga panahon na nandito siya sa Pilipinas. " Sagot ni mama. Napayuko naman ako.

"Hayaan mo na anak. Kumain ka na para makainom ka ng gamot mo." Sabi ni mama kaya tumango ako. Kasalanan ko kung bakit hindi na kinakausap ni tita si mama.

Tiningnan ko ulit ang medical certificate. Amnesia? Bakit parang pakiramdam ko na masalanan ko kung bakit ito nangyari. Teka, ka-kasalanan ko nga. Yung panahon na nakita ako ni Jane kasama si Leo. Pagkatapos ng nangyari ay wala na akong balita sa kanya. Dapat ako ang magsasabi kay Jane nito.

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now