Chapter 44: Talk

18 4 0
                                    

>Jane's POV<

Tahimik. Isang salita na masasabi ko nang nasa loob na ako ng sasakyan ni ate. Bakit ate ang tawag ko sa kanya? Ate kasi siya ni Vick. Kilala niyo naman si Vick 'di ba?

"Ahhmm.. Ate.." Sabi ko pero pinatahimik niya ako.

"Mamaya na tayong mag-usap kapag nakarating na tayo sa lugar kung saan kita dadalhin." Paliwanag niya kaya napatango ako.

Hinsi ko talaga maintindihan si ate Bright minsan. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Sa pagkakikilala ko sa kaniya, para bang may plano siya. Hindi ko nga lang alam kung ano 'yon. Pero sana, sana talaga para ito sa ikabubuti ng lahat.


>Leo's POV<

Paano nalaman ng babaeng 'yon ang problema ko? Hindi ko naman siya kilala ah. May kinalaman kaya siya sa nangyari? Ahhh! Nakakainis naman oh!

"Oy tol! Sina Jane oh!" Kutya ng isa kong barkada na si Mark.

"Eh ano ngayon?" Irita kong tanong.

"Narinig ko na magmamall daw sila. Parang gusto ko rin magmall. Kakatapos lang kasi ng exam sa Math. I need fresh air. Ano? Sama kayo?" Tanong ni Mark. Nakita ko naman na pinipilit niya ang iba gamit ang mga mata niya.

"Sige. Tutal wala rin naman kaming pupuntahan eh." Sabi nila.

"Pass muna ako. May pupuntahan akong importante." Sabi ko sa kanila. Napailing naman si Mark.

"Talaga? Mas importante pa sa Jane mo?" Pangungutya niya ulit.

"Bahala kayo jan!"Sabi ko at akmang aalis na ngunit pinigilan ako ni Mark.

"Sandali lang tol. Gandang babae oh! Kasama si Jane. Ay! Pumasok sa sasakyan ng magandang babae si Jane mo!" Sabi niya. Sinuntok ko naman siya nang mahina.

"Aray! Ba't ka ba nananakit?" Maktol niya.

"Nakita ko naman eh! Hindi mo kailangan ipaliwanag lahat ng nangyayari." Sabi ko at umalis.

"Oy! Tol! Aish! Bahala ka na nga. Tara na guys. Mall tayo!" Huling sinabi ni Mark na narinig ko.

Haaay. Bakit ba magulo ng buhay ko?  Mali. Bakit ba ginulo ko ang buhay ko? Mas ginulo pa ng babaeng 'yon. Paano niya nalaman ang tungkol kay Jane? Kailangan kong malaman ang nalalaman niya. Kailangan kong tapusin ang problemang sinimulan ko para matapos na.




>Miley's POV<

"Oy! 'di ba si Leo 'yon? Parang sinusundan niya ang sasakyan ng ate ni Jane!" Sambit ko sa dalawang kasama ko. Napatayo naman sila agad.

"Wayne, dito ka lang. Ako na lang ang susunod sa kanila." Matigas na sabi ni LJ.

"Kuya, alam mo naman na--"

"No. Huwag na. Umuwi na lang muna kayo ni Miley." Sabi ni LJ. Napatango naman si Wayne. At ako? Eto, nawawala sa storya. Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari. Nakita ko na lang na tumatakbo palabas si LJ. May gusto kaya siya kay Jane? Gusto ba ng magkapatid na 'to si Jane? Hala! Paano na? Baka masira ang pagkakapatid nila. Kailangan ko itong solusyunan. Baka masira pa ang pagkakaibigan namin apat neto. Lagot tayo.

"Ahhmm. Miley? Miley!" Rinig kong sabi ni Wayne.

"A-ano? Bakit? May problema ba? Sabihin mo!" Tarantang tanong ko.

"Wala. Baka ikaw nga 'yung may problema eh. Kanina pa kita tinatawag. Tulala ka lang. Ano ba ang iniisip mo?" Takang tanong niya kaya mas lalo akong nataranta. Sasabihin ko ba? Tatanungin ko ba? Anong gagawin ko?

"Oy! Miley!" Tawag niya ulit sa akin kaya natauhan ako.

"Ahh. Wayne. Pwedeng magtanong?" Tanong ko kay Wayne.

"Nagtatanong ka na kaya magtanong ka na lang." Sabi niya kaya napatango ako.

"Ahh.. Ano kasi.. May gu-gusto ka ba kay.. kay ano.."

"Kay ano?" Pagputol niya sa sasabihin ko.

"Kay Jane. May gusto ka ba sa kanya?" Tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman na lumaki ang mga mata niya. Lagot. Paano na 'to? May gusto rin siya kay Jane eh gusto rin ni LJ si Jane.

"HAHAHAHAH! Alam mo, ang cute mo!" Biglang sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Ba-bakit? may mali ba sa tanong ko?" Takang tanong ko pero tumatawa pa rin siya.

"Umuwi na lang tayo!" Sabi niya kaya napatango na lang ako.

Good Girl's LovelifeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin