Chapter 56: Usap

15 2 0
                                    

>Jane's POV<

Nagising ako sa sikat ng araw. Napansin ko naman na puno ako ng pawis pero nilalamig ako.

Bakit nandito ako sa kwarto ko? Anong nangyari? Napahawak naman ako sa ulo ko dahil nakaramdam ako nang sakit.

"Jane? Gising ka na pala. Ma-may problema ba?" Tanong ni Jaz at tumakbo palapit sa akin.

"Wa-wala. Biglang sumakit lang ang ulo ko." Sagot ko sa kaniya.

"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko kay Jaz. Napakunot naman ang noo niya.

"Hindi mo ba natatandaan ang nangyari kahapon?" Kahapon? Ano ba ang nangyari kahapon? Te-teka. Huwag mong sabihing...

"Hi-hindi ba 'yon panaginip?!" Pasigaw na tanong ko. Tinakpan ko naman ang bibig ko.

"Pasensya na. Napasigaw ako." Sabi ko kay Jaz at yumuko.

"O-okay lang." Nauutal niyang sabi.

Kung hindi panaginip 'yon...


"Jane, saan ka pupunta?"






>Jaz's POV<

"Jane, saan ka pupunta?" Tanong ko kay Jane nang bigla siyang tumayo at tumakbo palabas ng kwarto niya.

Panaginip? Akala ba ni Jane panaginip lang niya ang mga nangyari kahapon? Tumayo naman ako at sinundan siya.

"Jaz? Anong nangyari?" Takang tanong ni Kirk nang makita ko siyang naglalakad.

"Biglang tumakbo si Jane palabas ng kwarto niya kanina." Sagot ko.

"Tsaka sabi niya, akala niya daw panaginip lang ang nangyari kahapon." Dagdag ko.

"Dahil 'yon sa gamot na iniinom niya." Sabi naman ni Kirk kaya napakunot ang noo ko. Gamot? Anong gamot?

"Sundan na lang natin siya." Kaya napatango ako.



Nakita namin siya labas ng kwarto ng kuya niya. Kakatok na sana siya nang biglang bumukas ang pinto.




"Jane?" Sabi ni kuya Jester at biglang niyakap si Jane. Hindi naman siya yumakap sa kuya niya at tinulak niya naman ito.

"Ba-bakit?" Takang tanong ni kuya Jester.

"Kuya, sabihin mo nga. Ano ba ang tinatago mo?" Mahinahong tanong ni Jane.

"Ku-kumain muna tayo ng agahan." Walang ekspresyong sabi ni kuya Jester at nagsimulang maglakad pababa. Napailing naman si Kirk. Nilapitan ko naman si Jane.

"Halika na." Aya ko sa kaniya at tumango naman siya.





Nang makarating kami sa kusina ay umupo naman kami. Tiningnan ko si Kirk at sumenyas kung anong gagawin. Umiling naman siya.




"Ku-kuya..."

"Mag-uusap tayo pagkatapos nating kumain." Sabi ni kuya Jester at tiningnan si Jane.

Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa may tumawag kay Jane galing sa labas. Kaya lahat kami ay pumunta sa gate.

"Mi-miley? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ni Jane nang makita niya si Miley. Nakita ko naman si LJ at Wayne na kalalabas lang sa kotse nila. Binuksan naman ni Jane ng gate silang tatlo.

"Anong ginagawa niyo dito?" Narinig kong bulong ni Kirk kay LJ.

"Pinigilan ko nga kaso hindi maawat. Nag-aalala daw kay Jane kaya sinundan na lang namin." Sagot ni LJ. Nakita ko naman nakumunot ang noo ni kuya Jester at bumalik sa kusina.

"Pa-pasok kayo." Sabi ni Jane at tumango naman silang tatlo.

"Umupo kayo at kumain." Sabi ni kuya kaya wala na silang magawa. Binigyan naman sila ng plato, kutsara at tinidor tsaka nagsimulang kumain.




Nauna si kuya Jester sa pagtapos ng pagkain niya at sinundan naman siya ni Kirk. Nakita ko silang nag-uusap at may tinawagan si Kirk sa kanyang selpon. Si kuya naman ay tinuro ang salas. Siguro sinasabi niya na doon lang muna siya. Tiningnan naman ako ni Kirk nang seryoso at kumausap na siya sa kanyang selpon. Kumunot naman ang noo ko.



"Jane, ayos ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni Miley. Tumango naman si Jane.

"Oo, maraming salamat pala sa inyo." Sabi ni Jane.

"Miley, pasensya ka na dahil nadala ka pa sa mga problema ko." Malungkot na sabi ni Jane.

"Ano ka ba? Ayos lang. Magkaibigan naman tayo eh." Sabi ni Miley at ngumiti.




Nang matapos kaming kumain ay dumiretso naman kami sa sala. Nakita ko na tulala lang si kuya Jester. Kinalabit naman ako ni Kirk.

"Papunta na sila." Maikli niyang sabi kaya napakunot ang noo ko.

"Sinong si---" Hindi ko na napatapos ang sinabi ko nang makita ko sina Leo at Jaimee sa labas ng bahay.

Good Girl's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon