Chapter 3: Who you?

540 14 0
                                    

Nang matapos na ang klase sa umaga ay dumiretso muna ako sa rooftop para magpahangin. Hindi parin kasi ako ginugutom. Pinikit ko ang mga mata ko para malasap ang hangin pero biglang...

"Araay! Ang sakit ng ulo ko" sabi ko sa sarili habang hawak-hawak ang ulo ko

Ang sakit talaga yung feeling na parang mababasag yung ulo mo. Ouch!

"Gusto niyo ng ice cream?" Tanong ng lalaki. Bata pa ata.

"Oo naman!" Masiglang sabi ng dalawang babaeng bata rin.

"Eto na!" Sabi ng lalaki sabay abot ng ice cream.

Ahhhh! Ang sakit! Ano ba 'to?

"Ammm. Miss! Okay kalang ba?" Tanong ng lalaki. Hindi ko makita kasi nakatalikod ako

"O-oo" sabi ko. Ansakit talaga. Sa totoo lang hindi ako okay!

"Parang hindi naman eh." At lumapit yung lalaki sakin.

"Jane?!" Gulat na sabi ng lalaki.

"Huh? Sino ka?" Tanong ko. Siguro kilala niya ako kasi anak ako nang may-ari at lalo lang sumakit ang ulo ko.

"Hindi mo ko natatandaan?" Tanong niya.

"Hindi eh. Sino ka ba?" Tanong ko sa kanya na parang nalilito ako.

"Magkaibigan kaya tayo." Sabi ng lalaki at nagpout. Hay ang cute! Ano bang nangyayari sa akin? Akala ko ba masakit ang ulo ko? Bakit iniisip ko na cute ang lalaking 'to?

"Magkaibigan? Hindi ko matandaan. Saan ba tayo nagkakilala?" Tanong ko sa kaniya.

"Noong bata pa tayo. Sa park kaya tayo ngkakilala. " Sagot niya pero naguluhan lang ako.

"Bestfriends forever?" Sabi ng girl.

"Forever!" Sabi ng kamukha ko at ng lalaki.

"Aahhh!" Sabi ko habang nakahawak sa ulo ko. Sumakit pa lalo ang ulo ko.

"Okay kalang Jane?" Sabi ng lalake.

"Ahh. O-oo. Sige alis nako." At tumakbo ako paalis.

"Jane! Jane! Sandali lang! " Sigaw ng lalake.

Hindi na ako lumingon sumasakit kasi ulo ko. Baka gutom lng to. Puntahan ko nalang si Miley para kumain.


*Canteen

"Jane!" Sabi ni Miley at tinataas yung kamay at pumunta naman sa kanya.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya.

"Wala pa eh. Pinuntahan nga kita dito." Sabi ko at humahawak parin sa ulo ko. Medyo masakit parin pero hindi katulad kanina.

"Okay. Ay! Sandali bakit parang pinagpapawisan ka? At bakit hawak mo yung ulo mo?" Tanong niya.

"Tumakbo kasi ako. Tsaka medyo masakit yung ulo ko. Gutom lang siguro ito. Sige oorder na ako. " Sabi ko at nag-order

Nang makaorder na ako ay bumalik ako kay Miley at kumain na kami.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa garden.

"Jane, hindi mo ba talaga kilala si Jaimee?" Tanong ni Miley na nagtataka at humahawak pa sa kanyang baba.

"Hindi eh. Kanina ko lang siya nakita. Ano ba talaga siya dito at bakit sabi niya na best friend ko siya?" Nagtatakang tanong ko.

"Ewan ko sa inyo. Hahaha!" Sabi ni Miley sabay tawa kung hindi ko 'to kilala, sasabihin kong baliw' to.

Umupo nalang kami sa swing.

Habang nagswiswing kami ay may narinig kaming nag-aaway na magnobyo.

"Ganun nalang ba yun? Iiwan mo ko?" Rinig kong tanong ng babae.

"Oo. Naiirita na ako sayo. Ang gusto mo dapat sundin ko. Ganun ba sa relasyon? At pinilit mo lang naman ako sa relasyong ito." Sabi nung lalake. Ang harsh naman niya.

"Pinilit? Pinilit ba kita? Tinanong kita at sumang-ayon ka. Sumang-ayon ka dahil sabi mo mas maganda kung masasaktan siya ng maaga kesa naman----" Naputol ang pagsasalita ng babae nang makita ako.

Nagulat ako kasi ang babae ay yung babaeng nasa canteen kaninang recess. Jaimee ata yung pangalan at yung lalake naman ay yung nasa rooftop. Destiny ba to?

"Ja-jane?" Sabay nilang sabi.

"Huh?" Nagtatakang sabi ko. Ba't kilalanila ako? Siguro famous ako sa paaralan na ito. Anak ng may-ari eh.

"Ba-bakit ka--- este kayo nandito?" Sabi nilang dalawa.

"Nasaswing kami kanina eh may narinig kaming nagsisigawan kaya pinuntahan namin. " Sabi ko sa kanila.

"Ah-ahh. Ganun ba? Pasensya na." Sabi ng lalake.

"Hi-hindi. Kasalanan namin na tiningnan namin kayo. Pasensya na. Alis na kami." Sabu ko sa kanila at umalis na kmi ni Miley.

Tinatawag pa nga ako ng lalake kaya lang hindi na ako tumingin sa kanila eh hindi ko sila kilala eh. Tsaka kailangan nilang mag-usap ng babae. Malaki ang problema nila base sa napakinggan ko.

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now