Piraso

1.1K 45 8
                                    

Gaize

"Paanong... Kelan?... Bakit naging-- ?" Hindi matuloy-tuloy ni Naynay Rita ang mga tanong sa isip nito para kay Gaize.

Nakaupo ito sa kama sa guest room habang nakatayo si Gaize sa likod ng pintuan at pinapanood ang papalit-palit na ekspresyon nito. Umiiling-iling pa saka guguluhin ang bob-cut na buhok.

Umedad na si Naynay Rita. Mula ng magkaisip si Gaize ay ganito na ang anyo at porma. Short-haired, loose shirt, cargo pants at tsinelas. Katamtaman ang pangangatawan para sa height na 5' 2". Mestisahin si Naynay pero di talaga mahilig mag-ayos. Isang lesbiana si Naynay Rita. Buong buhay nito ay inilaan sa pagtataguyod sa kanya. Meron itong sariling negosyo ng mga feeds at babuyan na napaunlad sa sariling sikap. Kaya nga proud na proud siya sa ina-inahan.

Siyam na taong gulang si Gaize nang malamang hindi niya ito totoong ina. Namatay sa panganak ang biological mother niyang si Anette Lariosa. Kapatid ito ni Naynay Rita. Missing in action naman ang tatay niya. Ni wala nga siyang idea kung anong pangalan nito. Ayaw sabihin ni Naynay sa kanya dahil galit ito sa ginawang pag-iwan at pagtalikod sa responsibilidad sa kanila ng nanay niya. Kaya pala kahit anong tanong niya tungkol sa ama ay winawala palagi nito ang usapan. 

Dahil na rin sa palipat-lipat sila ng lugar noong bata pa siya kaya wala siyang mapagtanungang kapitbahay o kamag-anak man lang. Likas siyang curious sa kanyang paligid. Palagi niyang hinahanapan ng sagot ang mga tanong sa utak niya. Pero ang isang tanong na ito tungkol sa kanyang ama ay matagal ng pending at hanggang sa ngayon ay malabo pa sa Coke zero ang kasagutan.

"Anak, alam mo naman siguro ang pinasok mo." Ang lalim ng buntong-hininga nito.  "Kasalanan ko kung bakit ka nagkaganyan." Kitang-kita ang pagtulo ng luha sa mga mata nito.

Sa tanang buhay niya, ngayon lang niya nakitang umiyak si Naynay. Matatag at matapang si Naynay. Kaya nga ito ang idol niya. Ito ang nag-iisang ehemplo sa buhay niya at hindi niya ikinahihiyang ito ang kanyang ina. Sa totoo lang ay proud siya sa ina anuman ang kakulangan o depekto nito.

"Naynay, wala kang kasalanan." Agad niyang dinaluhan ito. Nag-squat siya sa harap at pilit na inaalo ang ina.

Pero iniiwas naman nito ang mukha habang nag-a-attempt siyang pahirin ang luha nito. "Wala kang kasalanan kung bakit ako naging ganito, Naynay." Mahigpit niya itong niyakap. Parang batang mas umatungal pa. "Naynay naman... Di ba dapat sa lahat ng tao, ikaw ang mas makakaintindi sa akin? Bakit nahihirapan kang tanggapin kung ano ako?"

Bigla itong tumigil sa pag-ngalngal. Natauhan yata sa sinabi niya. Tinitigan siya nito. Iyong tinging may halong lungkot at pagkabahala. "Anak, mahirap maging ganito...."

"Alam ko Naynay." Halos madurog ang kanyang puso sa realisasyong matagal na niyang alam.

"Kahit anong sabihin na moderno na ang panahon ngayon at nauunawaan tayo ng ilan. Pero sa mata ng lipunan, palaging may pag-a-alinlangan sa mga katulad natin. Kahit pa sabihin nilang pantay-pantay ang tingin ay naroon pa rin ang panghahamak." 

Isang tango lang ang naisagot niya.  Iyon ang masakit na katotohanan.

"Alam na ba ito ng mga kakilala mo? Sa opisina, alam ba nila? Tanggap ka ba? Si Bob, alam ba niya?"

Kumalas siya sa pagkakayakap kay Naynay at tinabihan ito sa kama. "Wala pang may alam sa office. Well, iyong mga naging girlfriends ko for sure alam nila."

Nanlaki ang mata ni Naynay na para bang bagong impormasyon pa iyon. "Naynay! Nakita mo na nga akong kahalikan si Reese ganyan pa rin ang reaksyon mo."

"Anak, nagulat lang ako."

"Alam ni Bob na ganito ako. Wala namang kaso sa kanya iyon. Magkaibigan pa rin kami." Bumaling siya  tinitigang muli. "Naynay, huwag ka sanang ma-disappoint sa akin. Hindi sana maging kabawasan sa pagkatao ko na ganito ako. I'm doing my best to be a useful citizen in this country. I'm trying really hard to find my happiness. Kaya po sana suportahan mo kami ni Reese.... Mahal ko po siya."

The Great SeductionOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz