Panalo

1.8K 60 0
                                    

Bob

"Abswelto ka na!"

Halos tamaan ng pinto sa mukha si Bob nang pagbuksan niya si Gaize na mukhang tuwang-tuwa. Pinalitan nga pala niya ang passcode ng pinto. Ang aga-agang nambubulahaw.

Tatlong araw na di lumabas si Bob ng condo. Sinipag kaya naisipang mag-general cleaning kahit pa andon naman si Aling Mira. Ganito talaga siya pag problemado, paglilinis ang inaatupag para ma-divert ang isipan.

Tuloy-tuloy na pumasok si Gaizelle sa loob. Dumiretso sa kusina. Specifically, sa kanyang ref. Parang may-ari ng bahay na naglabas ng pitsel, kumuha ng baso sa cupboard at saka uminom ng tubig. "Hay ang sarap! Kanina pa ako inuuhaw. Ang haba kasi ng pila sa elevator. Sira na
naman kasi ang elevator n'yo. Kaya yung isa lang ang gumagana."

Galing sa pagdya-jogging ang intruder niyang friend. Bihira lang itong mag-jogging. Nagpipilitan pa silang dalawa kadalasan. Ano na naman kaya ang pumasok sa isip nito at nag-ehersisyo? Pinagpapawisan pa nga. Naka-ponytail ang one-length shoulder level nitong buhok.

Nalaglag na nga ang ibang hibla sa mukha pero maganda pa rin. Kung mag-aayos at kikilos lang itong babae siguradong dami ng karibal niya. Buti na lang.

"Wala ka pang breakfast?" Naghanap ito ng pagkain sa kitchen.

Binuksan pa nito ang rice cooker.

Naupo siya sa isa sa four seater chair sa dining table at pinanood ito. "Nag-jogging ka tapos gusto mo lumamon."

Lumapit ito sa mesa at hinampas. Nagulat tuloy siya. "Aba! Aba! Aba! Baka pag nalaman mo ang ibabalita ko sa iyo e di lang breakfast ang i-treat mo sa akin."

"Ows? Ano na namang kalokohan iyan? Don't tell me mangungutang ka e mas mayaman ka pa sa akin."

"Well, technically mas mayaman ako sa iyo in terms of cash. Pero in terms of land, mas marami ka noon sa probinsiya at sa laki ng condo mo, talo ako sa assets." Naupo na rin ito sa tapat.

Tama bang magbilangan ng properties? Nailing na lang si Bob.

"Ano ba? Wala ka bang ipapakain sa akin? I'm famished!" Muling hinampas nito ang mesa.

"Kita mong kagigising ko lang tapos mag-e-expect ka ng agahan. Malay ko bang susugod ka rito. Alam mo namang nakabakasyon ako." Nag-inat pa siya para ipakita kay Gaize na tinatamad siyang kumilos.

Itinaas nito ang paa sa inuupuan. "Correction, pinilit na magbakasyon. Sige na. Ilibre mo na lang ako sa coffee shop sa baba. Di ko maatim na magkwento ng walang kapalit."

"Sabihin mo na kasi ngayon."

Tumayo si Gaize at nilapitan siya sabay hila patayo. "Tara na. Bilis at naghahabulan na ang mga bituka ko."

Ang lakas talaga ng babaeng ito. Natangay siya hanggang sa pinto.

Mabuti na lang at nadampot pa niya ang kanyang cellphone na ipinatong sa mesa. "Teka nga, naka-pambahay pa ako. Magpapalit muna ako ng t-shirt."

"Ito naman. Magpapa-cute ka lang doon sa barista kelangan pang pumorma," reklamo nito at padarag na nagkamot ng ulo. Ganito si Gaize kapag naiinis. Masyadong maigsi ang pasensiya kapag di agad nakukuha ang gusto.

Samantalang si Bob naman ay naaaliw na asarin ito. Bago pa siya sapakin ni Dencio este ni Gaize pala ay tumakbo na siya paakyat sa kanyang kwarto. Mabilis na nagbanyo, nag-toothbrush, nagsuklay, nagpalit ng t-shirt at capri shorts. Pagbalik niya sa salas ay naka-dekwatrong nakaupo si Gaize habang kumakanta ng Closer ng The Chainsmokers.

"So, baby, pull me closer in the back seat of your Rover, that I know you can't afford--"

"Pakanta-kanta pa. Ganda yata ng mood natin." Pansin niya habang bumababa ng hagdan. Lumapit siya kay Gaize.

The Great SeductionWhere stories live. Discover now