Chapter 57: How did it start?

18 2 0
                                    

>Jester's POV<

"Kuya, sigurado ka na ba dito?" Pabulong na tanong ni Kirk.

"Wala na akong magagawa. Tsaka kayo na rin mismo ang nagsabi 'di ba? Na kailangan kong sabihin kay Jane ang mga nangyari bago pa mahuli ang lahat." Sagot ko sa kaniya kaya tumahimik siya.

"Aalis muna kaming tatlo." Mahinang sabi ni Miley at hinawakan niya sina LJ at Wayne. Umiling naman ako.

"No need." Maikling sabi ko.

"Wa-wala naman kaming kinalaman dito." Sabi niya. Tumawa naman ako nang mahina.

"Kung aalis ka, huwag mo nang dalhin silang dalawa." Sabi ko.  Kumunot naman ang noo niya. Nakita ko rin sa mukha ni Jane na hindi niya naiintindihan. Gano'n din sina Leo at Jaimee.

"Hihintayin natin sina Bright at Vick." Sabi ko at uminom ng kape.

"No need. We're here." Sabi ni Bright nang makarating sila ni Vick at umupo.

"It's good to know na sasabihin mo na kay Jane. Oops! Hindi lang pala kay Jane. May mga tao rin dito na wala ring alam." Sabi ni Bright habang umuupo. Sinuway naman siya ni Vick.

"Where should I start?" Tanong ko sa sarili ko.

"Jaimee." Galit kong sabi kaya napatingin silang lahat sa akin.

"No need. Humingi na siya nang paumanhin sa akin pagkatapos niyang sabihin ang mga kasalanan niya." Pag-aawat ni Jane.

"What I mean is. Magsisimula ako sa pagkwento na may kinalaman kay Jaimee. Total, siya rin naman ang pasimuno nitong lahat." Sabi ko kaya tumahimik si Jane.

"Jaimee, bakit mo ba nagawa 'yon?" Kalmadong tanong ko pero hindi ko parin maiwasang hindi maramdaman ang galit.

"I-i'm sorry!" Sabi niya at yumuko.

"Hindi kasalanan ni Jaimee ang lahat." Sabi naman ni Leo at binigyan ko siya nang masamang tingin.

"Plano nga 'yon ni Jaimee pero hindi 'yon magsisimula kung hindi ako sumang-ayon sa plano niya." Paliwanag niya.





>Jane's POV<

"Plano? A-anong plano?" Takang tanong ko.

"Hindi niyo naman kinwento sa akin ang tungkol diyan." Natatarantang tanong ko. Umiling naman si Leo.

"Ayaw niyang saktan si Jane kaya binuo niya ang planong 'yon." Sabi ni Leo kaya napakunot ang noo ko.

"Ayaw saktan? Tingnan mo ang nangyari ngayon." Galit na sabi ni kuya. Hinawakan ko naman ang kamay niya kaya medyo kumalma siya.

"Kaya nga pag-uusapan ngayon 'di ba?" Sabi ni ate Bright kaya sinenyasan niya si Leo na ipagpatuloy ang pagkukuwento.




>Leo's POV<

"Ma-may nakamamatay na sakit si Jaimee. Hindi niya masabi kay Jane dahil alam niyang masasaktan lang ito. Pagkatapos malaman ni Jaimee na may sakit siya, ay nalaman niya rin na may tinatago rin ako." Paliwanag ni Leo.


*Flashback*

"Leo!" Rinig kong sigaw ni Jaimee habang umiiyak kaya napakunot ang noo ko.

"Anong problema?" Tanong ko sa kaniya. Binigay niya naman sa akin ang hawak niyang papel at binasa ito. Blood cancer? CML?  Chronic Myelogenous Leukemia?

"Accelerated Stage? What's this?" Takang tanong ko kay Jaimee.

"I have Leukemia, Leo. I don't know what to do. Sabi ng doctor hindi na daw nagrerespond ang katawan ko sa mga treatment." Naiiyak na sabi ni Jaimee. Niyakap ko naman siya. Alam ko kung ano ang nararamdaman niya ngayon dahil naranasan ko na ito dati pa. Naiiyak ako ngayon sa mga posibilidad kung ano na ang mangyayari.

"Leo, natatakot akong sabihin ito kay Jane." Mahinang sabi niya. Tiningnan ko naman siya.

"You have to be strong." Sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya nang dahan-dahan.

"Leo, anong gagawin natin? Anong gagawin natin kapag nalaman niya na may sakit tayo at masasaktan lang siya. Alam mo naman na may problema siyang dinadala ngayon. Ayaw kong dumagdag." Sabi ni Jaimee kaya napakunot ang noo ko.

"A-alam mo?" Takang tanong ko at tumango siya.

"Kailan pa?" Dagdag ko.

"Ang doktor mo ay doktor ko rin. Ang mommy mo ang nagsuggest ng doktor sa mommy ko. Sinabi ng doktor na pareho tayong may sakit pero mas malala lang ang sitwasyon ko." Sagot niya kaya nahampas ko na lang ang noo ko.

*End of flashback*


"Pareho kaming may CML ni Jaimee. Chronic Myelogenous Leukemia. Pero mas malala ang sa kaniya. Nalaman niya ang sakit ko dahil ang doktor niya ay doktor ko rin." Sabi ko kaya nagulat sila.

"Sa mga oras na sinabi sa akin ni Jaimee ang tungkol doon ay tinatawagan ako ni Jane. Hindi ko siya masagot dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na 'yon." Paliwanag ko sa kanila.

Good Girl's Lovelifeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن