Kaarawan

921 51 4
                                    

Gaize

Paalis na sana si Gaizelle sa kanyang opisina para sa birthday treat na inihanda ng mga ka-trabaho nang biglang bumukas ang pintuan. Pipihitin na dapat niya ang door knob pero naunahan siya ni Cyrus.

"We need to talk. Huwag ka munang umalis." Walang kangiti-ngiti nitong sabi nang magkasalubong.

Mukhang mainit ang ulo.

"Ah.. okay. What about it?" Napaatras siya nang tuloy-tuloy itong pumasok sa loob at huminto sa harap ng kanyang mesa. Mabilis siyang sumunod. Ibinaba na muna niya ang dalang bag sa office table.

Humawak ang kanang kamay ni Cyrus sa kalapit na silya habang ang kaliwang kamay naman ay inihagod sa naka-gel na buhok. In his usual long sleeve polo and slacks, his statuesque frame stood there. He seemed pissed.

"Pupunta ka ba sa Vikings?" Doon ang venue ng kanyang birthday dinner. Nandun na nga iyong ibang kaopisina niya. Si Danny ay naghihintay sa labas.

"I still have an appointment after this. Sinadya lang kita rito para makausap ng personal." Seryoso pa rin si Cyrus.

Knowing him, this is important. Pwede naman itong tawagan na lang siya sa cellphone at sabihin ang gustong ipabatid pero sinadya pa talaga siya.

Naghintay siya sa sasabihin nito. Pareho silang nakatayo sa harapan ng mesa habang pinapanood si Cyrus.

"Drop the case!" May diing sabi pa nito.

"Huh! Anong case?" Naguguluhan pang tanong niya.

"The one with Red Tuazon."

How did he found out?

"Hindi pwede. I already gave my word to them." Biglang akyat din ng dugo sa kanyang ulo dahil sa utos ni Cyrus.

"You can't take that case. It's too dangerous."

"Alam mong halos lahat ng kaso ay may danger. Why this specific case?"

"I don't want you to get involved with that bullshit!"

"Cyrus, getting involved is our job. Give me one good reason why I should drop this case."

Umasim ang mukha ni Cyrus sabay talikod sa kanya.

"I can't give you a reason."

Dahil nakatalikod ito ay siya na ang lumakad para harapin ito. "Huwag mo akong talikuran. Ikaw itong nag-uutos na bawiin ko ang aking salita tapos wala ka man lang rason!" Nagtaas na tuloy ng boses si Gaizelle.

Hindi na niya pwedeng bitawan ang kaso. Naibigay na niya ang kanyang salita sa prosecution team. Nalaman niya sa meeting kahapon na nahihirapan ang mga itong maghanap ng abogado dahil walang gustong kumuha sa kasong iyon. Ilang kilala at di kilalang abogado na ang nilapitan pero walang pumapayag. Nakaka-intriga tuloy kung bakit tinatanggihan ang kasong iyon. Lalo tuloy na-challenge si Gazelle. Kagabi nga ay di na siya nakatulog sa pag-aaral ng case. Ang dami niyang tanong. Bawat tanong sa utak niya ay nagbubukas ng misteryo.

"Bilang partner mo rito Gaize, hindi ba pwedeng maniwala ka na lang sa sinasabi ko? I can't tell you the reason right now because I have my own valid reason. Take this as a warning for now."

"Warning?" Naiiling na sagot niya. "Kung palagi na lang tayong matatakot, walang mangyayari sa justice system dito sa bansa natin. Tell me, is there someone behind this?"

Inihilamos ni Cyrus ang dalawang kamay sa mukha. Bakas ang frustration na dinadala nito. "Hindi ko nga pwedeng sabihin. Hindi ba pwedeng maniwala ka na lang?" Pinandilatan pa siya nito.

The Great SeductionWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu