Pasalubong

932 37 12
                                    

Gaize

Kumpleto na ang mga pampasalubong ni Gaize. Nike cap para kay Tito Oscar, towels para kina Alwin at Jeissey, Peppa Pig stuffed toy para kay Baby Elise at handbag na Lacoste para kay Tita Myrna. May mga imported chocolates din siyang binili para sa mga bata at mga lotions at bodywash para sa iba pang relatives ni Bob.

"Anak, hindi ka na ba uuwi? Baka pikutin ka na ng pamilya ni Bob sa dami ng pasalubong mo." Nakatingin si Naynay sa trolley bag na pinaglalagyan niya ng lahat ng iyon. Naroon sila sa kanyang silid at madaliang inayos ang mga mga dadalhin sa Bulacan. Ginising na siya nito dahil nandun na si Bob sa baba eksaktong alas kwatro ng umaga. "Balak mo na yatang mag-migrate sa Bulacan." Natatawa pa ito.

"Tss... Si Naynay talaga. Alam mo naman ang nangyari di ba? Gusto ko lang magpa-good shot kay Tita Myrna para ma-convince na siya."

Naikwento niya kay Naynay ang naganap sa ospital noong nakaraang linggo nang marinig nitong nagpapanggap lang sila ni Bob na may relasyon. Itinama naman ni Bob ang totoo pero sa tingin niya ay hindi naniniawala si Tita Myrna. Gulat na gulat pa naman ang reaksyon nito nang makita ila ito ni Bob na bumalik. Ang akala pa nga niya ay magagalit ito ng todo. Pero naging cool din naman nang makabawi hanggang sa umalis at makuha ang nakalimutang bitbit.

Ang nakaka-intriga lang ay ang sinabi ni Tita Myrna na may irereto daw itong doktora kay Bob na anak ng kanyang kumare sakaling totoo ngang nagpapanggap pa rin daw sila.

"Hindi mo naman kailangang sakyan ang katarantaduhan ng anak ko, Attorney. Pasensiya ka na sa kaibigan mo. Sigurado akong pinakiusapan ka niya para hindi siya mapahiya sa mga kamag-anak namin." Sabi pa nito nang ihatid niya palabas ng silid ni Bob. Sinadya niya talagang sundan para humingi ng dispensa.

"Pero Tita, hindi naman kami nagpapanggap. Totoo pong may relasyon kami. Noong una po acting lang ang lahat. Pero... nauwi po sa totohanan kaya nahihiya po ako sa inyo. Hindi po naming intensyon na lokohin kayo."

"Gaizelle, hindi ka na iba sa akin. Kung hindi nga kayo ng anak ko, huwag mo ng aksayahin ang oras mo para sa mga kalokohan niya. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako galit sa iyo. Pasensiya ka na rin at di ko na mababawing ikaw na ang mag-bantay kay Bob. Kailangan ko munang alagaan ang asawa ko."

"Wala pong problema Tita. Regards na lang po kay Tito. Ako na po ang bahala kay Bob."

Iyon ang huli nilang napag-usapan ng kanyang hilaw na biyenan.

"Siya nga pala anak, pupuntahan ko si Raul sa bilangguan habang nasa Bulacan kayo ni Bob."

Nagulat siya sa desisyon ni Naynay. "Sigurado po ba kayo d'yan 'Nay?"

"Oo. Kailangan na rin naming magkaharap. May mga gusto akong alamin sa kanya. Tungkol sa kanila ni Anette."

"Nay, ipagpaliban n'yo na muna. Gusto ko pong sumama. Gusto ko rin pong magka-ayos kaming dalawa ni Tatay."

Tumango si Naynay. "Kung iyan ang gusto mo. Lumakad tayo sa susunod na linggo."

Isinara na ni Gaize ang maleta. Naroon na rin ang ilang damit at personal na gamit na dala niya.

Hinila niya ang trolley sa may pintuan. Doon niya muna inilagay habang nag-aayos pa ng sarili.

Dumiretso siya sa harapan ng dresser. Nagpulbo at naglagay ng kaunting make-up at lipstick.

Purple v-neck shirt at slim fit jeans ang suot ni Gaize. Naka-puting sneakers din siya. Itinali niya

ang buhok at ready na siya. "Bababa na ako Nay."

"Tara na." Kumilos na si Naynay at ito pa ang naghila ng kanyang maleta palabas ng silid.

Nang pababa na sila ng hagdan ay sinalubong sila ni Bob sa sala at ito na ang nagbuhat pababa ng kanyang trolley.

The Great Seductionحيث تعيش القصص. اكتشف الآن