Akitin

1.4K 71 15
                                    

...Para sa mga humingi ng update, heto na. Akala ko wala nagbabasa nito...

Gaize

Record breaking ang nagdaang 24 hours kay Attorney Lariosa. Two attempts of murder and a love confession from her best friend.

A very unusual day from her monotonous life.

It's a rollercoaster ride na pakiramdam niya ay nasa bingit pa rin ng pagkahulog mula sa itaas ng papababang sasakyan na di matuloy-tuloy dahil sa mga puwersang pumipigil rito.

Iyong adrenaline rush na di mawala-wala sa kanyang sistema ay patuloy na nananatili hanggang sa matakpan na nito ang buo niyang pagkatao.

Her bestfriend, for the longest time just confessed his love to her!

She could see in his eyes courage and determination on his revelation as they were standing close in that four corner room in the hospital.

Who would have thought that Bob has feelings for her? 

Never niyang naisip na magkakaroon ito ng romantic feeling sa kanya kung kaya't nakakagimbal talaga ang marinig mismong sa mga labi nito ang mga naririnig niya ngayon.

"Gaize.... mahal kita..."

Namanhid ang buong katawan niya. Sa dami ng emosyong pwedeng maramdaman nang sandaling iyon  ay blanko ang damdamin niya. Paano ba rumesponde sa isang love confession? Never pa namang nangyari iyon sa kanya dahil nga sa babae siya naa-attract. Madalas, siya ang nagsasabi ng mga naririnig niya kay Bob ngayon.

Ganito pala ang pakiramdam. Wala naman kasing nag-attempt na manligaw sa kanya noon dahil kapag may nagpaparamdam sa kanya ay sinusopla na niya agad bago pa lang makabulalas ng unang pangungusap. Lalo na noong highschool siya, dahil nga di naman siya kagandahan at di talaga nag-aayos ay wala talagang nanligaw sa kanya.

Pero si Bob ito e... Ang best friend niya. Kalahati ng buhay niya ay kasama na ito at sandigan pa. Buddy-buddy... Sabihan ng sikreto. Kasamang gumawa ng mga kalokohan. Tagapagtanggol kay Naynay Rita.. Ka-partner sa gimmick.. Nauutangan ng allowance... Minsan, tulay pa sa mga crushes niya.

"Baka.. nagkakamali ka lang Bob. Nami-misinterpret mo iyong feelings mo. Naaawa ka sa sitwasyon ko." Umiling pa siya."Tama.. iyon nga. Naaawa ka sa akin kaya mo nararamdaman iyan. Bob, naguguluhan ka lang." She looked at him. But she can't believe on what she saw in his yes... it's disappointment.

Her heart was breaking. She didn't see this coming. For the longest time, he is the closest man in her life. For the longest time, he is a very dependable friend. For the longest time, she never thought that Bob might fall in love with her. 

That's what she thought... Pwede rin namang manhid lang talaga siya. Na iyong mga actions at sweet gesture pala nito ay pagpaparamdam na pala. 

Hindi siya maaaring mahalin ni Bob ng higit sa isang kaibigan. Masasaktan lang niya ito. He deserves to be happy... with someone else.. not to a selfish and unsure person like her. She looked at her with a teary eye. 

"I'm not asking for you to love me back Gaize.... I'm telling you what I have been feeling for God knows how long it is. Hindi rin ako umaasang susuklian mo ang feelings ko. Sapat na sa akin ang maipaalam ko sa iyo ang nilalaman nito." Sabay turo sa may bahagi ng puso nito. "Iyon lang..."

"Bob naman e... Hindi mo puwedeng gawin sa akin ito." Pinipigilan niyang maiyak. "I'm a mess right now. Please.. You will ruin our eternal firiendship." Tuluyan na siyang napahikbi. "Bob, ayaw kong talikuran mo ako dahil d'yan sa nararamdaman mo. Hindi ko ito kayang mag-isa. Paano kung bumalik iyong killer? Paano kung tuluyan na niya ako? Pakiramdam ko any moment darating na siya at nakahanda na ang kanyang patalim. Paano kung dumating ulit siya at wala ka sa tabi ko. Paano na? " Takot na takot si Gaize.

The Great SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon