Chapter 54: What should we do

14 3 0
                                    

>Kirk's POV<

"Pasalamat na lang tayo na tinulungan ni Miley si Jane." Sabi ko.

"Ano na ngayon?" Tanong ni Jaz. Tiningnan ko naman siya.

"Pupuntahan natin si kuya Jester. Kailangan niyang malaman 'to." Sabi ko kay Jaz. Dali-dali naman kaming pumunta sa sasakyan.

*ring! ring!*

"Kanina pa tumutunog ang selpon mo." Sabi ni Jaz kaya tiningnan ko naman. Si LJ pala ang tumatawag. Sasagutin ko na sana nang marinig ko ang sigaw sa loob ng bahay nina Jane.

"Have you seen her?!" Agad naman kaming pumasok sa loob.

"Kuya.." Sabi ko nang makita ko siya sa sofa na nakaupo at agad naman siyang tumayo.

"Alam niyo ba kung nasaan si Jane? Dalawang araw na siyang hindi umuuwi. " Natatarantang tanong niya.

"It's your fault!" Diretsong sabi ni Jaz kay kuya. Hinawakan ko naman ang kamay niya at inilingan siya. Napakunot ang noo ni kuya.

"Alam mo ba na masama ang loob ni Jane ngayon dahil sa kagagawan mo?" Dagdag ni Jaz.

"Where is she now? Is she okay?" Nag-aalalang tanong ni kuya.

"Huling kita naman sa kaniya ay nasa condo ni Miley. Doon kami galing. Maayos na siya ngayon. Inalagaan namin siya bago kami umalis doon." Paliwanag ko kay kuya.

"Bakit hindi niyo sinabi? Bakit hindi niyo dinala sa ospital?" Takang tanong ni kuya.

"Sinabihan ko siya pero ayaw niya. Tsaka alam naman natin kung bakit ayaw niya 'di ba?" Sagot ko kay kuya.

"Kahit na." Medyo galit na sabi ni kuya.

"Anong kahit na? Baka lalala lang ang kalagayan niya kapag nasa ospital siya. Kuya ka niya kaya dapat alam mo." Matigas na sabi ni Jaz. Napailing naman si kuya.

"Alam mo ba talaga o sinasawalang bahala mo?" Diretsahang tanong ni Jaz kay kuya.

"Anong sabi mo?" Galit na tanong ni kuya. Inawat ko naman silang dalawa.

"Jaz, stop. We need to calm down and talk about it." Sabi ko at umupo kami.

"Kuya, kailan mo ba sasabihin kay Jane?" Mahinahong tanong ko.

"No. I don't need to tell her." Sabi ni kuya. Sinampal naman siya ulit ni Jaz. Hinawakan ko naman siya agad.

"Hindi mo sasabihin sa kaniya? Ano na lang ang mararamdaman niya?" Galit na sabi ni Jaz.

"Hindi mo ba naiisip na magagalit lang siya sa'yo kapag nalaman niya sa iba ang kwento?" Dagdag ni Jaz.

"Bakit ko pa sasabihin? Maayos na naman na hindi niya alam ah?" Sagot ni kuya. Sinuntok ko naman siya.

"Kuya, karapatan niyang malaman ang mga nangyari sa buhay niya. Ikaw ang kuya niya, ikaw ang gagabay sa kaniya. Sa'yo lang siya may tiwala. Pinaniniwalaan niya lahat ng mga sinasabi mo tapos gagawin mo 'to sa kaniya? Kuya, wake up! You have to tell her. Nahihirapan na siya. Hindi mo ba 'yon nakikita?" Galit kong sabi sa kaniya. Tumalikod naman ako para umalis.

"Ja-jane?" Gulat na sabi ko.

"Ka-kanina ka pa ba?" Utal na tanong ni Jaz. Lumapit naman si kuya kay Jane.

"Jane, salamat naman at nakauwi ka na." Sabi ni kuya. Akmang hahawakan niya na sana si Jane nang umatras siya.

"Ma-may problema ba?" Takang tanong ni kuya.

"Ikaw! Kayo! Kayo ang problema." Sigaw ni Jane at tumakbo paalis. Sinundan naman siya ni kuya. Nanatili lang akong nakatayo dahil hindi ako makapaniwala.

"Jaaaannee!" Rinig kong sigaw ni kuya kaya tumakbo kami ni Jaz palabas.

"Jane!" Sigaw ni Jaz habang umiiyak. Binuhat naman siya ni kiya Jester at pinahiga sa sofa.

"Tingnan mo ngayon ang nangyari!" Sigaw ni Jaz at umupo sa gilid ni Jane kung saan siya pinahiga.

"Dalhin mo na lang muna si Jane sa kwarto niya kuya para makahiga nang maayos at makapagpahinga." Tumango naman si kuya sa sinabi ko at dinala si Jane sa kwarto niya.

"Kirk!" Rinig kong sigaw mula sa pintuan. Lumingon naman ako at nakita sina LJ at Wayne. Tumakbo naman sila papunta sa amin.

"Nabasa niyo na ba ang text ko?" Tanong ni LJ.

"Kababasa ko lang. Pasensya na." Sagot naman ni Jaz.

"Tungkol ba sa ano ang text mo?" Takang tanong ko.

"Si Jaimee." Maikling sagot ni LJ. 

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now