Chapter 8: Curiosity

377 6 0
                                    

Jane's POV

*Riiiiinnngggg

Pinatay ko yung alarm clock ko at bumangon. Haayy. Nakakatamad din pala yung mag-aral nang mag-aral noh?

Ginawa ko na ang daily routine ko at pumasok na sa school. Hindi pa ako nakapasok sa room ay biglang sumakit ang ulo ko at parang matutumba ako. Nang malapit na akong matumba ay may nakasalo sa akin. Hindi ko maaninag ang kanyang itsura dahil blur ang nakikita ko at biglang nagdilim.

LJ's POV

Maaga akong pumasok para hindi gaano kahassle kung magpapalate ako. Habang papasok ako ng gate ay nakita ko si Jane nang hindi kalayuan. Sinundan ko siya tutal maaga pa nga naman hindi ba? Balak ko sana siyang supresahin kaso nang nasa pintuan na kami ng room ay parang matutumba siya kaya nilapitan ko agad. Hindi pa ako nakarating sa tinatayuan niya ay natumba na siya pero may nakasalo sa kanya. Si Leo. Tumakbo ako papunta sa kanila.

"Ako na magdadala kay Jane sa clinic." Pagprisenta ko.

"Ako na lang." Sabi niya at piniggyback ride niya si Jane at nagpaclinic. Wala na akong magawa kundi pabayaan nalang at pumunta na ako sa room.



Leo's POV

Papasok na sana ako sa room namin kaso may matutumbang babae malapit sa pintuan. Salamat nalang kasi nasalo ko kaagad. Tiningnan ko kung sino. Si Jane pala.

"Ako na magdadala kay Jane sa clinic." Pagprisenta ng lalaki na tumakbo papunta sa kinaroroonan namin.

"Ako na lang." Sabi ko at piniggyback ride ko si Jane at pumunta sa clinic.

^Clinic

Hiniga ko si Jane sa kama ng clinic at tinawag ang nurse.

"May lagnat siya. Pahingahin lang natin siya dito. Pwede ka nang umalis dahil may klase ka pa." Sabi ng nurse at tumalikod na kaya pumunta na ako sa room. Sinabihan ko nalang ang mga prof namin na nasa clinic si Jane. Hindi ako makapagfocus sa mga subjects ko dahil nag-aalala ako sa kanya. Aiiish. Puntahan ko nalang siya mamayang lunch.


Jane's POV

"Jane, pwd na ba kitang maging girlfriend?"

"Yes!"

~~~~~

"Bes! Kami na"

"Congrats bes. SS kayo ah?"

"Thanks!"

~~~~~

"Bes mall tayo"

"Sorry bes ha. May date kami ngayon eh."

"A-ah. Okay."

~~~~~

"Baby girl! Happy Monthsary! Nagustuhan mo ba ang surprise ko?"

"Oo baby. Ganda nga eh. "

~~~~~

"Tama na asdhjkl. Wala na tayo."

*Beeepp!*

~~~~~

"Jane! Gising! Jane!"

Gumising ako dahil sa yugyog sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang mga yun. Wala naman akong matandaan na nangyari yun. Anong ibig sabihin nun? Bakit hindi ko makita ang mga mukha?

"Tubig oh!" Sabi ni Leo?

"Sa-salamat." Sabi ko at uminom.

"Papasok ka palang kanina sa room nang matumba ka. Pasalamat ka nasalo kita. Hindi kaba kumain? Bakit ka natumba?" Sabi niya habang nakatingin sa akin. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinalma ko naman ang sarili ko.

"Salamat. Nag-almusal ako noh at hindi ko alam kung bakit ako natumba. Bigla lang kasi sumakit ang ulo ko." Sabi ko at akmang aalis.

"Hep! Saan ka pupunta?" Sabi ni Miley na kakapasok lang.

"Lalabas. Bakit?" Sabi ko at nagpout.

"Halika nga dito. Kumain ka at uminum ng gamot." Sabi niya kaya tumango ako.

"Hi Jane. Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni LJ na nasa likod ni Miley.

"Okay lang naman. Medyo masakit lamang yung ulo ko." Sabi ko at kinuha ang pagkain na dala ni Miley at kumain.

"Ahh. Excuse me. Mauna na ako." Sabi ni Leo.

"Ahh. Sige Leo. Salamat ulit." Sabi ko at pinatuloy ko ang pagkain.

"Salamat sa pagdala kay Jane sa clinic." Sabi naman ni Miley at umalis na si Leo.

"Oy Jane! Sagutin mo nga yung phone mo. Kanina pa yan nagriring." Sabi ni Miley.

"Ikaw na kaya sumagot. Kita mo naman na kumakain yung tao eh." Sabi ko sa kanya. Tumawa naman si LJ at kinuha nga ni Miley yung phone ko at sinagot.

"Hello po?... Ah. Nandito po katabi ko.... Kumakain po.... Patapos naman po.... Sige po. Bye po." Sabi ni Miley

"Grabe ka Jane. Si mader mo yung tumawag. Pasalamat ka kasi mabait ako kaya ko sinagot ang tawag." Sabi ni Miley at binigay yung phone ko sa akin. Uminom muna ako ng tubig at gamot bago makapagsalita.

"Anong sabi ni mama?" Tanong ko sa kaniya.

"Nabalitaan ni mader mo yung nangyari kaya daw siya tumawag. Sabi niya tatawag daw siya ulit sayo mamaya." Sabi ni Miley at tumango nalang ako. Sakto naman na nagring ulit yung phone ko.



Ako: Hello, ma. I miss you. Hihihi
Mama: Oh. I miss you too, anak. Kamusta ka na?
Ako: Okay naman po. Sumakit lang kanina yung ulo ko.
Mama: Ahh. Ganun ba. Uminum ka ng gamot ha. Babalik na ako sa meeting ko. Mag-ingat ka. I love you, anak.
Ako: Okay po, ma. Mag-ingat ka din. I love you too po. Babye!

*End call

"Tara na. Balik na tayong room" pag-aaya ko sa kanila at pumunta na sa sarili naming classroom.


Leo's POV

Pumunta kaagad ako sa clinic pagkatapos ng klase. Nang makarating ako doon ay nakita ko si Jane na pawis na pawis. Parang may napapanaginipan. Kaya ginising ko siya at pinainom ng tubig. Aalis sana siya nang pigilan siya ng kaniyang kaibigan at pinakain. Nagpaalam na rin ako na aalis at pumunta sa canteen para makapaglunch.

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now