Chapter 35: Him

248 6 2
                                    

Jane's POV

Hinihintay ko si Vick sa labas ng classroom namin para tanungin kung ano ang pinag-usapan nila. Ang seryoso niya kasi kanina tsaka pinagalitan pa ako.

"Vick!" Sabi ko at tumakbo papunta sa kanya.

"Vick, ano ba yung pinag-usapan niyo?" Tanong ko pero diretso lang siya.

"Vick! Uy!" Sabi ko habang tinatapik yung balikat niya pero malakas niyang inalis yun kaya natumba ako.

"Jane!" Rinig ko naman na may sumigaw sa likuran ko. Si Leo pala.

"Okay ka lang?" Mahinang tanong niya. Tumango naman ako at inalalayan niya akong tumayo.

"Jane, I'm sorry. May iniisip lang ako." Sabi naman ni Vick na nakatingin sa akin.

"May iniisip? Sinaktan mo siya." Sabi ni Leo. Hinawakan ko naman ang kamay niya para awatin siya. Hinawakan niya rin ang kamay ko at hinila papunta sa likod niya. Nakaramdam naman ako na parang pamilyar ang paghawak niya. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Bitawan mo siya Leo." Matigas na sabi ni Vick.

"No." Sabi naman ni Leo at tumakbo. Tumakbo rin ako. Hawak niya ang kamay ko eh. Alangan namang magpaiwan ako eh di nabali na yung buto ko nun.

"Leo! Leo sandali!" Sabi ko habang hinihingal.

"Sorry." Sabi niya.

"Nasaan tayo?" Tanong ko.

"Jane, hindi mo ba talaga ako matandaan o ginagawa mo lang ito dahil gusto mong maghigante?" Tanong ni Leo kaya napakunot ang noo ko.

"Maghigante? Bakit ko naman gagawin yun? Tsaka, kilala ba kita noon pa?" Tanong ko sa kanya.

"Jane, mahal kita. Mahal na mahal kita." Sabi ni Leo at niyakap ako. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Ma-mahal? Ano ba yung sinasabi mo Leo?" Naguguluhang sabi ko.

"Jane, please! Alalahanin mo. Alalahanin mo yung mga nangyari bago ka pa pumunta sa States. Yung mga panahon na nandito ka pa sa Pilipinas kasama ako." Sabi ni Leo habang nakayakap pa rin. Sinunod ko naman ang sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero inalala ko. Napahawak naman ako sa ulo ko.

"Jane? Jane!" Natatarantang sabi ni Leo kaya napaalis siya sa yakap.

"Le-leo. Pwede mo ba akong ihatid kay Kirk?" Pakiusap ko sa kanya.

"Ha-a? Pero..... Si-sige." Sabi ni Leo. Nakita naman namin sina Kirk at Jaz malapit sa kinaroroonan namin kaya agad kaming pumunta sa kanila. Nakita ko naman ang mukha ng dalawa na parang nalilito.

"S-sorry Leo ah? Hi-hindi ko alam kung ano ang mga sinasabi mo." Sabi ko at hinila sina Kirk at Jaz paalis.

"Jane? Anong nangyari?" Tanong ni Kirk. Nagsimula naman akong umiyak habang si Jaz ay pinapatahan ako.

"Jane? Sagutin mo ako!" Sabi ni Kirk kaya napatingin ako sa kanya at niyakap siya. Kita naman sa mukha niya na nagulat siya. Hinaplos niya naman ang likod ko. Gayundin si Jaz.

"Tahan na. Mamaya mo na lang akong sagutin. Iiyak mo na lang muna." Sabi ni Jaz.

"Jaz, pwede ka bang bumili muna ng tubig?" Tanong ni Kirk kaya umalis si Jaz.

"Now. Tell me." Sabi ni Kirk habang nakahawak sa dalawa kong balikat.

"Ki-kirk. I don't know what's going on in my head." Sabi ko habang umiiling.

"May mga pangyayaring nagfaflash sa isip ko na hindi ko maintindihan." Dagdag ko.

"Katulad ng?" Tanong niya.

"Ka-katulad nang nasagasaan ako. Na gumagala kami ni Leo. Na masaya kaming nag-uusap ni Jaimee. Na kasama ko sina Leo at Jaimee sa isang park habang kumakain ng icecream. Na nagshoshopping kasama si Jaimee. At marami pa." Sabi ko habang umiiyak. Nataranta naman si Kirk. Nakita kong kukunin niya sana ang phone niya pero pinigilan ko siya.

"Kirk. Huwag. Huwag mong sabihin kina kuya to. Ayaw kong mag-alala sila lalong-lalo na sina mama't daddy." Sabi ko habang umiiling. Kaya wala na siyang nagawa.

"Kirk, konektado ba to sa amnesia ko?" Tanong ko sa kanya. Unti-unti naman siyang tumango.

"Ba-bakit ba ako nagka-amnesia?" Nagtataka kong tanong.

Good Girl's LovelifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon