Lito

738 38 9
                                    


Gaize

Nagmamadaling lumabas ng kotse si Gaize papunta sa lugar kung saan dinala ni Reese si Joshua. Gustong-gusto niyang pagalitan ang babae sa hakbang na ginawa nito. Maling-mali iyon. Kukumbinsihin niya itong isoli si Joshua kay Philippe.

Hindi makakabuti sa ipinaglalaban nitong custody sa anak ang ginawa. Kaya habang hindi pa nagtatagal ay kailangang maibalik kaagad ang bata bago pa mag-report si Philippe sa kinauukulan. Kahit pa sabihing ito ang ina ay magaling na iyong naroon sila sa tama.

Baliw talaga itong si Reese. Kung ano ang maisipan ginagawa talaga. Masyadong carefree. Kaya nga siguro nagustuhan niya noon ang babae dahil sa katangiang iyon.

Sa parking ng isang mall sa Harrison ang sabi ni Reese sa telepono na lugar kung nasaan ang mga ito.

Mahigpit na sinabing huwag niya raw isasama si Bob nang sabihin niyang kasama niya ang lalaki sa korte.

Mas mabuti sanang may katuwang siya sa pagkumbinsi kay Reese. Pero dahil sa sinabi nitong baka madamay pa si Bob at ang bagong ahensiyang binubuo nito ay nag-alala siya para sa nobyo. Naikwento niya minsan kay Reese na nagbukas ng ahensiya si Bob dahil proud siya sa nobyo. Mabigat man ang loob niyang iwan ito kanina ay kailangan niyang ituwid ang kagagahang ginawa ni Reese.

PTX 887 ang plate number ng Sedan na nahiram daw nito. Nakita niya ang sasakyan pagdating sa first level ng building parking. Nag-taxi na siya mula sa korte.

"For Pete's sake Reese! Di ka talaga marunong makinig!" Sabi niya pagkapasok pa lang ng sasakyan sabay hila ng pinto pasara. Sa unahan siya naupo.

"Hello Ninang Attorney!" Bati ni Joshua na naroon sa backseat. Di niya masagot ang bata. Pero ginulo-gulo niya ang buhok nito para i-acknowledge na pinansin niya.

Bumalik sa paglalaro si Joshua. Si Reese ang binalingan niya. "Are you out of your mind?" Pilit niyang kino-control ang boses.

"Put your seatbelt on," utos ni Reese na agad pinaharurot ang kotse.

"What are you doing? Stop the car." Mariing sabi niya.

Pero mukha namang walang narinig si Reese.

"I said stop the car." Inagaw niya ng bahagya ang manibela. Sinilip niya si Joshua dahil baka nasaktan ito nang biglang magpreno si Reese. Mabuti na lang at ayos naman ang bata na abala sa Ipad.

"What the hell Gaize! Gusto mo ba tayong maaksidente?" Pinandilatan siya ni Reese.

Inihinto na rin nito ang kotse at itinabi sa may malapit na bakanteng space. Di pa sila nakalabas sa parking.

"Sa labas tayo mag-usap." Ayaw niyang marinig ni Joshua ang kanilang diskusyon.

"Kailangan ko ng ilayo ang anak ko."

Sa pag-aalala niyang maisahan na naman ni Reese ay kinuha niya ang susi ng kotseng nakapasok sa ilalim ng manibela. Namatay ang makina at lumabas kaagad siya.

"Gaize! What is this?" Napasunod si Reese.

"Isoli mo na si Joshua sa lola niya!"

"No! Hinding-hindi ko gagawin iyan."

"You are just making things worse. Baka ikaso pa nila iyan sa iyo. Pag nangyari iyon lalo kang mawawalan ng pag-asa sa custody niya. Mag-isip ka naman Reese!"

"Hindi kita pinapunta rito para sermonan ako. Kailangan ko ang tulong mo para makalayo kami."

"Reese, hindi mo ba naisip na baka dahil dito lalo nilang ilayo si Joshua? Akala ko ba gagawin mo ang lahat para maging mabuting ina sa anak mo? Huwag mo silang bigyan ng rason para hindi matupad iyon."

The Great SeductionWhere stories live. Discover now