Chapter 28: Some Memories

297 5 0
                                    

"Jane! Jane! Sunog! Sunog!" Bumangon naman ako sa narinig ko.

"Saan?! Saan?!" Tarantang sigaw ko. May narinig naman akong tumatawa kaya napakunot ang noo ko. Si kuya lang pala.

"Para saan naman yun kuya?!" Pagalit kong tanong.

"Kanina pa kasi kita ginigising pero walang epek eh. Tapos oh! 6:30 na!" Hinihingal na sabi ni kuya habang tumatawa. Nataranta na naman ako dahil sa sinabi niya.

"6:30?! The hell!" Sabi ko at dali-daling pumasok sa banyo. Lumakas naman ang tawa ni kuya.

"5:30 pa lang pala. Sorry Jane! Namamalikmata lang pala ako." Sigaw niya kaya napalabas ako sa banyo na basa yung mukha dahil naghilamos ako.

"Ano ba yan kuya. Pinagtritrippan mo na naman ako! Ano ba trip mo?" Inis kong sabi sa kanya at tinapunan ng unan sa mukha.

"Laugh trip!" Sagot ni kuya habang tumatawa at tinapon pabalik yung unan sa akin.

"KUYA!" Sigaw ko kay kuya.

"Maligo ka na! Ambaho mo! Mauna na lang ako sa school. Marami kasing paper works. See yah lil sis!" Sabi ni kuya at umalis na.

"Mas mabaho ka kaya! Sige! Chupi ka na!" Sabi ko at naligo na.

Pagkatapos kong maligo ay kumain na ako ng breakfast at pumunta ng school. Naisipan kong magcommute kaya naglakad ako papuntang sakayan ng jeep.

"Ay!" Gulat kong sigaw. May nabunggo kasi akong tao.

"Sorry po lola. D po ako tumitingin sa daan." Sabi ko tsaka at tinulungan si lola sa pagpulot ng dala niya.

"Okay lang po ba kayo lola? Pasensya na po talaga." Sabi ko kay Lola.

"Okay lang iha. Di rin kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko." Sabi niya habang inaayos nya ang mga dala nya.

"Sorry po talaga lola. Tulungan ko na po kayo sa dala niyo." Sabi ko at kinuha ang mga dala niya.

"Di ka ba malalate nito sa pagtulong sa akin iha?" Tanong ni lola.

"Ay! Okay lang po la. Di naman ako papagalitan kapag late ako. Saan po ba kayo pupunta?" Tanong ko.

"Ahh. Doon iha." Sabi ni lola sabay turo ng maliit na kubo sa harap ng bahay.

"Malapit lang pala sa bahay namin lola. Magtitinda kayo doon?" Tanong ko.

"Ahh. Oo iha.  Ikaw pala yung anak ng may-ari ng bahay na yan? Matagal na kitang hindi nakikita." Sabi ni lola.

"Opo la. Umibang bansa na kasi kami noon." Paliwanag ko.

"Alam mo,ang bait-bait ng mga magulang mo. Inuubos nilang bilhin ang mga paninda kong di naibenta. Kahit wala sila sa bahay niyo, ang mga kasambahay niyo ang bumibili kaya tama ang pagpalaki ng mga magulang mo sayo iha. Naging mabait ka rin tulad nila." Pagkwento ni lola.

"Hahaha. Si mama't daddy talaga. Mabait po talaga sila Lola. Kahit sa mga kasambahay namin, tinuturing nilang pamilya." Pagsang-ayon ko kay lola.

"Maganda iyon iha. Kaya di nauubos ang mga biyaya na pumupunta sa inyo." Sabi ni lola.

"Nandito na pala tayo. Maraming salamat iha. Napakabait mo talaga. Di ka nagbago." Dagdag ni lola.

"Sa-salamat din po lola. Ingat po kayo. Mauna na po ako." Pagpapaalam ko kay lola at pumunta sa school.

Late na naman ako nito. Baka sabihin ng mga guro sa school na porket anak ako ng may-ari eh aaraw-arawin ko na ang pagiging late.

"Jane!"

Good Girl's LovelifeOnde histórias criam vida. Descubra agora