Milyones

842 45 7
                                    

Gaize

"Saan ka ba pupunta?"

Nagulat si Gaize nang biglang nagsalita si Naynay sa likod niya. Heto na naman ang habbit ng nanay niyang bigla na lang pumapasok sa kwarto.

"Po!" Nabitawan niya ang hawak na lipstick. Nahulog tuloy sa sahig ang takip.

"Gabing-gabi na kasi nagli-lipstick ka pa. Iyan ba ang uso sa mga lesbiana ngayon? Seductive Red?" Ibinaba nito ang mga tuyong labada sa kama niya. Kita ang repleksyon ni Naynay sa salamin ng dresser. Naupo na ito at nagsimulang maglupi.

Mabilis siyang kumuha ng tissue paper at pinahid ang lipstick. Naisipan lang naman niyang i-try yung dati pang niregalo sa kanya ni Reese nang makita iyon sa drawer niya sa office.

Pagod na pagod si Gaize sa dami ng inasikaso maghapon. Iyong mga kaguluhang dulot ni Cyrus, iyong mga pending cases nito ay isa-isa niyang hinarap. Nagpa-meeting pa siya sa kanilang mga auditors at lawyers. Tatlong araw na siyang abalang-abala. Kahit Sabado bukas, mukhang sa opisina rin siya maglalagi. Nakabuntot pa rin sa kanya si Rochelle.

"Sinubukan ko lang Nay. Ang kulit kasi ni Joonie, binentahan pa ako." Tumabi siya kay Naynay at nakilupi na rin. Nagsinungaling pa siya. Di naman niya masabing naisip lang niyang i-try yung kulay kung bagay sa labi niya. T-shirt ni Bob ang nakuha niya. Itinuon ang atensyon sa ginagawa.

Nasaan na ba ang isang iyon? Este ang boyfriend niya. Sabi nito sa text kanina ay male-late ng uwi dahil sa bagong project. Pero alas onse na at wala pa.

Ano bang peg niya ngayon? Worried girlfriend o loving girlfriend? Hanggang ngayon ay di pa rin makapaniwala si Gaize na for the first time in her life may boyfriend na siya!

For the past 3 days matapos ang kanilang mga confession, pakiramdam niya ay para pa rin siyang lutang. Despite all her problems in the office, she started to worry about her clothes for the day, her make-up, her lipstick, her perfume. Will Bob like it if she dress to formally? Will Bob like it if she wears a girly blouse. Those mundane things she never worry before instantly flooded her mind. Now, she realized that after all the girlfriends she got, she is really a woman.

Wala tuloy sa sariling napangiti si Gaize habang inaamoy na pala ang t-shirt ni Bob.

"Hoy! Anong nangyayari sa iyo?" Nagulat na naman siya kay Naynay. Kumakaway-kaway pala na ito sa harap niya at naiiling.

"Po!"

"In-love ka no."

"Hi-hindi ah.." Mabilis niyang tanggi sabay lupi ng t-shirt. "Huwag kang assuming Naynay. Trauma lang ito."

Wala pang alam si Naynay na boyfriend na niya si Bob. Hindi pa niya nasasabi. Nag-aalala kasi siyang baka magalit ito dahil tumiwalag na siya sa asosasyon.

"Sigurado ka bang okay ka na anak? Di mo ba kailangan na mag-counselling?"

"Ayos lang ako Nay."

"Nag-aalala ako. Hindi biro ang pinagdaanan mo."

"Tigilan mo na ang pag-aalala. Ayos lang talaga ako Nay." May katok siyang narinig. Baka si Bob na iyon. Napatayo tuloy siyang bigla. Maghapon silang hindi nagkita.

Ang isiping nasa pintuan na ito ngayon ay nagbigay sa kanya ng excitement.

Binuksan niya ang pinto. "Bob..." Sabay ngiti niya sa kanyang guwapong nobyo. "Nay si Bob dumating na." Mabilis na sigaw niya para bigyan ito ng warning. Aamba na kasi ito ng kiss.

"Tita, good evening po." Isinugaw nito ang ulo sa may pintuan. May naglalarong ngiti sa labi.

"Roberto, kumain ka na ba? Nagluto ako ng paksiw na pata. Masarap iyon."

The Great SeductionWhere stories live. Discover now