Chapter 43: Ate

21 3 0
                                    

"Jane, may pupuntahan ka ba ngayon?" Tanong ni Miley sa akin. Nasa likod niya sina LJ at Wayne.

"Ba-bakit?" Tanong ko. Tingin ko kasi hinihintay nina LJ at Wayne yung isasagot ko.

"Magmamall tayooo!!" Sigaw ni LJ at Wayne habang pumapalakpak.

"Ahh sige. Mall tayo." Sabi ko kaya napatakbo silang tatlo palabas. Excited ata sila.

"Mag-aarcade tayo ha?" Tuwang-tuwang sabi ni Wayne.

"Sasakyan ko na lang gagamitin natin ha?" Sabi ni LJ kaya tumango naman ako.

Nang makita na namin ang sasakyan ni LJ ay may huminto na sasakyan sa harapan namin. Bumukas ang bintana ng sasakyan at nagulat ako kung sino ang nakita ko.

"A-ate?" Gulat kong sabi.

"Ate?!" Sigaw ng tatlo habang nagtitinginan.

"May ate ba si Jane?" Bulong ni Miles kay LJ.





^LJ's POV^

"Ate?!" Sigaw naming tatlo nina Miley at Wayne habang nagtitinginan.

"May ate ba si Jane?" Bulong ni Miley sa akin kaya napakunot ang noo ko.

Naramdaman ko naman na hinawakan nang mahigpit ni Wayne ang bag ko. Dahan-dahan ko naman tiningnan kung sino ang 'ate' na sinasabi ni Jane. Nagulat ako sa nakita ko kaya bigla akong tumalikod.

"Huli na para tumalikod ka. Alam kong alam niya rin siguro na nandito tayo." Mahinang bulong ni Wayne sa akin kaya napa 'tsk' na lang ako.

"Ate, bakit ka nandito? Hinahanap mo ba si Vick? Nandoon siya sa--" Naputol ang sabi ni Jane.

"I came to get you. Hop in." Sabi niya.

"Sa-sandali. Magmamall kaya kami." Awat naman ni Miles kaya tumawa siya.

"Do you mind?" Tanong niya habang nakatingin sa akin. Umiling naman ako.

"N-no." Maikling sabi ko. Tinapakan naman ni Wayne ang paa ko kaya napa-'aray' ako nang mahina. Tiningnan ko naman siya nang masama.

"Ha? Ba-bakit?" Malungkot na tanong ni Miles.

"Let's go Jane!" Pumasok naman si Jane sa loob ng sasakyan at umalis na sila.

"Bakit mo pinasunod si Jane sa babae na 'yon? Kilala mo ba siya?" Takang tanong ni Miles. Umiwas naman nang tingin si Wayne kay Miles.

"Hi-hindi. Mukha kasing magkakilala sila ni Jane at kailangan niya si Jane." Paliwanag ko. Napatango naman nang mahina si Miles.

"Uuwi na lang ako." Sabi ni Miles.

"Bukas na lang natin ituloy ang pagmamall." Malungkot na sabi niya at umalis. Tiningnan naming umalis si Miles.

"Bakit mo naman 'yon ginawa?" Galit na sabi ni Wayne.

"Baka anong sabihin niya kay Jane. Kilala mo naman siya 'di ba?" Dagdag ni Wayne. Tumahimik na lang ako.

"Kuya naman! Sagutin mo ako!" Sigaw niya.

"Ku-kuya?" Takang tanong ni Miley. Nagulat naman kami ni Wayne nang makita naman si Miles.

"A-akala ko ba umuwi ka na?" Tarantang tanong ni Wayne.

"Ah kase ano. Ano ka ba? Bakit kuya tawag mo sa kanya?" Tanong ni Miley.

"Ah kase ano. Pa-parang kuya ko na siya kasi." Tarantang sagot ni Wayne. Umiling naman ako.

"Let's just go to a near coffee shop. Let's talk there." Sabi ko kaya tumango naman si Miley. Napakunot naman ang noo ni Wayne. Tiningnan ko naman siya nang masama kaya wala na siyang nagawa.


>Coffee Shop<

"Ano? Magkapatid kayo?" Sigaw na tanong ni Miley.

"Shh! Hinaan mo boses mo." Saway ni Wayne kay Miley.

"Sorry."Maikling sabi ni Miley.

"Pa-paano? I mean bakit kayo magkapatid? Ay mali." Tarantang tanong niya kaya napatawa ako nang mahina.

"Kumalma ka muna." Sabi ko.

"Ahem. Kung magkapatid kayo, bakit magkaklase kayo? Huwag niyong sabihing.." Sabi ni Miley at tiningnan niya kami ni Wayne. Napakunot ang noo ko at nagets ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Hindi kami kambal Miley." Sabi ko at napapout naman siya.

"Mahabang storya. Basta napatigil ako sa pagpasok." Maikli kong paliwanag. Napatango naman si Miley.

"Eh, kilala niyo ba ang babae kanina na tinawag ni Jane na ate? May ate ba siya?" Tanong ni Miley. Nagkatinginan naman kami ni Wayne. Umiling naman siya.

"Hindi. Hindi niya ate 'yon. Sa pagkakaalam ko, ate iyon ni Vick. " Sagot ko sa kanya.

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now