Chapter 38: What Happened?

52 3 0
                                    

Naghiwa-hiwalay kami sa paghahanap kay Miley. Kung saan-saan din kami napadpad pero hindi pa rin siya naman makita. Hindi ko pa naman kasi alam kung saan talaga ang tambayan niya. Hindi ko rin mapuntahan ang bahay.

*ring-ring*

Agad ko namang kinuha ang selpon ko. Si LJ, tumatawag.

Ako: Hello? May balita ka na ba?
LJ: May nagsabi sa akin na kaklase niya na baka sa sementeryo daw siya.
Ako: Sige. Salamat.

Agad ko naman pinatay ang tawag ni LJ at dumiretso sa sementeryo.

Nang makarating ako, nakita ko kaagad si Miley sa isang shed malapit sa sementeryo. Umiiyak mag-isa. Tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Miley! Miley!" Sigaw ko sa kanya kaya napatingala siya. Pinahid niya ang mga luha niya na tumtumutulo galing sa mga mata niya.

"Ja-jane. Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako?" Niyakap ko naman siya.

"Miley naman eh. Ilang oras ka na namin hinahanap. Kung saan-saan na kami napadpad. Nandito ka lang pala." Sabi ko sa kanya habang niyayakap pa rin siya.

"Pasensya ka na Jane ha? Dinagdagan ko pa ang problema mo." Mahinang sabi niya. Umalis naman ako sa yakap.

"Anong dagdag? Miley, bakit mo naman nasabi yan?" Takang tanong ko sa kanya.

"Dahil dito. Pasensya na kung di ko sinabi kung saan ako pupunta. May iniisip lang kasi ako." Paliwanag niya.

"Ba-bakit naman dito ka napadpad?" Tanong ko sa kanya.

"Kapag kasi malungkot, may iniisip o may nangyari, dito ako pumupunta." Sabi niya.

"H-ha?" Di ko maintindihan kung anong ibig niyang sabihin.

"Kung wala kasi akong masabihan ng problema ko, dito ako pumupunta at sinasabi ko sa ina ko. Na-namatay kasi siya last year." Mahinanong sabi niya at parang luluha na naman.

"Mi-miley." Hindi ko alam mung ano ang sasabihin kaya niyakap ko siya ulit at humagulgol siya sa pag-iyak.

"Pasensya ka na kanina Jane ha? Pasensya kana sa mga sinabi ko." Sabi niya habang umiiyak.

"Ako dapat ang humingi nang pasensya Miley. Pasensya na kung hindi ko masabi sayo. Hindi pa kasi klaro ang mga nangyayari sa akin kaya nahihirapan akong sabihin sayo." Paliwanag ko sa kanya.

"Huwag kang mag-alala. Masasabi ko rin sayo to. Hindi lang talaga ako handa sa ngayon." Dagdag kong sabi. Naramdaman ko naman na tumango siya.

"Tahan na." Sabi ko. Nakita ko naman sina LJ at Wayne na papalapit.

"Anong nangyari?" Sabay nilang tanong. Napaalis naman kami sa yakap at tumawa nang konti dahil sa pagkasabay nila.

"Pasensya na kung pinag-alala ko kayo. Huwag na kayong mag-alala, okay na ako." Sabi ni Miley habang pinupunasan niya ang mga luha niya at ngumiti.

"Miley, sa susunod magsabi ka kung saan ka pupunta ah? Kinabahan ako sa ginawa mo." Sabi ni LJ. Binatukan naman siya ni Wayne.

"Tama na." Saway ni Wayne sa kanya. Napakamot na lang siya ng ulo niya. Napatahimik naman kami at nagtitigan ng mga ilang minuto.

"Babalik pa ba tayo sa school?" Pagbasag ni LJ nang katahimikan.

"Hindi na siguro. Matatapos na rin kasi ang klase natin." Sagot ni Wayne. Napatingin naman siya sa amin ni Miley at tumango kami para sumang-ayon.

"So, saan tayo ngayon pupunta?" Tanong ni Miley.

"Hmmm... Sa bahay na lang kaya?" Sagot ko naman at sumang-ayon sila kaya pumunta kami sa bahay.

Pagkarating namin sa bahay ay nakarating na rin si kuya galing sa school.

"Jane, sa pagkakaalam ko, hindi ka pumasok ngayong hapon?" Tanong ni kuya pagkarating namin sa bahay.

"Ma-may inasikaso lang kuya." Nanginginig kong sagot.

"I see. Bakit sila nandito?" Tanonf ulit ni kuya.

"Papaliwanag ko na lang sayo mamaya kuya." Sagot ko naman at pumunta na kami sa kwarto ko.

"Strikto talaga ang kuya mo Jane. Nakakatakot." Sabi ni Miley.

"I know pero sanay na ako. Palagi kasing ganon." Dagdag ko sa sabi ni Miley.

"Hayaan mo na lang. Enjoy na lang tayo." Sabi ko kaya nag movie marathon kami, foodtrip, laughtrip, nagjamming din kami, naglaro nang videogames at kung ano pa hanggag sa mainip kami at sa oras na para umuwi sila.

Nang nakauwi na sila eh agad naman akon pinatawag ni kuya.

"Hindi ko gusto na hindi ka pumapasok Jane ha? Gusto mo bang malaman to nina Mom and Dad?" Diretsahang sabi ni kuya pagkarating ko sa mini office niya sa bahay.

"May inasikaso lang ako kuya. Hinanap kasi namin si Miley kasi wala siya sa school at hindi siya namin macontact kanina." Paliwanag ko sa kanya.

"Naghahanap ka na pala nang nawawalang tao? Sige. Hanapin mo si--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihan niya.

"Kuya naman. Seryoso ako. Nag-alala kasi kami kaya hinanap namin si Miley hanggag sa wala nang klase kaya pumunta kami dito sa bahay." Paliwanag ko na naman.

"Sige na. Magpahinga ka na lang. Kumain ka muna." Sabi ni kuya at umalis. Dumiretso naman ako sa kwarto para magbihis.

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now