Chapter 29: Half Truth

277 8 3
                                    

"Salamat at gising ka na!" Masayang sambit ni Miley kaya napatingin sa gawi ko sina LJ at Wayne.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Atat na tanong ni LJ habang papunta sa akin.

"Anong nangyari?" Takang tanong ko. D ko na masagot si LJ dahil nacucurious ako sa mga nangyayari.

"Bigla ka na lang nahimatay habang nakatayo tayo kanina." Paliwanag naman ni Wayne.

"Na saan tayo ngayon? Nasa ospital ba tayo? Bakit dito niyo ako dinala? May sakit ba ako?" Sunod-sunod kong tanong. Ng 'hmmm' lang si Miley tapos sina LJ at Wayne nagkatinginan.

"Sagutin niyo naman ako. Please?" Sabi ko sa kanila dahil nacucurious talaga ako.

"Baka kasi magalit ka. Tanungin mo na lang kaya ang parents mo?" Di siguradong sagot ni Miley. Tiningnan niya sina LJ at Wayne na nag-uusap. Napansin siguro nila na nakatingin kami sa kanila.

"Ahh-ehhh. Oo! Tanungin mo na lang ang parents mo o yung kuya mo!" Dalu-daling sabi ni Wayne.

"Sabihin niyo na lang kaya. Tutal, nandito naman tayo." Sabi ko sa kanila pero tahinik lang sila.

"Kung d niyo sasabihin, edi hindi." Padabog kong sabi pero wala effect.

"Sige! Kung d niyo sasabihin, huwag kayong kumausap sa akin." Sabi ko tsaka dali-daling umalis sa ospital.

Para saan pa ba? Wala naman akong nararamdaman sakit except sa ulo ko. Baka may sakit ako sa utak! O baka naman, may basag yung skull ko! O di kaya, puno ng tubig yung ulo ko kaya masakit. Hindi! Hindi! Hindi pwede! Maalaga naman kasi ako sa katawan ko.

"Jane! Jane! Sandali!" sigaw nina Miley, LJ at Wayne.

"Ang bilis mong maglakad!" Sabi ni Wayne. Binatukan naman sya ni LJ.

"Ang bagal mo kamo!" Sabi ni LJ sa kanya. Tatawa na sana ako kaso, natandaan ko na di ko dapat sila pinapansin kaya nglakad ulit ako.

"Sasabihin na namin. Sandali lang naman oh!" Sigaw ni LJ kaya napatingin ako sa kanila.

'Talaga?" Tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay kaya napaatras sila.

"Ahhh-ehhh. Ano..." Sambit ni LJ tapos siniko niya si Wayne.

"Naghihintay ako.." Sabi ko habang nakacross-arms.

"May... May..." Sabi ni Miley habang tumutulo ang pawis niya.

"Sasabihin ba natin? Baka pagalitan tayo ng mga magulang niya pati na rin ang kuya niya." Bulong ni Miley sa kanila. Bulong pa ba yon? Narinig ko naman di ba?

"May ammmm..." Sasabihin na sana ni Wayne kaso tinakpan ni LJ ang bunganga niya.

"Siguro Shinee, Mga magulang mo na lang tanungin mo. Wala kasi kami sa posisyon para sabihin sayo." Paliwanag ni LJ.

"Nasa ibang bansa sila ngayon at sigurado ako na di sila maiistorbo. Paano ko sila tatanungin?" Iritang tanong ko sa kanila.

"Y-yung kuya mo. Ta-tama yung k-kuya mo!" Utal na sigaw ni Miley kaya dali-dali akong umuwi.

"Jane!!" Sabay nilang sigaw pero hindi ko na sila nilingon. Tama si Miley. Tatanungin ko si kuya.


>Miley's POV

"Yan! Sasabihin ko na sana! Ba't mo pa ako pinigilan? Yan tuloy, masama na ang loob ni Jane sa atin!" Sabi ni Wayne kay LJ.

"Sinabi ko na kanina hindi ba? Wala tayo sa posisyon para sabihin yun!" Sagot ni LJ.

"May karapatan tayo kuya! Sana alam mo 'yon!" Sigaw ni Wayne kay LJ at umalis.

"Ku-kuya?" Takang tanong ko.

"Wala 'yon. Di niya alam ang sinasabi niya dahil mainit ang ulo niya. Hatid na kita?" Tanong ni LJ sa akin. Tatango na sana ako kaso may naalala ako kaya nasapak ko siya.

"Aray naman! Bakit mo naman ako sinapak? Ihahatid na nga kita oh!" Sabi ni LJ.

"Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan ka?" Tanong ko sa kanya.

"Ha? Bakit ba? Tanga na ba ngayon ang ihatid ang kaibigan?" Takang tanong niya. 'Kaibigan'?

"Ba't ka natahimik?" Takang tanong niya ulit.

"Wa-wala. Ang tanga mo lang kasi." Sagot ko sa tanong niya.

"Bakit nga hindi ba?" Tanong niya ulit.

"Parehong building lang kasi yung condo natin." Sabi ko at naunang maglakad.

"Ga-ganun ba? Hintay naman oh!" Sigaw niya at hinabol ako.

"Kain na lang kaya muna tayo? Nagugutom ako eh." Pag-aya niya sa akin.

"Kumain ka mag-isa mo!" Pagmamaktol ko. Di ko nga alam kung bakit nagkagaganito ako eh. Una, yung tinawag niya akong kaibigan. Parang may naramdaman akon sakit. Pangalawa, kapag malapit siya sa akin, parang naging tambol yung puso ko at pangatlo, nung inaya niya ako, parang may mga paru-paro sa loob ng tiyan ko. Hindi ka ya? Hindi pwede. Hindi pwede. Mali yung iniisip ko tungkol sa damdamin ko.

"Hoy! Kanina ka pa tulala ah? Ano ba yung iniisip mo?" Takang tanong ni LJ.

"Ahh.. Ehh.." Di ko masabi sa kanya kung bakit.

"Alam ko na! Huwag ka nang mag-alala. Maiintindihan din tayo ni Jane! Tara! Kain na tayo dun oh!" Sabi niya habang tinap yung balikat ko tsaka tinuro yung kainan sa harap namin. Sana naman mali talaga yung iniisip ko sa damdamin ko. Kung totoo man, sana di na lumalim pa.



>Jane's POV

"Kuya! Kuya!" Sigaw ko kaagad nang makarating ako sa bahay.

"Oh? Mam? Bakit po kayo sumisigaw?" Tanong ng kasambahag namin.

"Teka mam... Umiyak po ba kayo?" Takang tanong niya.

"Hindi po ate. Tsaka huwag niyo po akong tawaging mam. Nasaan po si kuya?" Tanong ko sa kasambahay namin.

"Nasa study room---"

Bastos man kung tingnan dahil umalis ako ng di pa natatapos sa pagsalita yung kasambahay namin, guato ko lang talagang malaman kung bakit sina kuya pa ang dapat magsabi kung may sakit ba ako o wala at kung meron man, ano naman yon? Ikamamatay ko ba kaya di nila sinabi?

"Oh? Anong sinisigaw mo?" Tanong ni kuya habang lumabas siya sa loob ng study room.

"Kuya, may sakit po ba ako? Dinala kasi ako kanina sa ospital dahil nahimatay ko. May naaalala kasi akong mga pangyayari pero hindi siya gaanong kalinaw tapos nahimatay ako. Minsan naman kung hindi ako hihimatayin, sumasakit yung ulo ko. Kuya, tell me. May sakit ba ako?" Dire-diretso kong sabi at tanong kay kuya. Yung ekspresyon niya naman ay hindi maipinta.

"Ja-jane, iniinom mo ba yung gamot mo?" Seryosong tanong ni kuya.

"Para saan ba yon kuya? Sa pagtanong niyo niyan, nararamdaman ko talaga na may sakit ako. Kuya.. Please? Sabihin mo na." Pakiusap ko sa kanya.

"Jane, tinatanong kita, iniinom mo ba yung gamot mo?" Medyo galit na tanong ni kuya.

"Importante pa ba yun kuya? Yung tanong ko nga kuya di mo masagot, tanong mo pa kaya, sasagutin ko?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Oo Jane! Importante na inumin mo ang gamot na pinapainom sayo!" Galit na sigaw ni kuya.

"Para saan ba yon kuya? May sakit ba ako? Bakit niyo naman tinatago sa akin?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"May amnesia ka okay? Amnesia. Kaya yung gamot nayon ay para diyan sa amnesia mo! Oh? Masaya ka na dahil nasagot ko ang mga tanong mo?" Saad ni kuya at umalis.

A-amnesia? Kaya pala ang mga natatandaan kong mga panyayari ay nung nasa states kami. Kaya pala wala akong matandaan tungkol sa paglabata ko. Kaya pala may mga pangyayaring bumabagabag sa utak ko.

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now