Gimbal

1K 40 6
                                    

Bob

"Shit! Shit!... Naman!"

Nagulantang si Bob sa narinig na ingay nang biglang nagsisigaw si Gaize sa kwarto niya. Humahangos na bumagon ito at di yata siya napansin na nasa sahig. "Aray!" Natapakan nito ang paa niya. "Tsk..." Parang si Superman na biglang nawala si Attorney.

Napabangon din naman siya dahil naiihi na. Pero pagbukas niya ng pintuan ay nakita niya si Gaize na nakahinto at nakikipagtitigan kay Reese na naroon sa kusina. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila. Kitang-kita ang pagtataka at ang mga tanong na gustong isambulat. "Ba-bakit kayo magkasama sa silid?" Namumula ba ang pisngi nito dahil sa klima o dahil sa galit?

"Excuse me." He really needs to go the comfort room.

Matapos gawin ang mga dapat gawin ay lumabas agad siya ng banyo.

"Reese, tama na 'yan. Huwag kang mag-isip ng anuman." Matigas na sabi ni Gaize. Naroon pa rin ito sa pinag-iwanan niya kanina.

"Iniwan mo ako sa kwarto mag-isa at siya ang tinabihan mo! Ganito ba ang nangyayari sa inyo? Kaya ayaw mo tayong maging intimate dahil sa totoo lang... lalaki rin ang gusto mo!" Nanlaki ang mga mata ni Reese sa mga nasabi.

So, they are not yet doing it!

Bakit parang gustong magpa-pyesta ni Bob sa nalaman?

"That's not true. Reese, you're being unreasonable. Alam mo kung gaano kaimportante ang kasong ito sa akin ngayon at kailangan ko ng tulog kagabi.  For Pete's sake, sinipa mo ako at ayaw mo pang magpa-share sa kama ko. Besides, sira ang aircon. You know I can't sleep well kapag mainit. The most logical thing in my sleepy mind last night was to sleep in the spare room with aircon which happens to be Bob's room for the mean time. And for your information, we're not having sex. I'm still a virgin in case you want to know." Matatas na depensa ni Attorney. 

Wow! That's too much information in Bob's mind!

"Excuses! Excuses! Ang sabihin mo, hindi mo talaga ako mahal. Malandi ka rin..." Galit na galit na nag-walk-out si Reese palabas ng condo suot ang pambahay ni Gaize na damit pero nabitbit naman ang bag na dala nito.

Nagkatinginan na lang sina Bob at Gaize.

"Pasensiya ka na. Ganyan talaga si Reese kapag may gusto siyang hindi ko binibigay." Malungkot na sabi nito bago umakyat na sa silid.

But he can't help but smile.. widely. Ear to ear pa nga.

Gaize isn't drawn yet to Reese. May pag-asa pa siyang mai-convert ito sa liwanag. Buhay na buhay tuloy ang dugo niya at nangingiti pa nang mag-brew siya ng kape sa coffee maker.

Di nagtagal ay dumating si Danny sa condo. Ito na ang magbabantay kay Gaize ngayon. One day off lang naman ang pinayagan sa kanya dahil kailngan  nilang mag-overtime.

"Good morning Sir," bati nito nang pinatuloy niya.

"Maupo ka muna. Naghahanda pa si Attorney. Coffee?"

"Tapos na Sir," sagot nito bago naupo sa sofa. Naka-cargo pants, black round shirt and cap si Danny.

"Nga pala... may ipapa-check ako sa iyo na kaopisina ni Attorney Lariosa." Tinabihan niya si Danny.

"Ano iyon Sir?"

"May napansin ka bang lalaking medyo mestiso, matangkad, matangos ang ilong, medyo brown ang buhok doon sa law firm?" Referring doon sa lalaking  nakita niyang naglagay ng chocolates sa mesa ni Gaize.

"Wala pa Sir. Baka isa sa mga lawyers o auditors nila."

"Find him. I want to know details of that man."

The Great SeductionWhere stories live. Discover now