Simula

5.3K 86 6
                                    

Umabot ng walong oras ang operation para sa paghuli ng grupong nagsu-supply ng mga mamahaling droga sa Maynila. Pagod na pagod si Bob nang isandal ang kanyang likod sa kulay abong sofa sa salas ng kanyang condo. For sure, dito na siya makakatulog. Kahit pa nga kumakalam ang kanyang sikmura ay di niya magawang kumilos para kumuha ng pagkain sa ref.

Palagi na lang ganito matapos ang isang operation. Nakakapagod talaga. Buti at nahuli nila ang mga kriminal.

Iniunat niya ang binti at ipinatong  sa center table. Napansin niya ang ilang piraso ng sobre. Regular na kinukuha ni Aling Mira, iyong tagalinis niya ng condo, ang mga sulat at billing statements niya doon sa basement. Wala na siyang panahon na gawin pa iyon.

Mahirap talaga ang trabaho niya sa NBI. Hindi niya hawak ang kanyang oras. Palagi pang toxic lalo na ngayon at sunod-sunod ang paghuli sa mga sindikato.

Di na sana niya papansinin ang mga sobre kung hindi lang napukaw ang kanyang atensyon ng isang pamilyar na logo.

Mabilis na napa-angat ang kanyang likod at dinampot ang kulay puting sobre. Nakapangalan sa kanya ang sulat. Robert Lienius C. Aguilar.

Mula sa office of the prosecution ng city of Pasig.

Pamilyar na pamilyar siya sa mga ganitong liham dahil sa kanyang trabaho bilang chief inspector.

Binuksan niya ang sobre at tumambad ang ilang paragraph na nagsasabing siya ay kinasuhan ni Ms. Carlee Salazar ng sexual assault.

"Shit!" Biglang naibulalas niya. "Who is Carlee?" Napahawak tuloy siya sa kanyang sentido habang iniisip kung sino ang babaeng iyon.

Wala siyang matandaan na pangalang ganon. Marahil ay di naman talaga niya tinatandaan ang mga babaeng walang puwang sa buhay niya. It's not that he don't respect them. It's just that when it comes to women, isang pangalan lang ang mahalaga.

He started to dial a number on his cellphone. It's ringing. "Gaize!"

"Bob, I'm busy. Let's talk later." Sagot ng kausap niya sabay putol ng linya.

Napatitig  siya sa screen ng S7 nang mawala ang kausap. Di man lang siya hinayaang makapag-compose ng isang sentence!

Napaka-brutal talaga ni Gaizelle Regina. Kung hindi lang ito isang abogado na kailangang-kailangan niya ng consultation ngayon ay papadalhan din niya ito ng sub-poena para i-summon at gawing alipin.

Iyon ay kung makakalusot siya sa astig niyang kaibigan.

He got up. Grabbed his car key and jacket at bumabang muli sa parking. He badly needs to hear Gaize's opinion before he go to the office of the prosecution tomorrow morning.

Pareho namang sa BGC ang kanilang mga unit. Kung tutuusin malapit lang naman. Pero dahil pagod na nga siya ay ayaw na niyang maglakad kaya ginamit niya ang kanyang itim na Ford Fusion.

It's 2 AM. Nakita niya ang silver Honda Accord ni Gaize sa parking slot. Bakante pa ang katabing slot kaya doon na muna ulit siya magpa-park. He knows JP, Gaize's neighbor. Ipapaalam na lang niya sa on-duty na guard bago siya umakyat.

Katulad ng nakagawian na, dumaan muna siya kay Morris, iyong kakilala niyang sikyu.

"Sandali lang Tol. Wala naman si JP. Doon ulit ako sa slot niya."

"Walang problema Tol." Sagot ng guard at ini-log na nito ang plate number niya sa dalang record notebook.

Carlee Salazar, sino ka nga ba?

Naisip niya iyon habang naglalakad patungong elevator.

Ipinikit pa niya ang mga mata para alalahanin muli kung sino iyon.

Noong isang linggo ay nagkaroon ng inuman ang mga ka-tropa niya sa trabaho. They went to a bar. Baka doon niya nakilala ang babae.

Pero sexual assault? Seryoso ba siya?

Wala nga siyang panahon sa pagde-date tapos kakasuhan siya ng ganon. Ni wala nga siyang maalalang naka-one night stand man lang recently dahil sunod-sunod ang kanilang trabaho.

Baka naman nagkamali ng pinadalhan ang prosecution office.

First thing in the morning that he will do is to clarify this letter from the source.

Huminto siya sa harap ng elevator at naghintay na mabuksan iyon.

Pinindot niya ang number 8 para sa floor ni Gaize.

Wala namang ibang nakasakay kaya pinindot na niya ang close button.

Nang makarating sa eight floor ay kumilos na siya palabas. Nag-iisip kung ano ang sasabihin para di siya masermunan ni Gaizelle.

Wala pa namang kalahating oras nang sumagot ito sa tawag niya kaya sigurado siyang gising pa ito. Baka may nilalamay na namang kaso.

Unit 806 si Gaize. Lumiko siya sa unang pasilyo. Hawak pa rin niya ang sulat. Agad siyang napahinto nang makita ang pamilyar na pigura sa harapan ng pinto. Kusang ipinako niya ang sarili sa kinatatayuan upang di magambala ang dalawang babaeng naghahalikan.

Literal na napatulala siya sa sobrang intense ng dalawa.

Hindi naman siya against sa mga gay o lesbian na nag-e-express ng kanilang feelings sa isa't-isa. Wala nga siyang pakialam kung ano ang gustong gawin ng mga ito.

Not until he found that his friend Gaizelle Regina Lariosa is one of them and now kissing a girl in front of her condo unit.

Humakbang paurong ang kanyang mga paa. Tahimik na tumalikod at naglakad papalayo.

Nang makabalik malapit sa elevator ay wala sa sariling naisandal niya ang likod at pumikit.

Masakit pa rin pala.

Ang akala niya ay naghilom na.

Pero ang totoo ay namahinga lang ang puso niya sa pagkirot.

Sa dinami-dami ba naman ng babaeng mamahalin niya, bakit ba doon pa siya tinamaan sa babae na babae rin ang gusto?

Ano mang pangungumbinsi niya sa kanyang sarili na naka-move on na siya kay Gaizelle ay bumabalik pa rin siya sa simula.

Mahal pa rin niya ito.

... And that's the harsh reality that he has to deal if he wants to keep her close.

#TGS .01

The Great SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon