Chapter 45: Drink

16 3 0
                                    

>Vick's POV<

Bakit hindi sinasagot ni ate ang tawag ko? Magkikita daw kami sa QQ's Resto malapit sa hotel kung saan siya nagsastay pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Nakakainis naman eh.


*riiing! riiing!*

Si kuya Jester. Anong kailangan ng kuya ni Jane sa akin?

Ako: Hello po kuya?
Jester: Vick, nasaan ka ngayon?
Ako: Nandito po sa QQ's Resto. Bakit po?
Jester: Pigilan mo si Bright.
Ako: Si ate? Bakit kuya?
Jester: Sasabihin niya ang lahat kay Jane!
Ako: Ha? Ba-bakit?
Jester: Hindi ko alam. Pigilan mo muna si Bright. Papunta pa lang ako diyan. Pigilan mo hanggang makarating
ako.
Ako: Si-sige po kuya.

Arrghh! Ano ba ang pumasok sa kokote ni ate na sasabihin niya kay Jane ang lahat? Hindi ba niya nakikita na okay na si Jane ngayon? Mas tama na hindi alam ni Jane ang kaniyang nakaraang napakagulo.






>LJ's POV<

May hindi tama. May nararamdaman akong hindi tama. Kilala ko si Bright. Kilalang-kilala ko siya. Alam kong may masama siyang plano kaya parang may hindi tama. Kailangan kong malaman kung ano ito bago pa magkagulo.


~Flashback~

"Hey! Bright! What are you doing? Eww!  What's that?!" Nakakadiring tanong ni Wayne.

"Shhh! Keep your mouth shut." Pabulong na sabi ni Bright.

"Kuya, Bright is making something!" Sabi ni Wayne sa akin.

"A-ano yan?" Takang tanong ko. Nakita ko na may inilagay siyang spicy thingy, ketchup, strawberry juice at iba pa.

"Para kay Jester to. Huwag kang maingay." Pabulong na sabi niya.

"Bakit naman?"Takang tanong ko ulit.

"May ginawa kasi siyang hindi tama at ayaw niyang aminin kaya ibibigay ko 'to sa kaniya." Paliwanag ni Bright.

"Ano ba ang ginawa niya?" Tanong ko at umupo sa tabi niya.

"She's hiding something from Jane and I know some parts of it but he does not want to tell me everything. He also said that it must be kept secret." Paliwanag ni Bright kaya napakunot ang noo ko.

"Kapag hindi niya sasabihin kay Jane, ako mismo ang magsasabi kay Jane. Hindi ngalang lahat." Dagdag ni Bright. Ano ba ang tinatago ni Jester kay Jane?

"Kausapin na lang kaya muna natin si Jester bago mo ipainom sa kanya yang ginagawa mo." Sabi ko kay Bright pero napailing siya.

"Hindi 'yon makikinig. Subukan mong kausapin. Kapag ayaw niya pa rin, ipapainom natin 'to sa kaniya at sasabihin ko kay Jane ang mga nalalaman ko." Sabi ni Bright.

Hinanap ko naman gad si Jester. Hindi ko alam kung ano ang tinatago niya kay Jane pero dapat niyang malaman ang plano ni Bright. Kung makakabuti kay Jane ang ginagawa ni Jester, wala na akong magagawa kundi tigilan si Bright.

"Jester!" Tawag ko kay Jester nang makita ko siya.

"May plano si Bright na sabihin kay Jane ang mga nalalaman niya. Ano ba ang tinatago mo kay Jane?" Diretsahang sabi ko. Nakita ko naman na parang nagulat siya sa sinabi ko.

"Pigilan natin si Bright. Hindi pa ito ang tamang panahon na malaman ni Jane ang tinatago ko." Paliwanag niya.

"Sabihin mo muna kung ano ito at tutulungan kitang pigilan si Bright." Sabi ko. Napailing naman siya.

~End of Flashback~

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now