Chapter 19: Forget me not

289 7 0
                                    

*Leo's POV*

"Jane! Jane! Oy! Gising!" Sabi ko sabay tapik sa pisngi niya. May white flower pala ako sa bag. Kinuha ko ito at pinaamoy sa kanya hanggang magising siya.

"Hmm." Sabi niya.

"Jane! Gising!" Sabi ko.

"A-anong nangyari?" Tanong niya habang pikit ang mata niya at nakaupo.

"Nahimatay ka matapos mong sabihin na masakit ang ulo mo." Paliwanag ko sa  kanya.

"Sumakit ang ulo ko?" Takang tanong niya. Tumango naman ako.

"Ba-bakit naman?" Tanong niya naman.

"Hindi ko alam. Hindi ko naman ulo yan." Sabi ko.

"Ang gulo mo." Sabi niya.

"Hindi naman ako market." Sabi ko at tumawa.

"Ilang minutes akong nahimatay?" Tanong niya. Nagshrug lang ako.

"Bakit ako nandito?" Tanong niya kaya napakunot noo ako.

"Hindi mo alam?" Takang tanong ko.

"Hindi eh. Bakit ba ako nandito?" Tanong niya.

"Aba! Ewan ko sayo. Papunta ka dito kanina kaya nakisabay ako at papaliwanag ko sana kung bakit ako nagsorry sayo." Sagot ko naman.

"Sorry? Kelan ka naman nagsorry?" Tanong niya.

"Ahh. Ehh." Sabi ko. Napataas naman siya ng isang kilay.

"Jane!" May tumawag kay Jane at tiningnan ko kung sino yung. Si Miley pala at kasama niya sina LJ, Wayne, Jaz at Kirk. Nakakunot noo naman sina Kirk at Jaz.

"Mall na tayo!" Sabi ni Miley nang makalapit sa amin.

"Ma-mall?" Tanong niya. Tumango naman si Miley.

"Si-sige. Salamat pala Leo ah?" Sabi ni Jane. Tumango naman ako at ngumiti tsaka umalis sila. Nilapitan naman ako nina Kirk at Jaz.

"What the hell are you doing?!" Galit na tanong ni Kirk.

"Wala lang." Sagot ko naman.

"Wala lang? Eh bakit kayo magkasama?!" Galit pa ring tanong niya.

"Sasabihin ko sa kanya sana ang lahat." Sagot ko.

"Sasabihin? Lahat? Eh alam mo ba na kasalanan mo kung bakit siya nagkakaganyan? Kasalanan mo lahat!" Sigaw naman ni Jaz.

"Oo! May kasalanan ako pero hindi lahat yun! Hindi mo naman  alam kung ano talaga ang nangyari nun kaya wag mo akong sigawan!" Sabi ko at umalis. Lahat? Kasalanan ko? Bobo niya. Ang alam nga lang niya na nabunggo si Jane habang tumaktakbo at umiiyak nang dahil sa akin. Pero hindi niya alam ang buong kwento.

*Jane's POV*

Garden? Leo? Sorry? Sumakit ulo ko? Bakit naman ako nasa garden? Bakit kasama ko si Leo? Bakit ieexplain niya daw kung bakit siya nagsorry? Kelan naman yun? Bakit naman sasakit ulo ko?

"Yuhooo? Jane? Hello to the world?" Sabi ni Miley kaya natauhan ako.

"A-ano?" Tanong ko.

"Kanina pa ako dakdak nang dakdak dito di ka pala nakikinig." Sabi niya.

"Wala naman kasing sense yang sinasabi mo." Sabi naman ni Wayne.

"Kahit walang sense ang sinasabi ko, ikaw naman ang walang sense!" Sabi naman ni Miley.

"Aba!" Sabi ni Wayne at susugudinsana niya si Miley pero pinigilan siya ni LJ kaya nagbehlat si Miley sa kanya at tumawa.

"As I was saying, pupunta tayong mall para bibili nang susuotin para sa birthday ni LJ sa Saturday which is tomorrow." Excited na sabi ni Miley.

Good Girl's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon