Chapter 41: Problem

25 2 0
                                    

"Jane, pupunta muna akong States. Kailangan ako nina Mom and Dad." Sabi ni kuya sa akin habang nagliligpit siya ng kanyang mga gamit sa office niya.

Bigla na lang ako tinawagan ni kuya at sinabing puntahan siya sa office niya at eto ang malalaman ko? Hindi ko alam kung bakit biglaan ang pag-alis niya. Hindi ko man masabi sa kanya pero, malulungkot ako pag-aalis siya. Kaming dalawa na nga lang ang magkasama tapos aalis pa siya.

"Jane, huwag kang mag-aalala. Babalik din ako kaagad." Sabi niya at niyakap ako. Tumango naman ako nang dahan-dahan.

"Mag-ingat ka kuya ha? Have a safe flight." Paalam ko sa kuya ko.

"Huwag kang gagawa nang gulo kapag wala ako ha? Mag-ingat ka rin."Sabi ni kuya at hinalikan niya ako sa noo.

"Aalis na ako ha? Ang bilin ko, tandaan mo." Sabi niya at saka umalis na.



*riiiing... riiiing...*

Miley: Jane! Mabuti naman at sinagot mo ang tawag ko.
Ako: Bakit? May problema ba?
Miley: Oo. Malaking-malaking problema.
Ako:Ba-bakit? Anong nangyari?
Miley: Puntahan mo na lang ako sa condo pleeeaase.
Ako: Sige-sige. Papunta na ako.

Ano kaya ang nangyari kay Miley? Malaking-malaking problema?

Pagkarating ko sa condo ni Miley ay nakita ko ang mga kalat sa iba't-ibang parte ng kanyang condo.

"Miley? Miley?" Pagtawag ko sa kanya pero walang sumagot.

"Mi-miley? Anong nangyari? Ba't ang gulo ng condo mo? Sinong gumawa nito?" Nataranta kong tanong nang makita ko si Miley sa loob ng kwarto niya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"Pagpasok ko sa condo ko kanina, ganito na ang nadatnan ko." Sabi niya nang malungkot. Nakita ko si LJ at Wayne napapasok sa kwarto ni Miley.

"A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila.

"Sila ang may gawa nito Jane." Sabi ni Miley at yumakap sa akin.

"Ano? Bakit?" Tarantang tanong ko.

"Utos ni Miley." Maikling sagot ni Wayne. Napakunot naman ang noo ko.

"Inutusan niya kaming halughugin ang condo niya kasi hindi niya makita ang kwintas na binigay daw sa kanya ng importanteng tao. Tinulungan lang namin siya." Pagpapaliwanag ni LJ.

"Hindi ko naman sinabi na guluhin niyo ang condo ko nang ganito." Mahinang sabi ni Miley.  Napahinga naman ako nang mabigat at tumayo.

"Ano ba trip niyo?" Seryosong tanong ko sa kanilang tatlo.

"Si Miley kasi eh!" Sabi ni LJ. Iniwasan naman ako nang tingin ni Wayne.

"Anong ako? Kayo kaya. Kasalanan niyo 'to!" Pasigaw naman na sabi ni Miley at nagpatuloy sila sa pagsigaw.

"Awat na nga!" Sabi ko at pumunta sa gitna nilang dalawa.

"Nawala raw eh nasa loob lang naman ng wallet niya." Pabulong na sabi ni LJ.

"Sabi ko lang naman hanapin. Hindi guluhin ang condo." Pabulong na sagot ni Miley.

"Awat na nga 'di ba?" Pag-aawat ko sa kanila.

"Magtulong-tulungan na lang tayo sa paglilinis." Sabi ko. Rereklamo pa sana si LJ kaso sinamaan ko siyang tingin kaya wala na siyang nagawa. Nakita ko naman si Wayne na nag-umpisang maglinis.

Good Girl's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon