Motibo

1K 44 5
                                    

Bob

Nagpupuyos ang damdamin ni Bob sa ginawang landian nina Gaize at Reese. Di niya napigil ang sarili na gumawa ng paraan para awatin ang dalawa. Sagad sa buto ang sakit na naramdaman niya. Para siyang ibon na binaril sa kagubatan na ngayon ay nahuhulog sa lupa at inaantay ang pagbagsak.

Heto siya at alalang-alala sa nagtatangkang pumatay o manakit kay Gaize pero ito namang kaibigan niya ay abala sa pagpapaunlad ng lovelife.

Hindi maaari!

Hinding-hindi niya matatanggap na sa babae mapunta si Gaize!

Ito na ang panahon para lumabas siya ng kanyang kweba at gumawa ng paraan para makamit ang matagal ng minimithi.

He could'nt be an honor student for nothing. He couldn't be the best in his batch to loose into a girl over a fight which cupid started.

Ang babae ay para sa lalaki!

Iyon ang prinsipyo niya. Naliligaw lang ng pag-iisip si Gaizelle dahil sa mga pinagdaanan nito. Pero panahon na para itama niya ang likong daan na tinatahak ng de kampanilyang abogado.

Nanghihinang naupo si Bob sa kama. Nakakawala talaga ng lakas ang nasaksihan niya.

Di rin nagtagal ay bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Gaize. Mabuti naman at hindi na ito naka-tuwalya. Naka-t-shirt at shorts na.

"Ano bang problema mo?" Damang-dama niya ang iritasyon base sa boses at walang kangiti-ngiting mukha nito. Tumigil ito sa may harap niya at humalukipkip.

Ano nga bang sasabihin niya? Hindi niya pwedeng ipaalam ang totoong tumatakbo sa isip niya. Mag-isip ka Bob!

Huwag na huwag mong sasabihin na nagseselos ka!

He cleared his throat and looked at her. He stood up, confidently. "Nakumpirma ko na may gusto ngang pumatay sa iyo."

"Hindi totoo 'yan Roberto. Dahil pa rin ba iyan sa daga?" Tumaas pa ang boses nito.

"For Pete's sake Gaizelle! Kung ayaw mong maniwala e di huwag. Ipinaimbestiga ko ang mga kliyente mo sa tauhan ko at nalaman niya na may galit sa iyo sa mga nakalaban mo sa kaso."

"Is this for real o tinatakot mo lang ako?"

"Bakit naman ako magsasayang ng oras at panahon para takutin ka? Sige nga? Ang laki ng kasong hawak ko ngayon. Nakataya rito ang propesyon ko. Bakit naman ako gagawa ng moro-moro?" May diing pahayag niya.

Blanko ng ilang segundo ang mukha ni Gaize. Nakatingin lang ito sa kanya hanggang sa lumambot ang anyo nito. "Anong ibig mong sabihin?" Naglaho ang mala-tigreng aura nito kani-kanina lang.

"Gusto niyang gumanti."

"Sino? Sino siya Bob? Sabihin mo please."

He won't tell it. It's not yet time. Kilala niya si Gaize. Sa oras na malaman nito kung sino iyon ay kukumprontahin nito ang taong iyon. Masisira ang kanilang diskarte.

"Hindi pa panahon na malaman mo. Masyadong delikado."

Nag-panic ang mga mata ni Gaize. "Sino? Anong ikinagagalit niya?" Lumapit si Gaize sa kama at naupo sa may gilid. Tumingala ito sa kanya habang naghihintay ng sagot niya.

"I'm not yet sure. Malalaman din natin iyan. But for the meantime, dito muna ako titira sa condo mo para mabantayan ka. Mag-a-assign rin ako ng staff para protektahan ka habang kinukuha pa namin ang mga ebidensiya."

Bigla na lang lumabas sa bibig ni Bob ang pagtira niya sa condo. Tama! Magandang idea iyon para hindi makapagkita sina Reese at Gaize.

"Teka lang.. Tama ba ang narinig kong dito ka titira?"

The Great SeductionWhere stories live. Discover now