Kasalan

1.4K 47 8
                                    

Bob 😮

Napigilan si Bob na sabihing hindi totong girlfriend niya si Gaize dahil tinakpan nito ang kanyang kamay at hinila pa papasok sa loob ng bahay.

Nang makapasok ay agad niya itong dinala sa kanyang silid sa second floor. Di naman naka-lock at sigurado siyang walang umuukopa  kahit minsan lang siya umuwi.

"Bakit mo ginawa iyon?" May halong inis at tuwa ang nararamdaman niya. Di niya tuloy maipaliwanag kung ano ba talaga ang mas nakalalamang sa dalawang emosyon.

Bumitiw si Gaize sa pagkakahawak niya at diretsong naupo  sa gilid ng kama. "Ang alin?" Kagat-labing tanong. Halatang pinipigilang matawa. Nakatingin ito sa kanya.

"Iyong sinabi mong girlfriend kita." Medyo napataas ang boses niya. For Pete's sake, why is he reacting like this? It is very illogical.

"Kalma lang Dude!" Nagtaas pa ng kamay si Gaize na parang susuko. "Ikaw na nga ang ginawan ng pabor, ikaw pa ang galit." Itinukod nito ang dalawang kamay sa likod at idinekwatro ang mga binti. Kahit may  pagka-unlady, nakasanayan niya na rin.

Inihilamos niya ang kamay sa mukha at tinabihan si Gaize. "I already told you not to pretend anymore. You're just making things complicated Gaize." With conviction na sabi niya.

"I have no idea." She giggles. "Ang akala ko ay matutuwa ka. At isa pa, I felt the need to help you dahil naiintindihan kita sa nararamdaman at pinagdadaanan mo. Ganyan din ang sitwasyon ko everytime na umuuwi ako ng Laguna at tinatanong nila kung bakit wala pa akong pinapakilalang boyfriend hanggang ngayon. Kung alam lang nila...tsk. tsk..." Nahiga si Gaize. Nag-inat  at medyo umangat ang suot na t-shirt. Aksidenteng nakita pa niya ang kulay itim na bra nito.

Holy Mother of God!

Iniwas niya agad ang tingin sa babae. Baka kung ano na naman ang mabuhay!

"I appreciate your intention. But I thought this is unfair on your part kaya sinabihan kita kanina na huwag na  lang nating ituloy." Sa pinto sa harapan niya itinuon ang mata.

Bigla itong bumangon kung kaya't nahulog ang eyeglass sa sahig na naka-headband style sa ulo nito.

Pinulot niya iyon. Pero sa halip na ibigay ay siya ang nagsuot  sa mukha ni Gaize. Their eyes locked for a millisecond. It felt awkward on his part. "There."

Bumaling si Gaize sa kabilang panig nang maisuot niya iyon sabay tumayo na rin. "Kaya tara na bago pa ako mag-declare ng breakup." Inayos nito ang suot na black lounge pants. "Baka hinahanap na rin tayo ni Tita Myrna. Siguradong may nakakita sa atin na pumasok dito sa kwarto mo. Baka mag-isip pa ang mga iyon ng kung anu-ano, pati ako mapikot. Yuck!"

"Yuck ka d'yan. Hinalikan mo nga ako e." Recalling that event a while ago made his mood changed.

Ano na ba ang nangyayari kay Bob? Naba-bading na yata. Paiba-iba ang emosyon sa loob lang kalahating oras!

Basta talaga kasama niya si Gaizelle nagiging unstable ang huwisyo niya. Kumilos na rin siya patayo at hinila ito palabas. Diretso sa dining area kung saan naghihintay ang mama at papa niya pati na rin si Alwin at ang fiancee nito. 

"Kuya, ito nga pala ang future wife ko, si Jeissey Chiongco Aguilar." Pagpapakilala ng nakababatang kapatid. Inakbayan pa nito ang babae.

Pumayat si Alwin medyo umitim pa. Namrublema yata sa nangyaring pikutan. Pero sa mukha naman ay di halatang napilitan. Pogi pa rin tulad niya. Lahi yata sila ng mga mestiso. Nakuha nila ang magandang genes sa side ng papa niya. Di naman sa pagmamayabang pero magagandang lalaki talaga ang mga Aguilar kaya iyon at habulin  ng mga babae. Kakausapin niya ito mamaya ng masinsinan tungkol sa gagawing pagpapakasal.

The Great SeductionWhere stories live. Discover now