Chapter 53: What do you mean?

13 3 0
                                    

>Jane's POV<

*beep! beep!*

From: 091756*****

Can we talk? Meet me at the George's Coffee Shop. This is Jaimee.

Si Jaimee? Tama nga kanina na hinahanap niya ako. Bakit hindi niya sinabi kanina? Bakit pa niya dineny? Bahala na. Pupunta na lang ako.

"Jane, samahan ka na namin pumunta sa hotel mo." Pag-aya ni Wayne. Umiling naman ako.

"Hindi na kailangan. May pupuntahan pa kasi ako. Mauna na ako sa inyo." Sabi ko at dali-daling umalis.

Iniisip ko kasi kung bakit makikipag-usap si Jaimee sa akin. Dahil ba ito noong pinuntahan ko siya at tinanong tungkol sa ilang mga bagay?

Pumara ako ng taxi at pumunta sa coffee shop.

"Jaimee!" Tawag ko kaya napalingon naman siya.

"Nandito ka na pala. Umupo ka." Sabi niya kaya umupo ako sa harapan niya.

"Ano ba ang kailangan mo?" Takang tanong ko kaya napayuko siya.

"Ja-jane, I'm so sorry." Naiiyak niyang sabi kaya nagulat ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Ja-jane?"

"Le-leo?" Takang tanong ko nang makita ko siyang papunta sa table namin.

"A-anong ginagawa mo---Jaimee?!" Gulat na sabi ni Leo.

"Hindi ba napag-usapan na natin 'to?" Galit na sabi ni Leo kay Jaimee kaya napakunot ang noo ko.

"Hi-hindi ko kaya Leo. Hindi kaya ng konsensya ko." Naiiyak na sabi ni Jaimee.

"Hindi ko kayo naintindihan." Naiilang na tanong ko habang umiiling.

"Leo, I need to tell her. Hindi ko masikmura kung sa iba niya malalaman ang kasalanang ginawa ko." Mahinahon na sabi ni Jaimee.

"Please? Hayaan mo na ako." Magmamakaawa ni Jaimee kay Leo.



>LJ's POV<

"Kuya, sabi ni Jane may importante daw siyang pupuntahan."Bulong ni Wayne sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"Baka mag-uusap na sila ni Jester." Sabi ko kay Wayne. Umiling naman siya.

"Hindi, kuya. Alam kong hindi pa masasabi ni Jester ngayon. May nararamdaman akong mali." Sabi ni Wayne kaya nag-isip naman ako. Kinuha ko ang selpon ko at kinontak si Kirk.

"Kuya bakit?" Tanong ni Wayne.

"Hindi ko makontak si Kirk. Tatanungin ko sana kung alam niya kung nasaan si Jane." Sagot ko naman.  Napahinto naman ako. Napakunot naman ng noo si Wayne.

"Si Jaimee." Sabi ko at pumasok sa sasakyan.

"Pasok na!" Sigaw ko kay Wayne kaya pumasok rin siya sa sasakyan.

"Alam mo ba kung nasaan siya? At hindi naman sigurado na si Jaimee nga." Sabi ni Wayne.

"May plano siyang sabihin kay Jane. Nakita ko siya kanina sa labas ng room." Sagot ko kaya kinuha niya ang selpon niya.

"Anong ginagawa mo?" Takang tanong ko.

"Sa coffee shop daw. George's!" Sigaw niya. Napakunot ang noo ko.

"Nagtanong-tanong ako sa mga kaklase natin kung nakita nila si Jane. Kaya bilis na!" Kaya binilisan ko ang pagmamaneho.

"Tawagan mo ng tawagan si Kirk hanggang sa masagot niya. " Sabi ko.

"Kuya, parang hindi tayo nakaabot." Bulong ni Wayne at tinuro niya kung nasaan si Jane. Nakita ko naman si Jaimee. At si Leo?

"Jane?" Tawag ko sa kaniya. Nakikita ko naman na puno ng luha ang mga mata niya.

"I-i need to go." Sabi niya at umalis. Hinarap ko naman si Leo.

"What did you say to her?" Galit kong sabi. Nanatili naman siyang tahimik.

"Hindi mo ba naintindihan ang salitang hintay? 'di ba iyon ang pinag-usapan natin?" Kinwelyuhan ko naman siya.

"It's my fault. Pinilit ko si Leo na hayaan akong sabihin kay Jane." Sabi ni Jaimee at inalis niya ang kamay ko sa kwelyo ni Leo.

"Anong sinabi mo sa kaniya?" Mahinahong tanong ni Wayne.

"Yu-yung mga nagawa kong mali sa kaniya." Nauutal na sabi ni Jaimee kaya nahampas ko na lang ang noo ko.

"Kuya, paano na ngayon?" Tanong ni Wayne.

"Pupunta tayo sa bahay nina Jane. Sasabihan natin si Jester." Sagot ko naman. Tumango naman siya.

"Kapag may masamang mangyari dahil sa ginawa niyo, humanda kayo." Madiin kong sabi sa dalawa at umalis na kami ni Wayne.

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now