Chapter 21: Secrets

261 5 0
                                    

Masayang-masaya ako kagabi dahil nakapagbonding kami nina mama at daddy. Mga 11 din kami natulog. Medyo puyat nga ako dahil kulang sa tulog pero okay lang dahil nakasama ko sila. Nag-aalmusal kami ngayon at sabay rin kaming kakain ng lunch mamaya dahil 6 pa ang flight nina mama. Nakakalungkot pero naiintindihan ko naman sila.

"Ma, dad, alis na po ako." Sabi ko at kiniss sila sa cheeks.

"Ingat sweety!" Sabi ni mama.

"Take care. I'll text you kung saan tayo maglalunch." Sabi naman ni dad. Tumango ako at umalis.

Nang makarating ako sa school ay pumunta agad ako sa classroom.

"Good morning!" Bati ni Miley.

"Morning rin!" Sabi ko at nginitian ko siya. Lumapit naman siya sa akin.

"Wala ka ba sa condo mo kagabi?" Diretsong tanong niya.

"Wala. Nasa bahay ako. Dun ako natulog dahil nandun sina mama at dad." Sagot ko naman.

"Ahhh. Kaya pala nagdodoorbell ako, walang sumasagot." Sabi niya at nagpout.

"Ahh. Hehehe. Sorry ha? Hindi kita sinabihan." Sabi ko.

"Okay lang." Sabi niya habang nakangiti.

"Sa condo naman ako mamaya matutulog." Sabi ko.

"Ta-talaga? Sama na lang ako sayo pauwi mamaya. Hihihi." Sabi niya. Tumango naman ako.

"Eh... Bakit ka sa condo mo matutulog? Akala ko ba nasa bahay ang pamilya mo?" Tanong ni Miley.

"Ahh. Aalis sila mamaya. Babalik na sila sa states." Paliwanag ko. Tumango-tango naman siya.

"Di ka ba tinanong nina tito at tita Jane?" Pagsulpot ni Kurt kasama si Jaz.

"Tinanong. Natakot nga ako. Bwisit kasi si Wayne. Humanda siya sa akin." Sabi ko at tumawa sila. Naconfuse naman si Miley.

"Why did I hear my awesome name?" Pagsulpot naman ni Wayne na nakalean sa pintuan. Tumayo ako at pinuntahan siya.

"O-oh! Fu-future! Ba-bakit g-ganyan ang i-itsura mo? Na-nakakatakot!" Utal na sabi niya.

"I.Told.You.Not.To.Call.Me.Future." Sabi ko habang dinidiinan ang bawat salita.

"Akala ko pa naman kung ano na. Sorry future, pero di ko magagawa yan. Hihihi." Sabi niya at tumakbo papunta sa upuan niya.

"Ugh! What will I do to you?" Irita kong tanong at umupo sa upuan ko.

"Dude, seryoso, tama na." Sabi ni Kurt kay Wayne. Kumunot naman ang noo niya.

"Bakit ba? Ang ganda kaya nun!" Sabi ni Wayne.

"Just stop. Okay?" Sabi naman ni Jaz na parang nagagalit kaya nagulat si Wayne. Wooh! I love them. Hihihi.

"Sabihin niyo muna ang dahilan at kapag kumbinsido ako ay titigil ako." Sabi niya nang nakangita. Let's see.

"Kung ipagpapatuloy mo ang pagtawag sa akin ng 'future' ay di kita papansinin. Are we clear?" Sabi ko sa kanya.

"Ha-hala! O-okay." Sabi niya at nalungkot ang mga mata niya. Dumating naman ang prof at nagsimula na ang klase.

Nung break time ay pumunta kami sa canteen at nagsnacks.

"Ako na lang ang bibili ng pagkain." Sabi ni LJ.

"Sama ako!" Sabi naman ni Wayne at umalis sila. Habang nagpipila sila ay nag-uusap. Natural lang naman yon diba? Pero, bakit iba ang pakiramdam ko sa kanila kapag nag-uusap sila?

*riiing!*

"Si tita." Sabi ni Kurt at sinagot ang tawag.

"Hello tita?.... Yes po.... Kasama ko po siya... Gamot?... Sige po. Sasabihin ko po sa kanya.... Isasama ko po si Jaz. Okay po... Bye..." Sabi niya at binaba ang tawag.

"Ano sabi ni mama?" Curious kong tanong.

"Yung gamot mo inumin mo tsaka pinapapunta din ako ni tita sa lunch mamaya. Isasama ko si Jaz. Sinabi rin ni tita kung saan. Di mo daw kasj sinasagot ang tawag niya."  Sabi niya at tumango ako.

"Naiwan ko ang phone ko eh. Hehehe." Sabi ko sa kanya.

"Gamot?! May sakit ka ba Jane?!" Pasigaw natanong ni Miley. Narinig ng ibang tao kaya na palingon sila sa table namin.

"So-sorry!" Sabi ni Miley sa kanila na nakapeace sign.

"Ahh. May iniinom akong gamot. Vitamins yun sabi ni mama. Mahina raw kasi ang resistensya ko." Paliwanag ko at tumango naman siya.

"Akala ko kung ano na. Vitamins lang pala. Puteks!" Sabi niya at tumawa kami.

"May nakalimutan pala ako sa room. Kukunin ko lang." Sabi ni Jaz.

"Samahan na kita." Sabi ni Kurt. Tumango naman si Jaz habang nakangiti at inakbayan siya ni Kurt.

"Yieee. Maraming langgam." Sabi ni Miley. Tumawa na lang sila at umalis sila.

"Ay! Miley! Yung sabi mong sasama ka sa akin sa pagpunta sa condo, di pala ako pwede dahil pupunta ako sa airport. Alam mo na. Sina mama at dad." Sabi ko.

"Oo nga pala. Eh.. Sama na lang ako para makilala ko sila." Excited na sabi niya.

"Sige. Sige. Itetext ko." Sabi ko at kinapa ang bulsa ko.

"Aish! Nakalimutan ko pala ang phone ko sa room. Kukunin ko lang ha?" Sabi ko at tumango siya tsaka pumunta ako sa room.

"Naguiguilty ako Kurt. Paano kung malaman niya ang totoo?" Narinig kong sabi ni Jaz nang nasa pinto na ako. Di muna ako pumasok sa loob at pinakinggan muna sila.

"Shh! Baby. Sasabihin din natin sa kanya sa tamang panahon kaya don't worry." Sabi naman ni Kurt. Napakunot ang noo ko.

"O-okay. Sana matanggap niya ang sitwasyon. Kung ako siya, maguguluhan ako at the same time, magagalit din dahil itinago sa akin ang katotohanan." Sabi ni Jaz.

"Katotohanan?" Sabi ko. Nagulat naman sila.

"A-ahh. Ja-jane. I-ikaw pala. Ka-kanina ka pa?" Utal na tanong ni Jaz.

"Sino ba pinag-uusapan niyo? Parang ako." Sabi ko habang nakapokerface. Di sila nakasagot.

"So... Ako nga?" Tanong ko.

"Ano ba ang sitwasyon ko at ano ang katotohanan na sinasabi ni Jaz?" Tanong ko. Si Jaz parang natatakot. Si Kurt naman chillax lang.

"Ahhh. Ehhh." Sabi ni Jaz.

"Fiancé ko na siya. At pagkagraduate natin ay ikakasal kami. Agad." Cool na sabi ni Kurt. Parang narelief naman ang mukha ni Jaz.

"Ta-talaga? Wow ha! Yun lang pala eh. Sana di niyo na tinago. Maiintindihan ko naman at susuportahan ko pa kayo." Sabi ko habang nakangiti. Parang d naman ako kumbinsado sa sinabi ni Kurt

Good Girl's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon