Damdamin

1K 77 10
                                    

Bob

Inalis niya ang unan sa mukha ni Gaize at kinapa ang pulso nito. May naramdaman naman siyang pintig. "Gaizelle! Gising! Gising... Please..."

Wala itong malay.

Mabilis na pinindot ni Bob ang emergency button sa may ulunan ng kama. Diretso ang button sa nurse station. Agad namang may rumespondeng nurse.

"Anong nangyari Sir?" Humahangos na tanong nito.

"Please revive her. May nakapasok dito. He tried to suffocate her with this pillow."

Umalis kaagad iyong nurse at pagbalik nito ay marami na itong kasama at may machine pang tulak-tulak.

"Sir, please lumabas po muna kayo," sabi noong isang lalaking staff na kasama ng grupo.

Nagsisimula ng ikabit iyong machine kay Gaize. Natulala si Bob at awang-awa sa sinapit nito.

"Sir, pakiusap po..." Inasistihan siya ng nurse papalayo hanggang makalabas siya ng pintuan.

Abot-abot ang tahip ng kanyang dibdib. Para siyang mababaliw. Hindi niya mapaniwalaang nangyayari ang lahat ng iyon. Sana naman ay makaligtas si Gaize. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili sa kapabayaang natakasan siya ng salarin.

Hindi pwedeng maghintay lang siya roon. Baka maabutan pa niya si Ferdie na tumatakas. Mas mabuti na iyong may gawin siya kaysa maghintay at mamatay sa nerbiyos.

Sinundan niya ang daang tinahak ni Ferdie habang dina-dial ang numero ni Danny.

"Sir.. anong problema?" Sagot nito sa kabilang linya na mukhang inaantok pa.

"Kailangan ko ng backup. May umatake kay Gaize dito. Hinahabol ko iyong salarin." Sabi niya habang tumatakbo.

"Ako na ang bahala Sir. Papunta na ako ng ospital."

Isa lang ang lagusang nakita ni Bob. Iyon ay ang daan pababa ng hagdan na siyang emergency exit. Nasa second floor lang naman sila kaya malamang na nakalabas na nga iyong lalaki. Ganunpaman, sa pagbabakasakali ay tinalunton niya ang hagdan hanggang sa makarating sa ground floor. Katapat nito ang emergency room. Sa interval ng pagtakbo ng salarin hanggang sa paghabol niya ay nakatakas na ito panigurado.

Huminto siya sandali at pilit na bumuo ng plano. Sa totoo lang ay hirap siyang mag-focus dahil sa likod ng kanyang isipan ay inaalala kung ano na ang kalagayan ni Gaize. May malay na ba ito? Nakakahinga ba ito ng maayos? Kung gising na ay di kaya ito nag-pa-panic dahil sa dinanas.

Hanggang sa mapatingala siya sa at nakita ang makakatulong sa kanya.

CCTV camera.

Tama, kailangan niyang magpunta sa security at humingi ng tulong para ma-access iyon. Siguradong matutulungan siya ng mga footages.

May nakita siyang guard na nasa harap ng ER. Lumapit siya sa lalaki. Inilabas niya ang kanyang ID. "Ako si Robert Aguilar. Nagtatrabaho ako sa NBI. May nakapasok na intruder sa silid ng kaibigan kong naka-confine ngayon dito at gusto ko sanang magpatulong kung kanino pwedeng humingi ng permiso para makita ang mga CCTV records."

Tiningnan nito ang ID niya. "Sir, nasa basement iyong central unit. Pwede kang pumunta roon. Magpakilala ka lang at ipakita ang ID mo. Siguradong matutulungan ka nila."

"Salamat..." Paalis na sana siya nang mapadaan ang kanyang tingin sa loob ng ER. Mula sa kinatatayuan ay nakita niya si Ferdie sa loob.

Kumulo ang dugo niya. Sa halip na magpunta ng basement ay pumasok siya sa ER at nilapitan si Ferdie. Pilit na hinawakan niya ito sa kamay para madala palabas ng ER. Mabuti na lang at kinaya niyang magtimpi dahil gustong-gusto na niya itong bugbugin.

The Great SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon