Pagpapakilala

1.3K 52 10
                                    

Bob 😙

Nagmistulang driver si Bob ni Gaize sa biyahe nila pauwi ng Bulacan para sa kasal ni Alwin. Doon ba naman ito naupo sa likod at ginawang mobile office ang kanyang sasakyan. May kaso itong pinag-aaralan. Ayaw nga sanang pumayag kung di lang siya nagmakaawa at nagbigay ng isang pabor na kahit anong hilingin nito in the future ay gagawin niya. Sinabi rin niya ang tungkol sa sumpa sa kanilang mga panganay na lalaki pero pinagtawanan lang siya. Ang nakakapraning pa ay pumayag ito matapos maubos ang tawa nang dahil sa sinabi niya tungkol sa sumpa.

Ang weird talaga ni Gaize. Biruin mo naman mas nakumbinsi pa ito dahil daw sa kunong sumpa kaysa sa tulungan siya dahil sa magkaibigan naman sila.

Wala lang talaga siyang maisama. Kung may girlfriend ba naman siya o kahit fling lang e hindi sana siya nahihirapan ng ganito. In the end, napapayag rin naman. Saka na lang niya poproblemahin iyong pabor na hihingin nito.

Sa bayan ng Plaridel, Bulacan isinilang at lumaki si Bob. Dito siya nag-aral hanggang high school. Sa Maynila na siya nagkolehiyo. Mayaman ang pamilya Aguilar. May mga lupain at kilalang chain of bakeshop sila sa buong probinsiya. Ang mama niya ang namamahala ng kanilang negosyo habang ang papa naman niya ay isang lawyer practitioner .

Ilang beses na niyang naisama si Gaize sa probinsiya kaya kilala na ito ng pamilya. Sila pa noon ni Lynette noong una itong nakarating sa kanila.

Birthday iyon ng papa niya at inimbitahan niya ang mga kabarkada na mag-outing na rin. Kambal-tuko kasi sina Lynette at Gaize. Kung nasaan ang isa naroon din iyong isa. Kaya nga di siya maka-score kay Lynette dahil ang galing magbantay ni Gaizelle. Wala pa siyang idea noon na lesbian si Gaize. Minsan nga naisip niya na baka gusto rin ni Gaize noon si Lynette kaya palaging nakabuntot pero di na niya in-entertain ang isiping iyon.

Mula Begonia Street ay ikinaliwa niya ang manibela papasok sa Cornelia. Tanaw na niya ang malaking pulang gate ng kanilang ancestral house.

Pinakamalaking lupa ang nasasakop ng bahay nila sa buong kalsada. Sa mga kalapit na bahay ay mga kamag-anak rin nila kaya parang compound na ng Aguilar clan ang kahabaan ng kalye.

Spanish inspired ang bahay nila. Mahilig kasi sa antique ang mama niya. Noong ipinamana na ng kanyang grandparents ang bahay sa kanyang ama ay ganoon na ang hitsura nito. Pinaayos na lang ng mama niya. Madalas nga siyang tuksuhin ng mga kaklase na baka raw kasama nila sa bahay sina Gat Jose Rizal at Marcelo Del Pilar. Kahit sa loob ay iisipin mong nasa panahon ng mga kastila dahil pati mga kagamitan ay halos ganoon ang pagkakagawa. Mabuti na lang at may mga appliances silang moderno pero may touch pa rin ng Spanish ambiance. Katulad ng flat screen tv, naroon ito sa tv rack na may lilok ng mga bulaklak. Iyong oven, nakapatong sa kahoy na may ganoon ring lilok at mga paintings na antique galing sa mga obrang pintor ng bayan nila.

Biro niya nga sa kanyang ina na baka raw kailangan na rin nilang magsuot ng mga sinaunang damit, iyong Maria Clara inspired at camiso de chino o barong. Medyo pikon ang mama niya, dahil sa joke na iyon ay isang linggo siyang walang baon. Lesson learned, huwag na huwag mag-comment sa ayos ng bahay.

Iyon ang kabilin-bilinan niya kina Gaize at Lynette sa biyahe pa lang noon. Sigurado naman siya na natatandaan pa iyon ni Gaize hanggang ngayon. "Andito na po tayo Senyora!" Anunsiyo niya na himig pabiro sa kasamang abalang-abala sa pagtitipa sa dalang Macbook.

Nakasara ang gate. Bababa siya para buksan iyon at mag-doorbell na rin.

Luminga-linga muna si Gaize sabay inat. "Ang bilis ng biyahe natin." Itinaas nito ang suot na eyeglass at iniligay sa ulo na parang headband. Lalo tuloy napangatawanan ang pagiging matalino. "Inaantok tuloy ako Bob."

Ipinaling niya ang katawan kay Gaize. "Sino ba naman ang hindi aantukin sa ginawa mo? Sa loob ng isa at kalahating oras ay nagbasa ka lang. Buti di ka nasuka o nahilo. Baka nagkalat ka pa sa kotse ko."

The Great SeductionWhere stories live. Discover now