Pangamba

795 58 6
                                    

Gaize

Dilim.

Walang katapusang kadiliman ang nilalakbay ni Gaize. Pagod na pagod at inip na na inip siya sa paglalakad. Kanina pa siya naghahanap ng lagusan o kahit man lang liwanag pero wala talaga siyang matanaw.

Sari-saring isipin at nakakatakot na alalahanin ang nagpapaikot-ikot sa kanyang isip kung kaya't pinanghihinaaan na siya ng disposisyon. Gaano katagal na ba siyang naglalakbay? Hindi niya mawari dahil sa pakiramdam niya ay ilang araw na iyon. Sa loob ng malamig at madilim na yungib halos kawalan ng pag-asa ang siyang hanging namumutawi.

Paminsan-minsang may mga tinig siyang nariring ngunit kaagad din namang naglalaho.

Hanggang sa may maaninag siyang kakaibang liwanag.

Sa wakas! Ito na yata ang makakapagpalaya sa kanyang nanghihinang kaluluwa.

Isang malamig na tubig ang naramdaman niyang tumama sa kanyang mukha hanggang sa tuluyan ng lumiwanag ang kanyang dinaraanan.

"Salamat naman at nagising na!" Malinaw na narinig niya sa isang tinig.

Unti-unting iminulat ni Gaize ang kanyang mata para sanayin sa liwanag. Ngunit agad ding ipipikit iyon para mai-adjust ang paningin. Remehistro ang sakit ng mahigpit na pagkakatali ng dalawang kamay sa kanyang ulunan dahil sa pagkakagapos. Nang tuluyang masanay ang mata sa liwanag ay tumambad naman ang isang maluwang na lugar na parang warehouse. May mga patas ng kahon at sari-saring tambak. Sementado ang buong paligid. Isang maliit na bintana sa kanyang kanan ang nakikita niyang pinagmumulan ng hangin sa itaas. Dinig niya ang malakas na patak ng ulan sa bubungan. Iginala niya ang paningin at nakita ang dalawang lalaki na magkausap pero sa kanya nakatuon ang paningin. Itinaas pa ng isang lalaking malaki ang katawan ang hawak na flashlight at muling itinuon iyon sa kanyang mata.

Nasilaw siya sa taglay na liwanag. Saka niya napagtanto na panaginip pala ang naranasan kanina. Ngunit sa sitwasyong kinamulatan, parang mas gugustuhin pa niyang ito na lang ang panaginip. Bumalik ang mga ala-ala niya bago siya nawalan ng ulirat. May ipinaamoy sa kanya kung kaya't nawalan siya ng malay.

Si Cyrus.

Ito ang huling nakita niya bago dumilim ang lahat. Ito ang nagpaamoy sa kanya ng pampatulog. Kaya sigurado siyang ito rin ang may pakana kung bakit siya naririto.

"Nas-- hmp--hmp------" Isisigaw niya dapat kung nasaan si Cyrus subalit ungol lang ang lumabas sa kanyang bibig dahil naka-duct tape pala ang kanyang labi. Ang pangangawit ng kanyang braso ay unti-unti na ring naging malinaw sa kanyang pandamdam nang makitang nakagapos pala iyon sa itaas ng kanyang ulo. Ang ngawit sa kanyang binti ay ramdam niya na rin dahil siguro sa matagal ng pagkakatayo at pagkakatali na rin.

"Mmmmmm!!" Sumisigaw na siya sa isip niya pero wala pa ring linaw ang lumalabas sa kanyang bibig. Gusto niyang punasan ang naiwang tubig sa mukha pero hindi niya magawa dahil sa pagkakatali.

Ang mga walanghiyang iyon at binuhusan talaga siya ng tubig sa mukha!

Papalapit ang lalaking may hawak ng flashlight. Mula pa sa malayo ay kita na niya ang pag-ngisi nito.

"May sinasabi ka ba Attorney?" Nakakatakot ang bruskong ito. Papasang bouncer ang lalaki sa tindig nito.

"Am,,, hmpp,...@@#!!"

"Oo nga naman. Di ka nga pala makasalita. Sandali nga!" Lumapit ito sa kanya.

Katulad niya ay nakagapos rin si Danny sa kanyang tabi sa kanan. Mukhang wala itong malay at duguan ang t-shirt. Bugbog rin ang mukha. Putok pa ang labi. Gaano katinding pakikipagbuno ang ginawa nito? Bakit magkasama silang dalawa?

The Great SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon