Chapter 31: Ferris Wheel

150 3 0
                                    

Wayne's POV

Hindi naman talaga ako takot na sumakay sa ferris wheel. Sadyang may naaalala lang ako.

"Oh! Kain na tayo!" Sabi ni Jane.

Hindi ko inakala na makikita ko si Jane. Nang malaman ko, namin, na nasa Pilipinas na siya, hinanap kaagad namin siya. Siya kasi ang pinakamagandang ----

"Oy! Wayne! Kain na!" Sabi ni LJ.

"Baka iniisip niya kung ano ang mangyayari mamaya sa ferris wheel." Sabi naman ni Miley sabay tawa. Nakita ko naman si Jane, tumatawa rin. Ang ganda niya talaga.

"Natulala ulit!" Sabi ni Miley kaya natauhan na naman ako.

"Oo na. Kakain na po." Sabi ko at nagsimula kaming kumain.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa ferris wheel.

Nahuhuli ako sa paglalakad. Ayaw ko lang talaga sumakay sa ferris wheel. At alam yun ni LJ pero tinatawanan niya lang ako. Pero, sa loob niyan, natatakot din yun.

"Oh! Ano pa ang tinutunganga? Sakay na." Sabi ni Miley kaya sumakay na kami.

"Oy! Tingnan mo si LJ. Parang nanginginig." Rinig kong sabi ni Miley kay Jane. Kaya medyo tumawa ako.

Di naman pala ako masyadong naaapektuhan sa nangyari noon.

"Wa-wala 'to. May naaalala lang ako." Sabi ni LJ kaya natawa ako nang mahina.

Nang nakababa na kami sa ferris wheel, tumawag ang kuya ni Jane.

"Napatawag ka kuya?" Sabi ni Jane. Tahimik naman kaming tatlo.

"Nandito po ako sa carnival kasama sina Miley." Sabi niya. Siguro tinanong siya ni kuya niya kinng nasaan siya.

"Pero kuya.. Okay. Uuwi na." Sabi ni Jane at binaba na nkya ang selpon niya. Nagkatinginan naman kaming apat.

"Uwi na tayo?" Tanong ni LJ.

"Sorry ha? Si kuya kasi eh." Sabi ni Jane. Tumawa naman kami ng mahina at umuwi na.





Jane's POV

"Kung hindi ka tatawagan, hindi ka pa uuwi." Sabi ni kuya nang makarating ako sa bahay.

"Sorry kuya. Di na kita sinabihan."Sabi ko kay kuya.

"Okay. Pero sa susunod magsabi ka." Sabi ni kuya kaya tumango ako.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni kuya.

"Opo." Sagot ko.

"Pero nagugutom pa ako." Sabi ko kaya ngumisi siya.

"Samahan mo na akong kumain."Sabi niya kaya pumunta kami sa dining room.

"How was your day?" Tanong niya habang kumakain na kami.

"Mom? Dad? Is that you?" Sabi ko at tumawa. Para kasi siyangsi Mommy or Daddy sa tanong niya.

"Jane." Sabi ni kuya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

"Okay. I'm just joking." Sabi ko at umupo nang maayos.

"Okay naman. Marami lang pinapagawa yung mga teachers pero keri naman." Paliwanag ko.

"Marami? Keri? Di nga kita nakikitang gumagawa ng homeworks mo o projects eh." Sabi ni kuya na medyo natatawa.

"Joke lang yun kuya. Mababait kasi yung mga teachers na pinili mo." Sabi ko at tumawa rin.

"Oh sige na. Umakyat ka na sa kwarto mo. Total, tapos ka namang kumain eh." Sabi ni kuya.

"Pinagtatabuyan mo ba ako kuya?" Tanong ko na nakapout pa. Syempre kunwari cute.

"Matulog ka na nga." Sabi ni kuya at umalis na.

"Goodnight!" Sabi ko kay kuya at nag-goodnight din siya.

Siguro nagtataka kayo kung bakit okay kami ni kuya noh? Naisip ko kasi a mali yung nagawa ko nung isang araw. Di ko naman kasi alam na para pala yon sa ikabubuti ko.


*kring-kring*

>Mommy calling....<

Me: Hi mom!
Mom: Hello anak! Kamusta ka na diyan?
Me: Okay naman po. Kayo po?
Mom: Okay naman. Eh, kamusta kayo ng kuya mo? Okay na ba kayo? Sabi ko naman sayo di ba? Inumin mo yung gamot mo.
Me: Yeah. Okay na po kami. Nag-usap nga po kami kanina habang kumakain nang hapunan.
Mom: Good. Oh sige na. Kinamusta lang kita. Mag-ingat kayo diyan ha? Tatawagan ko na lang kuya mo.
Me: Okay po. Bye!

> End call. <


Kung sa akin mangangamusta lang pero kay kuya makikichismis. Si kuya kasi bungangero. Di niya mapigilan ang bunganga niya pag si Mommy ang kausap niya. Kahit nasa States kami nun, palagi siyang may update kay Mommy galing sa school. Siguro ngayon, kinukwento niya yung pumunta ako sa Carnival na hindi ko siya sinabihan.

*knock-knock*


"Jane gising ka pa ba?" Boses ni kuya ang narinig ko.

"Opo kuya." Sagot ko.

"Papasok ako ha?" Sabi niya kaya di na ako umangal.

"Ininom mo na ba yung gamot?" Tanong ni kuya at umupo siya sa kama ko. Tumango naman ako.

"Good." Sabi niya.

"Mauuna pala ako bukas sa iyo. Di kita masasabay. Magpahatid ka na lang kay manong." Dagdag niya.

"Okay po." Bitin na sabi ko. Nakakunot naman yung noo niya. Binigyan ko naman siya nang 'bakit-look'.

"Di mo ba ako tatanungin kung bakit?" Takang tanong niya.

"Kuya, alam ko naman kasi kung bakit." Sabi ko kaya natawa siya.

"Oh sige na. Matulog ka na." Sabi niya at pinat ako sa ulo tsaka sya umalis.

Good Girl's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon