Chapter 26: LJ and Wayne

251 6 0
                                    

"Nakakaiyak! Grabe!" Sabi ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko.

"Bakit hindi niya pa sinabi na kapatid niya ang bida!" Angal ni Miley habang umiiyak.

"Oo nga! Sabihin mo na!" Dagdag ko.

Sina LJ, Wayne, Kirk, at Jaz naman ay poker face lang kaya napaiyak pa ako ng todo dahil kami lang talaga ni Miley ang natouch sa movie.

"Ba't hindi kayo umiiyak?" Tanong ko sa kanila habang umiiyak.

"I've watched it many times at nakakapagod umiyak." Paliwanag ni Jaz.

"Yeah." Pagsang-ayon ni Kirk.

"Me too!" Masiglang sabi ni Wayne. Tumaas ang kamay ni LJ at tumango-tango.

"Ba't hindi niyo sinabi na napanood niyo na pala yan?" Takang tanong namin ni Miley.

"Eh sabi niyo hindi pa kayo nanood niyan kaya yan na lang tsaka ganda naman talaga ng story dba? Oh! Sasabihin na niya. Quiet!" Sabi ni Wayne.

"Spoiler!" Sabay sabi namin ni Miley.








"Ang ganda nga! Huhuhu! Hindi ko na papanourin ulit to!" Sabi ni Miley at pinunas ang luha.

"Maganda tapos hindi panonourin?" Takang tanong ni Wayne.

"Maganda nga! Pero ayaw ko nang umiyak ulit dahil lang dun!" Sagot ni Miley kaya tumango-tango si Wayne habang tumatawa. Hinampas-hampas naman siya ni Miley.

"Kukuha lang ako ng drinks." Sabi ko at pumunta sa kusina.

"Sama ako!" Sabi ni LJ at sumunod sya sa akin.

"Ganda ng condo mo noh? Bakit mas maganda sayo kesa sa amin?" Out of nowhere na tanong ni LJ.

"Ahhh. Anak kasi ng may-ari." Paliwanag ko.

"Talaga?" Seryosong tanong niya.

"A-anong talaga ka dyan!" Sabi ko habang bumubukas ng ref.

"Aray!" Sabi ni LJ kaya napatingin ako sa kanya. Hinimas-himas niya yung ulo niya.

"Anyare?" Takang tanong ko. May tinuro naman siya. Nakita ko si Wayne na akmang babatuhin ng papel si LJ ulit.

"Psst!" Tawag ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Hehehe!" Pekeng tawa niya habang nakapeace sign at pumunta sa amin.

"Ano ba?" Angal ni LJ dahil binatukan siya ni Wayne. Binatukan din ni LJ si Wayne.

"Tama na nga yan!" Awat ko sa kanila habang tumatawa kaya napatigil sila. Tumingin sila sa akin na parang nagtatanong ng 'bakit ka tumatawa'.

"Ang saya niyo lang tingnan!" Sabi ko kaya tumingin sila at tinulak ang isa't-isa kaya natawa naman ako.

"Tulungan niyo na nga ako dito!"  Sabi ko at tinuro yung mga drinks.

"Juice? Water? Walang beer or whatevs na magpapalasing?" Malungkot na tanong ni Wayne. Binatukan ko siya.

"Beer beer ka dyan ke aga-aga pa!" Sabi ko sa kanya kaya napakamot siya ng ulo niya.

"Dali na!" Sabi ko kaya tinulungan nila ako.

"Nakapagbreakfast na ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Umiling naman sila.

"Paano yan? Hindi ako marunong magluto." Sabi ko kaya nadismaya naman sila.

"Ako rin eh!" Sabay nilang sabi kaya natawa kami.

"Eh magpadeliver." Sabi ni Wayne at kinuha ang selpon niya at naglagay ng distansya sa amin para makatawag.

"Ang lakas-lakas pa rin ng ulan." Komento ko habang nakatingin sa labas.

"Oo nga. Sana mamayang hapon mawala na para makapagmall tayo." Pagsang-ayon ni Miley sa akin. Nagnod naman si Jaz.

"Puntahan ko lang si Wayne." Sabi ni LJ at pumunta kay Wayne.

"Nabobore ako! Ano ba ang masayang gawin?" Sabi ko habang umiinom ng juice.

"Gutom na ako! Hindi sapat yung kinain nating snacks!" Sabi ni Miley at humiga. Binato ko naman siya ng popcorn.

"Eh sino ba ang taong mabubusog sa mga finger foods. Tungeks lang?" Tanong ko at tumawa.

"Oo nga naman Miley!" Sabi ni Jaz kaya tumawa pa kami. Napansin kong natutulog si Kirk kaya pinatahimik ko sila at tumahimik nga tapos sinenyasan ko sila na batuhin siya ng pagkain kaya tumango-tango siya.

"1,2,3!" Pabulong na sigaw ko at binato na namin si Kirk. Si Kirk naman ay nataranta kaya nagising. Tumawa naman kami sa itsura niya.

"Epic yun!" Sabi ko at nag-apir kami habang tumatawa. Binigyan naman kami ng bored stare ni Kirk.

"Nakakapagod tumawa. Hahahaha!" Sabi ni Miley habang nakahawak siya tiyan niya.

"Oo nga! Epic talaga ng mukha ni Babe!" Sabi ni Jaz habang hinihingal sa pagtawa.

"Naiihi ako dun. Hahahaha. CR muna ako!" Sabi ko at tumakbo sa CR. Malapit na sana ako ng may narinig akong nag-uusap sa kusina. Sina Wayne at LJ.

"Bro, malalaman din niya ang katotohanan. Maghintay lang tayo. Hindi pa ngayon dahil hindi pa siya handa." Sabi ni Wayne habang tinatap yung balikat ni LJ. Di nila ako nakikita dahil nakatalikod sila. Bro? Tawagan lang siguro nila yan. Di naman sila magkapatid.

"Haaay. Namimiss ko lang siya. Ilang taon na kaya natin siyang di nakasama." Sabi ni LJ sa malungkot na tono.

"Alam ko. Maghintay lang tayo kung kailan babalik ang memorya niya." Sabi ni Wayne.

"Kapag hindi na babalik yun? Ano ang gagawin natin?" Parang galit na tanong ni LJ.

"Babalik yun! Isang tao lang ang alam kong makakapagbalik ng memorya niya." Seryosong sabi ni Wayne.

"Sino?" Takang tanong ni LJ

"Si Leo." Sagot ni Wayne. Parang may kung ano na puso kong kumirot pero di ko maexplain. Haaay. Ba't ba ako nakikinig sa usapan nila? Ihing-ihi na talaga ako kaya pupunta na ako sa CR. Aalis na sana ako pero may na apakan ako kaya natumba ako at nagcause ito ng ingay. Lagot ako neto.

"Ja-jane?/ Fu-future?" Gulat na sabay nilang tanong.

"Hehehe. Hi?" Nahihiyang sabi ko.

"Ka-kanina ka pa dito?" Tanong ni Wayne habang tinutulungan akong makatayo. Umiling naman ako.

"Anong narinig mo?" Seryosong tanong ni LJ habang nakatingin sa mga mata ko.

"Wa-wala!" Sabi ko at umiwas ng tingin. Lord, patawad. Huhuhu.

"Yung totoo." Madiin na sabi ni LJ. Si Wayne naman ay natataranta kung pipigilan niya si LJ o ano.

"Ehhh. Hindi ko yun pagsasabi at hindi rin ako magtatanong tsaka hindi ko naman alam kung sino yun. Your secret is safe." Sabi ko. Nakahinga naman ng maluwag si Wayne. Si LJ naman ay parang nabunutan ng tinik.

"Pero, sino ba yung pinag-uusapan niyo?" Takang tanong ko kaya napahawak si Wayne sa noo niya si LJ naman ay tinampal yung noo niya.

"You and your curiosity." Sabi ni LJ at umalis.

"Anyare?" Takang tanong Miley.

"May narinig kaming maingay na bagay eh." Sabi naman ni Jaz. Si Kirk naman ay poker face pa rin. Nagising sa maling side ng kama niya?

"Ahh. Wala. Okay lng naman ako. Ay shiks!" Sabi ko at nataranta. Nakita kong napatigil sa paglalakad si LJ.

"Ba-bakit?" Takang tanong nila.

"Nakalimutan kong iihi pala ako." Sabi ko at dumiretso sa CR. Nakita ko namang umiiling-iling sila bago akong pumasok sa CR.










Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now