Chapter 4: New Boy "Friend"

487 11 0
                                    

Kakatapos lang ng klase namin. Pumunta muna ako sa locker para iwan ang iba kong gamit. Papasok na sana ako sa locker room nang may dalawang babae na nagchichismisan sa loob.

"Girl, alam mo na ba ang balita?" Sabi ng chubby na babae. Pero infairness ha? Ang ganda niya.

"Ano ba yung balita?" Sabi ng babae na nerd at maganda rin.

"Hindj mo alam? My God!" Sabi nung babae na chubby.

"Duhh! Nagtatanong nga ako kung ano yung balita. Syempre hindi ko alam! Common sense kasi. Bilis sabihin mo na!" Sabi ng nerd.

"Ay? Grabe lng! Nabalitan ko kasi na wala na daw sina Jaimee at Leo" Sabi ng chubby.

"Totoo ba?! Bakit sila ngbreak?!" Tanong ng nerd.

"Hindi ko alam." Sabi nng chubby.

At umalis na sila. Si Jaimee at Leo? Yun ba yung couple na nakita namin ni Miley sa garden? Nilagay ko na ang iba kong gamit sa locker tsaka umuwi. Nang malapit na ako sa gate, nakita ko si Miley. Parang may hinihintay lang.

"Oy! Jane! Kanina pa kita hinihintay!" Sabi niya tsaka nagpout. May hinihintay nga at ako yun.

"Ay! Ako pala yung hinihintay mo? Hahaha." Sabi ko sa kanya.

"Oo. Saan ka ba nakatira?" Tanong niya.

"Sa Sidario Condo. Bakit?" Sagot ko.

"Ay! Swerte ko naman. Sa Sidario din kase ako nakatira. Tara na. Sabay nalang ako sayo para libre yung pamasahe." Sabi niya na parang ewan.

"Wow ha? At ikaw pa nagsabi niyan? Hindi na nahiya te?" Sabi ko sabay tawa.

"Oo naman. Friends na kaya tayo. I mean bestfriends. Hahahah!" Parang baliw niyang sinasabi.

"At kelan naman tayo naging bestfriends?" Tanong ko na parang hindi ko gusto na maging bff kmi.

"Ngayon lang. Ngayon ko lang kasi sinabi. Tara na sa car mo. Alam kong may sarili kang sasamyan eh." Sabi nya at tumawa nang malakas.

Kaya pumunta na kmi sa car ko pero hindi parin matapos-tapos ang tawa niya. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang students kaya hinila ko na siya papasok sa sasakyan at dumiretso na sa condo. Pero napag-isipan kong pumunta muna sa mall para bumili ng pagkain ko para sa condo. Wala kasing laman yung ref ko don eh.

"Ammm. Miley, pwede bang punta muna tayo sa mall? Bibili lang ako ng stocks ng pagkain ko para sa condo ko." Sabi ko sa kanya.

"Good idea. Ako rin, bibili rin ako." Sabi niya nang nakangiti.

Kaya pumunta muna kami sa mall. Habang pumipili kami ng mga pagkain ay may tumawag kay Miley.

"Miley! Oy! Sandali lang." Sabi nung tumatawag sa kanya, parang lalaki.

Huminto kami at tumalikod para makita kung sino ang tumatawag sa kanya.

"Oy! LJ! Ikaw pala yan. Musta na. Long time no see ah! " Sabi ni Miley.

"Oo nga noh? Matagal na rin tayong hindi nagkikita. Okay lang naman ako. Ikaw musta?" Sabi ng lalake. LJ ato yung pangalan. Yun ang tawag ni Miley eh.

"Okay rin." Sabi ni Miley at ngumiti. I smell something fishy here.

"Oy! Hindi mo man lang ako ipapakilala sa chicks na kasama mo?" Sabi ng lalake sabay tawa.

"Chicks ka diyan? Bestfriend ko to noh. By the way, LJ, si Jane bestfriend ko. Jane, si LJ friend ko." Sabi ni Miley. Friend lang ba talaga?

Inabot ni LJ yung kamay niya tsaka inabot ko na rin kamay ko at nakipagkamayan. Tsaka ko binitawan at ngumiti.

"Sige LJ. Una na kami. May bibilhin pa kami eh." Sabi ni Miley.

"Sama nalang ako sa inyo. Please?" Sabi ni LJ na nakapuppy eyes.

Tumingin si Miley sa akin na para bang nagtatanong kung okay lng na isama si LJ kaya nagnod na lang ako.

"Aish! Sige na nga. Basta Huwag kang makulit ha?" Sabi ni Miley.

Tsaka nagyes si LJ na parang nanalo sa loto kaya natawa ako.
Pagkatapos nun ay pumili na kami nang bibilhin namin at pununta sa counter at binayaran. Napagdesisyunan din namin na dito narin sa mall kakain kaya pumunta kami sa Pizza Hut. Nang matapos kaming kumain ay umuwi na kami.

"Hatid ko na kayo girls." Sabi ni LJ sabay wink.

"Huwag na. May dala akong sasakyan eh." Sabu ko sa kaniya.

"Ahh. Sige. Sa susunod na lang. See you soon." Sabi niya at nagwink ulit.

"Bye!" Sabi namin ni Miley na natatawa. Wink kasi nang wink si LJ eh.

"Saan mo nakilala si LJ?" Tanong ko kay Miley habang papasok sa sasakyan.

"Kapitbahay ko noong elementary ako. Simula nung umalis kami noong grade 8 ako ay hindi na ulit kami nagkita." Paliwanag niya.

"Bakit? Interested ka sa kaniya?" Pangungutya niya. Umiling naman ako.

"Hindi noh! Parang ikaw nga eh! Yiieee!" Sabi ko pero namula siya kaya tumawa ako.

Nang makarating kmi sa condo, nashock ako kasi magkasunod yung condo namin. 143 yung sakin samantala yung sa kanya eh 144.
Nagsabi nalang kami ng goodnight atsaka pumasok sa condo.

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now