Chapter 32: Kaibigan

156 2 0
                                    

Jane's POV

"Pinagalitan ka ba kahapon?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Miley sa gilid ko.

"Wala naman. Sinabihan niya lang ako na sa susunod ipapaalam ko sa kanya kung ano ang gagawin ko." Paliwanag ko kaya tumango naman siya.

"Ang aga niyo ha." Biglang sulpot naman ni Wayne.

"Ang panget niyo ha." Sagot naman ni Miley sa kanya kaya natawa kami. Umiba naman ang itsura ni Wayne. Akmang babatukan sana ni Wayne si Miley pero pumagitna si LJ. Nakita ko namang yumuko si Miley.

"Oy! Pinoprotektahan!" Sabi ni Wayne kaya napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Hayaan mo na. Tara na nga!" Sabi ni Miley at hinila ako papintang classroom.

Nang makarating kami sa classroom ay may pumuntang estudyante sa harap ko.

"Pinapatawag ka daw ng kuya mo sa office niya." Sabi niya. Kumunot naman ang noo ko.

"Bakit daw?" Tanong ko. Tumaas-baba naman yung balikat niya.

"Sama kami." Sabay sabi nina Miley, Wayne, at LJ. Umiling naman ang estudyante kaya wala silang nagawa. Agad naman akong pumunta sa office ni kuya.

"Kuya?" Tawag ko nang makarating ako sa office niya pero walang sumagot.

"Kuy--- Aray!" Asik ko. May bigla kasing yumakap sa akin.

"I miss you so much Jane!" Nagulat naman ako nang marinig ko ang boses.

"Wait!" Sabi ko at umalis sa yakap.

"Vi-vick?" Sabi ko at tumango naman siya kaya niyakap ko siya.

"I miss you too!" Sabi ko.

"I thought you already forgot about me." Sabi niya at humiwalay sa yakap.

"No way! How are you? Why are you here?" Sabi ko at umupo kami sa sofa.

"I'm okay." Sabi niya.

"I came here to see you." Dagdag niya.

"Talaga? Baka joke lang yan." Sabi ko. Nahirapan na kasi ako mag-english. Naiintindihan niya naman ang sinasabi ko pero siya hindi makapagsalita sa tagalog.

"It's not a joke." Sabi niya.

"Vick, sumama ka na kay Jane." Sabi ni kuya kaya nagulat ako.

"Sa classroom?" Takang tanong ko.

"Oo. Dito na siya mag-aaral." Sabi ni kuya at tumalikod.

"Marami pa akong gagawin kaya ikaw na bahala sa kanya." Dagdag niya kaya wala na akong magawa.

"Let's go."Sabi ko at umalis na kami.

Nakita naman namin sina Jaz at Kirk sa di kalayuan. Tinawag ko naman sila at nagulat nang makita si Vick.

"Long time no see bro." Bati ni Vick kay Kirk at nagbrofist sila.

"Musta?" Bati naman ni Jaz.

"I'm okay. You're here too?" Sabi ni Vick. Tumango naman silang dalawa.

"No wonder I don't see you in States." Sabi niya kaya natawa silang dalawa.

"Yeah. Sinundan kasi namin si Jane. You know. Worried." Sabi ni Kirk at tumawa silang tatlo. Nagtaka naman ako sa sinabi nila.

"Dito ka rin mag-aaral?" Tanong ni Kirk.

"Yeah. Actually, sa bahay ako nina Jane magsastay." Nagulat ako kasi bigla siyang nagtagalog. Ang alam ko kasi maiintindihan niya ang tagalog pero hindi siya makakapagsalita ng tagalog.

"Nagulat ka ba? I'm learning how to speak in tagalog." Dagdag niya. Medyo may accent pa rin siya kapag nagtatagalog siya.

"Ayaw ko kasing manosebleed ka." Sabi niya at tunawa kaya hinampas ko siya sa balikat.

"Nandito na pala tayo. Salamat naman at wala pa si Ma'am." Sabi ko at umupo na kami sa upuan namin. Si Vick naman ay nanatili pa ring nakatayo sa pintuan.

"Halika na dito." Sabi ko sa kanya kaya pinuntahan niya ako.

"Saan ako uupo?" Tanong niya.

"Humanap ka na lang." Tamad kong sabi.

"Ah.. Eh.. Di-dito ka na lang." Sabi ng babae sa harap ko.

"Thanks!" Masiglang sabi naman ni Vick.

"Chick magnet ka talaga." Sabi ko kaya tumawa kami.

"Jane!" Tawag ni Miley kaya napalingon ako.

"Sino yan? Sa pagkakaalam namin ay pinatawag ka lang ng kuya mo tapos may dala ka ng lalake?" Takang tanong ni Miley kaya napatawa ako nang mahina.

"Actually, siya ang rason kung bakit ako pinatawag ni kuya." Paliwanag ko. Kumunot naman ang mga noo nila.

"Miley, LJ, Wayne, this is Vick, my friend from states. Vick, this is Miley, LJ, and Wayne, my friends here in the Philippines." Pagpapakilala ko sa kanila.

"Hi Vick. Nice to meet you." Sabi ni Miley. Tinanguan naman nina LJ at Wayne si Vick.

"Nice to meet you." Sabi ni Vick.

"Friend lang ba talaga?" Mahinang sabi sa akin ni Miley pero narinig pa rin ni Vick kaya tunawa siya.

"Actually, I'm her boyfriend." Napantig naman ang tenga ko sa sinabi ni Vick. Binatukan ko naman siya.

"Ouch! Future! Ang sakit. Pinagpalit mo na agad ako kahit wala pang tayo?" OA na sabi ni Wayne kaya tumawa sina Miley.

"Wag kayong maniwala sa kanya. Gustong-gusto niya lang mantrip at patay na patay siya sa akin kaya niya yun sinabi." Sabi ko at narinig ko namang tumawa sina Kirk at Jaz.

"Assuming kayo pareho eh." Sabay na sabi nina Kirk at Jaz habang tumatawa.

"Eh totoo naman ah? Di ba, patay na patay ka sa akin?" Tanong ko kay Vick. Nakita ko naman na pinipigilan niya ang tawa niya.

"Oo na lang." Sabi niya.

Di na nadugtungan ang pag-uusap namin kasi dumating na ang teacher namin at nagsimula siyang magturo.

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now