Chapter 24: Hatid

271 6 0
                                    

"Bakit di pa siya nagigising?"

"Ewan."

"Tapos na ang klase, tulog pa rin siya."

"Sarap na sarap nga eh. Iwan na lang kaya natin?"

"Wag naman. Hahaha."

"Kung ginising niyo kaya!"

"Ikaw kaya gumising sa kanya!"

"Che!"

"Uwi na tayo." Awat ko sa kanila. Kanina pa kasi ako nagising. Di lang nila napansin dahil busy sila.

"Gising ka na pala. Hehehe." Sabi ni Miley. Tumango lang ako

"Sa wakas! Makakauwi na rin!" Sigaw ni Wayne. Binatukan naman siya ni LJ.

"Aray! Sakit!" Sabi ni Wayne.

"Jane, di ba ihahatid mo sina tita?" Tanong ni Jaz.

"Yeah. I forgot. Sama kayo?"

"Pwd ba?" Sabay nilang tanong.

"Oo naman!" Sagot ni Kirk. Ngumiti naman kami ni Jaz.

"Tara na!" Sabi ko at pumunta kami sa parking lot.

"Hinihintay na tayo nina mom at dad sa airport. Diretso na lang tayo dun." Salubong na sabi sa amin ni kuya.

"See you sa airport guys!" Sabi ko sa kanila.

"Kirk, makikisabay na lang ako sa inyo." Sabi ko kina Kirk.

"No." Matigas na sabi ni kuya.

"Ok. LJ, sa inyo na lang ako sasabay." Sabi ko at pumasok sa kotse ni LJ kaya wala nang nagawa si kuya.

"Lupet nun ah!" Amaze na sabi ni Wayne nang pumasok sila sa loob ng kotse.

"Yeah. Whatever." Sabi ko.

"Bad girl ngayon si good girl." Natatawang sabi ni Miley.

"May napansin ako." Takang sabi ko.

"Ano yon?" Sabay nilang tanong.

"Parang naging cold na kasi si LJ." Sabi ko habang tinitingnan si LJ.

"Noong di pa kasi kami nun gaanong kakilala, ang ingay niya." Dagdag na sabi ko.

"Ga-ganun b-bah?" Utal na sabi ni Miley?

"Oo." Tipid na sagot ko.

"May ganyang side kasi si ku- I mean si LJ kapag friends na kayo at close na kayo." Paliwanag ni Wayne.

"Friends ba tayo?" Kunwaring tanong ko.

"O-oy Jane! Oo kaya!" Sagot ni Miley.

"Gusto ko si LJ ang sumagot." Sabi ko.

"Obviously." Tipid na sabi niya.

"Yeah. Right. Nandito na pala tayo." Sabi ko at bumaba. Hinanap ko naman sina mama at dad.

"Dad! Ma!" Sigaw ko at pinuntahan sila tsaka niyakap.

"Kailangan niyo talagang umalis?" Malungkot kong tanong.

"Yes sweety. Sorry ha? Babalik naman kami." Sagot ni mama.

"Kailan naman po yun?" Tanong ko at kumawala sa yakap.

"Wag ka ngang matigas ang ulo. Baka di na pupunta sina mom sa states." Sabat naman ni kuya at niyakap din sina mama at dad.

"Edi masaya!" Sabi ko. Kumawala naman si kuya sa yakap.

"Mama, kung si kuya na lang kaya ang pupunta sa states?" Tanong ko.

"Bakit naman sweety?" Tanong ni mama.

"Why?" Kunot noong tanong ni dad. Si kuya naman pacool lang. Parang kulang-kulang. Joke!

"Ehh kasi po...." Bitin na sabi ko.

"Kasi...?" Takang tanong ni mama.

"Kasi malaki na si kuya. Kaya niya nang ihandle ang mga yun. Tsakastrictsikuyakayasiyaangaalis." Sabi ko nang mabilis sa huling sentence ko.

"What?" Seryosong tanong ni kuya.

"Ano yung last part baby?" Tanong ni dad kay mama. Si mama kasi ay may magandang pandinig kahit mabilis yung pagkasabi.

"Ahh. Kaya naman daw ni Jester na ihandle ang sa states." Sagot ni mama kay dad. Love talaga ako ni mama kaya di niya sinabi kay dad kasi papagalitan ako nun.

"Yung last part." Sabi ni dad.

"Ahh-ehh. Mamimiss daw kasi tayo ni Jane." Sagot uli ni mama.

"Eh yung kuya mo ba di mo mamimiss?" Tanong ni dad tapos parang feeling ko ang tahimik ng paligid na para bang gustong marinig ang sagot ko.

"Ahhhmmm.. Ay! Dad, mama, mga kaibigan ko pala." Palusot ko para maiba yung topic.

"Wow! So these are your friends. Hi, I'm Jane's mother. Jaquelyn Sidario. And this is my husband, Romeo Sidario. You can call us tita and tito." Sabi ni mama at nakipagshake hands.

"Nice meeting you po tita. I'm Miley Salazar po." Pagpapakilala ni Miley.

"Nice to see you po. Ako po si Wayne at ito naman po si LJ." Sabi naman ni Wayne at nagbow sila.

"Nice to meet and see you too. Please take good care of our daughter when she is at school and thank you for being her friends." Sabi ni dad.

"Nos bled. Tesyu ples!" Sabi ni Miley kaya natawa kami.

"Got to go kids. Baka malate pa kami. Take care." Sabi ni mama.

"Yes po tita." Sabi ni LJ

"Ingat po tita, tito." Sabi naman ni Wayne.

"See you soon po." Sabi ni Miley habang kumakaway.

"Ingat po kayo. Pakamusta na lang po ako kina daddy." Sabi ni Kirk.

"Ako rin po." Sabi ni Jaz.

"No prob kids. Bye!" Sabi ni mama at niyakap ko sila. Niyakap din sila ni kuya at umalis na sila.

"Uwi na tayo guys." Sabi ko sa kanila.

"Dinner muna tayo! Gutom ako eh!" Sabi naman ni Miley.

"Oo nga! Nakakagutom ang paghatid!" Sabi naman ni Wayne kaya binatukan siya ni LJ at natawa kami.

"Oh! Sige! Libre tayo ni LJ!" Sabi ko at nag-apir kami ni Miley.

"Tama ka jan bes!" Pagsang ayun ni Miley.

"Bakit naman ako? Eh si Miley ang nag-imbita!" Padabog na sabi ni LJ.

"Eh ikaw yung nakita ko eh. Tara na nga!" Sabi ko habang tumatawa at nag-umpisang maglakad.

"Sama ka Jes?" Napatigil naman ako sa tanong ni Kirk. Tinatanong pa ba yan? Sasama kaya yan. Wala kasi syang kasama.

"Sige." Tipid namang sabi ni kuya kaya naglakad na lang ako ulit.

Pumunta kami sa jollibee. Yan lang daw kasi ang afford ni LJ na ilibre sa amin. Maniwala. Eh ang yaman-yaman kaya nila. Kuripot nga lang.

Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyonan naming umuwi na dahil may klase pa kami bukas.

"LJ, makikisabay ako sa inyo ha?" Sabi ko nang makarating kami sa parking lot. Tumango naman siya.

"No." Matigas na sabi ni kuya. Tiningnan ko naman siya.

"Pagbigyan mo na Jester. Simula bukas naman ay sa mansion naman siya matutulog diba?" Sabi ni Kirk kaya sinamaan ko siya nang tingin. Ayaw ko kaya sa mansion. Boring kaya dun.

"Sige. Mauna na ako." Sabi ni kuya at umalis. Nilapitan ko naman si Kirk na nagtatago sa likod ni Jaz.

"Babe, tulungan mo naman ako." Sabi ni Kirk kay Jaz na tumatawa.

"Kasalanan mo kaya yan. Ba't dinadamay mo girlprend mo?" Sabi ko at hinila siya.

"Yun lang kaya ang paraan para umalis siya." Paliwanag naman ni Kirk.

"Haaay. Yeah! Right! Uwi na tayo!" Sabi ko at umuwi na kami.

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now