Operasyon

1.5K 46 0
                                    

Bob

Balik trabaho si Bob. Kina-Lunes-an ng weekend getaway nila ni Gaize ay tinawagan siya ni Director Sarmienta dahil pinagre-report na siya nito sa trabaho. Natanggap na raw nito ang notice na wala na siyang kaso.

Normal lang ang naging biyahe nila ni Gaize pabalik ng Maynila. Medyo tahimik nga lang ito. Di na niya kinulit. Pero bago bumaba si Gaize sa sasakyan niya sa parking ng condo nito ay may sinabi itong nakaka-heart-attack.

"Alam mo, nanaginip ako kagabi. Sobrang ka-weirduhan."

"Bakit naman? Tungkol ba saan?"

"Hinalikan mo raw ako." Naniningkit pa ang mata nito.

"A-ano?" Kunwari, patay-malisya.

"Kaso, wala akong naramdaman. Sige Tol, paalam." Lumabas na ito ng sasakyan niya.

Di kaya't nahuli siya ni Gaize?

Kaya mula nang araw na iyon ay di na muna niya tini-text si Gaize. Di rin naman ito nagpaparamdam.

Bina-bluff lang kaya siya ni Gaize o totoong nanaginip ito?

Hay!

Bago pa siya masiraan ng bait ay nag-concentrate na sa mga data sa harapan ng kanyang laptop at mga reports na kailangang basahin dahil sa bago niyang assignment. Isang linggo na siyang puspusang nag-i-imbestiga tungkol sa white slavery case sa showbiz industry.

Isang nagngangalang Red Tuazon ang diumano raw ay pinuno ng sindikato na siyang nagbubugaw sa mga babaeng artista para sa mga mayayamang parukyano. Di lang white slavery ang ikinakabit kay Red kundi pati na rin ang pagbebenta ng droga.

May ilang ebidensya ng nakalap pero hindi pa rin ito matibay para sampahan nila ito ng kaso o arestuhin.

"Chief Aguilar, heto po iyong report ko." Si Inspector Steve Ricaforte, isa sa mga tauhan niya. "May lead po tayo at pwede tayong magsagawa ng undercover."

Kinuha niya ang folder na inaabot nito.

"Si Mary Ann Sagala, isang starlet na ibinugaw ni Red sa businessman na si Mr. Mateo Chi. Ang balita po ay nagkakahalaga ng limangdaang libong piso ang ibinayad kay Red Tuazon. Pero may underlying agenda po ang palitan dahil sa droga namang binili ni Mr. Tan."

"Paano natin mako-contact si Mary Ann? Handa ba siyang magsalita tungkol dito?"

"Ang sabi po ng lead, ready daw po si Ms. Sagala na makipag-coordinate."

"Good. Maghahanda tayo ng plano para sa operation. Thank you Steve."

Umalis na si Steve. Pilit niyang pinapagana ang utak sa mga gagawing hakbang. Masakit talaga sa ulo ang magplano ng isang operation. Kailangan niyang magpa-meeting para mapag-usapan ang aksyon.

Bago umuwi si Bob ay dumaan muna siya ng supermarket para mag-grocery. Wala naman siyang maid na gagawa noon kaya siya talaga ang personal na namimili. Nakapagbayad na siya sa counter at dadalhin na sa sasakyan ang mga pinamili nang ma-i-spot-an si Reese na may kasamang lalaki. Naka-akbay iyong lalaki kay Reese habang naglalakad ang dalawa papasok sa mall.

Kung ganon ay di pa rin nagkaka-ayos sina Gaize.

Ipapaalam ba niya sa kaibigan ang nakita? Siguradong masasaktan na naman ito.

Habang naglalakad palapit sa kanyang sasakyan ay nagtatalo ang kanyang isipan kung tatawagan ba si Gaize para magsumbong o mananahimik na lang. Sa huli, nanalo ang concern niya kay Gaize kaya tinext niya ito.

Concern nga ba o light bulb na idea para lalong magkasira ang dalawa?

Minsan gusto niyang sapakin ang sarili dahil nagiging madumi ang isipan niya.

The Great SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon